When It Comes To Love; "Age Doesn't Matter"

7.7K 146 13
                                    

[N/A: Dahil inspired ako lagi dahil sa A Gentleman's Dignity, naisip ko bigla gumawa ng one shot. I dedicate this one shot story to my friend, @ErvinGeonzon. Salamat sa idea ng title ng story na 'to. (: Happy Reading]

***

Age doesn't matter especially when it comes to love.

Sabi nila kapag mahal mo ang isang tao, wala ng pero pero. Ipakita mo lang sa kanya kung gaano mo sya ka mahal, okay na.

Wag kang magpa-apekto sa kung ano man ang sasabihin nila. Ang importante alam mo kung ano ang ginagawa mo at alam mong hindi ka nakaka-apak ng ibang tao.

****

My POV (:

Ako nga pala si Carrie. 17 Years old. Nag-aaral sa ****** University. Dalawa kaming magkapatid, bunso ako. Ang mga parents namin, laging nasa ibang bansa dahil sa business na hindi maiwan-iwan. Kaya kami nalang ni Kuya Tristan ang andito sa Pilipinas.

Ayaw kasi naming iwan ang Philippines. Kasi, IT'S FOR MORE FUN here (:

"Kuya Ron!" Sigaw ko ng makita ko si Kuya Ron na pumasok ng bahay namin.

Tumakbo ako papalapit sa kanya at mabilis na yumakap ako. Dahil sa excite ko napatalon ako kaya karga nya ako ngayon. Ng bumukas ang pinto, binitiwan ako ni Kuya Ron kaya nahulog ako. Ang sakit sa pwet ha!

"Aww!" Ang sakit ng pwet ko.

Sinundan ko lang sila ng tingin ng pumunta silang sala.

"Bakit ka nga pala andito, Carrie?"- Kuya Tristan

"Kuya Ron, anong gusto mo? Tubig, coffee, juice? Sabihin mo lang ibibigay ko lahat sa'yo." Pa sweet ko pang sabi.

"Tubig nalang, Carrie."

"Sige, wait lang." Tumakbo na ako papuntang kitchen at binuksan agad ang ref. Nagsalin na ako ng tubig sa baso at bumalik na sa sala.

"Kuya Ron, oh!" Sabay abot ng baso kay Kuya Ron.

"Carrie, bakit andito ka nga?"- Kuya Tristan.

Ahh. Oo nga pala. HEHEHEHE. Hindi ko sya na sagot kanina. Na excite kasi ako ng makita ko na ulit si Kuya Ron. Sobrang na miss ko kasi sya.

Actually, nagkita naman kami kagabi. HEHEHE. Pero talagang na miss ko sya.

"Bakit, bahay ko rin naman 'to, ah! Na banned na ba ako rito?"

"Ang ibig kong sabihin, bakit nasa bahay ka ngayon? Di'ba dapat nasa school ka."

"Aww. Sem-break na po." Nakangiti kong sabi sabay tingin kay Kuya Ron, na wala naman sa'kin ang atensyon nya.

"Ahh. Sige, magbibihis na muna ako. Iwan na muna kita, Ron."

"Sige, pre."- Kuya Ron.

Ng maka-akyat na si Kuya Tristan sa kwarto nya, mabilis na umupo ako sa tabi ni Kuya Ron at yumakap ako sa braso nya. Para walang kawala. HAHAHAHA. Evil grin ^__^

"Kuya Ron, bakit pala kayo andito? May lakad ba kayo ni Kuya Tristan? Wala ata sila Kuya Denis at Kuya Jiro." Sunod-sunod na tanong ko.

"Birthday ni Jiro, hindi mo ba alam?" Tanong nya pero hindi parin nakatingin sa'kin.

"Ahh! Oo nga pala. Nakalimutan ko. Sama ako sa inyo, Kuya." Hinigpitan ko pa lalo ang pagkayakap sa braso nya.

When It Comes To Love; "Age Doesn't Matter"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon