Finn's Point of View
"Late ka? So kamusta sa bagong condo mo?." sambit ni Jayson nang makarating ako sa coffee shop na pinagtatrabahuhan ko.
"Badtrip! May nakilala ako kagabi, lasing na lasing kaya naawa naman ako kung iiwan ko lang dun kaya ayun dinala ko sa condo ko at siya ang unang gumamit sa kama ko!." tugon ko at nanlaki naman ang mata niya
"Lalaki Finn?."
"Tss. Importante pa ba yun?."
"Oo kaya tsk!."
"Oo lalaki.. Moon Salazar ang pangalan niya!." sambit ko at tatango-tango naman siya
"Alam ba ni Derrick?."
"Hindi na siguro! Pupuntahan niya ko mamaya dito para makapunta siya sa condo ko!."
"Huh? Papupuntahin mo si Derrick dito? Tanga ka ba? Alam mo dito ka hinahanap ni Richard at alam mong pupuntahan ka niya dito para sunduin, paano kung matiyempuhan niya kayo ni Derrick, paniguradong mapapahamak siya!" tugon ni Jayson kaya naman napa-isip ako dahil maaaring totoo ang sinasabi ni Jayson, hindi ko maipakilala kay papa si Derrick dahil ayokong may mangyaring masama sa kanya. Agad kong kinuha ang cellphone ko para tawagan si Derrick.
[Hello?]
[Babe bakit?]
[Ahm Derrick I think? You don't need to be here later, baka kasi pumunta si Richard at ang mga tauhan niya dito para sunduin ako, ayoko lang makita ka nila.]
[Ganun ba? So paano na? Paano ko malalaman yung nilipatan mong condo?]
[Okay ganito nalang, iiwan ko kay Jayson yung duplicate key ng condo ko alam niya naman kung saan yun just in case na sunduin ako ni Richard dito sa coffee shop itetext ka ni Jayson okay?]
[Okay babe sige I love you!]
[Sige bye magwowork na ako! I love you too!]
End Call....
"So okay lang ba Jayson? Heheheh?." tugon ko pagkatapos ko kausapin si Derrick
"Tsss. May maggagawa ba ko? Magtrabaho ka na nga!."
"Okay po Boss hhahaha!." siya si Jayson Reyes pinaka-matalik kong kaibigan na pinagkakatiwalaan ko sa lahat, siya lang ang nag-iisang lalaki na nakakaalam sa relasyon namin ni Derrick. Kya naman pagkatapos namin mag-usap kinuha ko na ang tray na may lamang 2 Frappe at 2 Dark Chocolate Doughnut para iserve sa table 4.
"Here's you order Sir. Enjoy!." tugon ko nang mailagay ko sa table nila ang kanilang inorder.
"Sandali!!." sambit nung lalaki kaya naman napatigil ako sa paglalakad at muling lumapit sa kanila.
"Ano to? Bakit Macchiatto Frappe ang nakuha ko! B*b* ka ba? As I said Cappucino ang gusto ko at yun ang inorder ko?." pag-rereklamo niyang sabi
"Sir mawalang galang na po, kung ano po kasi ang nakalagay sa resibo na binili niyo ayun ang iseserve!." dahil sa sinabi ko ay bigla naman siyang napatayo at hinawakan ang kwelyo ko.
YOU ARE READING
Villarta X Armada: A Rainbow's Love Story
RomanceVillarta and Armada are the two richest families in the world, the two families merciless to kill because two mafia mortals will fight and quarrel in their business. Francine Villarta and Zaigon Armada are the two people who will never get along. B...