Part 1

4 1 0
                                    


UMUULAN.

Ewan ko ba pero wala talaga akong gana pumasok ngayong araw na 'to. Kanina pa 'ko gising pero habang naririnig ko ang rumaragasang tunog ng ulan mula sa mababang bubungan namin parang mas lalo pa akong inaantok.

Eksaktong 9 am na pala ng umaga. Hindi ko man lang naramdaman. Mukang napasarap talaga ang tulog ko. At oo nga pala, ako lang ang tao ngayon dito sa amin dahil maaga pa lang ay naglalako na ng kakanin ang papa ko at si mama naman ay umalis . Samantalang 'yung kambal kong mga kapatid, ayun nakapasok narin pala sa school. Hay naku, tanghali na pala talaga. Pero promise ngayon lang nangyari sakin 'to.

HINDI NAMAN TALAGA AKO PASAWAY PROMISE! :D

"Ooops!" Taranta kong sabi nang nahulog ako sa sofa. Hindi ko alam pero doon na pala ako nakatulog kagabi. Pero ayos lang, napasarap naman ang pagtulog ko.

"Aray ko!" Masakit din pala.Huhu..

"Ang lakas talaga ng ulan at ang lamig." Dumungaw ako sa bintana. Antahimik ng buong paligid. Alam kong tanghali na pero parang hindi naman. Sa tingin ko magkaka-bagyo pa yata. Kaya binuksan ko na ang t.v at pinatay ang electric fan. Super lamig naman kasi.

And then ...

Nagulat ako ng may kumatok sa pinto...

"Sino naman kaya 'to?" Nagtaka talaga ako.

Tok...tok..tok!

"Tao po...!"

"Tao po...!"

Katok ng katok. Pagbuksan ko na kaya? Pero boses babae eh...? Sino kaya 'to? Imposible namang 'yung isa kong kapatid na babae eh nasa school 'yun. Si mama naman umalis pero baka nga siya ito. Sige na nga lalapit na ako.

"..tao po!"

"Uhm, sandali lang po..." Pero teka parang iba 'yung boses niya 'eh. But it's fine bubuksan ko na lang 'tong pinto.

"Sino po ba it---"

"Hi... Hi Kate." Nakangiting bati ng babae. Waaah!!! Pamilyar siya sa'kin because she is...

"K--kc...?!"

"Yup. It's me. Hindi mo man lang ba ako papa-pasukin?"

"U--uhmm, well come in."

"Good!" She said sarcastically.

Natahimik ako.

I never thought na darating siya HERE. As in gulat talaga ako.  o.O

"Hey! Bakit ang tahimik mo? Hindi mo man lang ba ako aalukin for breakfast?" Ayos din 'to ah. Mahiya naman ako sa kanya. -.-

"Ay, sori! Uhm ano nga ba?" pumunta akong kusina.

"Gusto mo'ng coffee...? Well, may pandesal pa dito? Gusto mo?" sigaw ko.

"Wala bang hotcake or even sandwich 'dyan? Mas prefer ko kasi 'yun eh."

TEKA LANG PO. DEMANDING 'TO AH. PIGILAN N'YO 'KO!

...HHMMMMMP!

"Ano, matagal pa ba 'yan?"

"Eto na po ma'am!" asar na asar kong sabi sa kanya. At take note, hindi man lang nagpasalamat. Haha. No doubt siya nga si Kc.

"Hmmm... masarap ah. Namiss ko 'to. 'Dun kasi sa states walang kasing lasa nito."

"Kamusta ka na...?" sabi ko. And, I didn't noticed, natahimik siya. And in the midst of our conversation nguya lang siya ng nguya. Aba teka, pasimple 'to ah?! Pero wait biglang nagsalita ang frog, es'te siya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 07, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

SWEET SECRETSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon