Ganito pala pag wala ang minamahal mo!
Palingon lingon ka, limilipad ang utak mo,
Tumitingala ka, kung anu ano ang ini-isip mo,
Daig mo pa ang lalaking sumisigaw dahil sya'y aristado.
Pano kaya kung araw-araw wala ang mahal mo,
Makakagawa kapa kaya kung sya ang inspiration mo,
Makakaya mo pakayang mabuhay sa lutang na mundo,
Kung sya at ikaw lang ang maaaring mabuhay dito.
Nariyan man sya, di mo naman matingnan
Matignan mo man, ligaw tingin lang!
Pati mapalapit sa kanya ayaw mong subukan,
Kahit siguro sapakin nya ko wala akong mararamdaman.
Palapit na ng palapit ang bakasyon,
Napakabilis talaga pag nagpasya na ang panahon,
Makakagising pa kaya ako't makabangon,
Kung sayo palang di naku maka-ahon.
Para kang pabango na pinapabango't paborito ko,
Mananatili ang amoy mo hanggang sa pagtulog ko,
Maniwala ka prisensya mo'y di mawawala sa tulad ko,
Hanggang sa bumalik at magkita muli tayo.