Ambitious

11 8 0
                                    

This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

•••

Hello! This is just a one shot story. Enjoy reading. XOXO. Muwah.

-------------------------------------------------------------

Sa isang lubak lubak at hindi masyadong kagandahang lugar may tatlong magkakaibigan na ambisyosa.

Sila ay halos pandirian nang mga kanilang kapitbahay pagkat lahat ng dayong mayaman sa kanila ay inaakit nila.

Si Ana, Hana, Mara. Ang tanging hangad nila ay makapag asawa ng mayaman. Di bale na hindi nito mahal ang kanilang mapapangasawa basta may pera.

Silang tatlo ay ulila na kaya naman ay hangad nila na sana sa hindi pa sila mamatay ay makapag asawa sila ng mayaman para hindi na sila maghirap sa buong buhay nila.

Isang maaraw na hapon ay naka upo si Mara at Hana sa balkonahe nila Mara.

Nagkwekwentuhan sila tungkol sa isang matandang mayaman na nakatira sa bayan.

Ngunit bigla lamang silang nagitla ng marinig nila ang tinig ni Ana na nagtitili.

Nagkatinginan ang magkaibigan at nararamdaman nila na may isang magandang balita ang dala ni Ana.

"Alam niyo, may bagong lipat dito sa atin." Pag kukuwento ni Ana kina Mara sa isang dapit hapon.

Nanlaki ang mata ni Mara. "Mayaman ba?"

Mababasa sa mukha ni Mara ang pag aasam nq sana ay mayaman ang lumipat sa kanilang baryo.

"Oo! Mayaman! Mayaman na mayaman! At hindi lang iyan! Gwapo pa!"

Nanlaki ang mata nila Mara at Hana. Bihira lamang ang mayaman na gwapo na dumadayo sa kanilang baryo pagkat malayo ito.

Nag kwentuhan sila tungkol sa lalaking mayaman na gwapo na nagngangalang Jake.

Si Ana ay bidang bida ne kinuwento kung paano nito inakit ang Jake sa kaninang umaga.

Si Mara ay hindi kumbinsido na gwapo talaga si Jake ngumit masaya na rin siya pagkat mayaman ito at may makukuhanan na naman siya nang pera.

Trabaho din nila ang paghahanap ng mga lalaking mayayaman para makuhanan nila ng pera.

Isang araw si Mara ay pumunta ng palengke para mamili nang kanyang pangangailangan.

Tulad noon, ay nangingibabaw pa din ang tsismis na isa siyang ambisyosa na malandi.

Aamin man iya o hindi, totoong malandi siya at alam niya iyon sa sarili ngunit gusto lamang niyang maasam ang magandang kinabukasan kaya siya lumalandi.

Kahit may jowa o asawa ay talagang nilalandi niya kapag mayaman para lang makakain siya araw araw.

Namimili siya nang karne nang bigla siyang napalingon nang may sumigaw na Jake. Nang tignan niya iyon ay agad nahulog ang loob niya sa lalaki pagkat totoo ngang gwapo ito.

Isang matipunong lalaki, na moreno, malalam ang mga mata, at mapupulang labi.

Gusto niya na itong lapitan agad at saka akitin ngunit sa tanang buhay niya ay noon lamang siya nakaramdam nang hiya.

Pagkatapos noon, ay hindi na mawala sa isip niya ang Jake na iyon.

Ilang araw din ang lumipas ay binibisita siya nila Ana at Hana ngunit naiirita lamang siya kapag kinukwento nila na nakikipagharutan sila sa Jake na iyon.

Matalik silang magkakaibigang tatlo. Kapag hindi makuha sa paglalandi ni Ana ang mayaman na kanilang biktima ay lalandiin naman ito ni Mara o hindi kaya ni Hana.

At kapag makakuha na sila nang pera ay paghahati hatian nila ito.

Isang sayawan ang magaganap kina Ana. Birthday niya kasi ito at naisipan niyang mag celebrate.

Inimbitahan naman nila si Jake para daw masimulan na nila ang paglalandi kay Jake.

Nang dumating ang sayawan ay maraming tao ang dumalo. Si Ana naman ay masyadong na aliw sa kanyang mga bisita at si Hana naman ay may isang nilalanding amerikano na mayaman.

Nang magkalibre si Hana dahil napag alaman ang amerikano na pupunta ito nang banyo ay agad nilapit ni Hana si Mara na nasa gilid lamang at tumutunga nang alak.

"Hoy Mara! Kailangan mong mag trabaho! Landiin mo ang Jake na iyon!"

Agad sumama ang kanyang mukha. "Ano? Ayoko nga!"

"Anong ayaw mo? Hoy! Kailangan mong gawin iyon pagkat doon tayo nabubuhay!"

Napipilitan man ay tumango na lamang si Mara at napag desisyunan na maglandi na lamang sa Jake na iyon.

Siguro dahil sa alak ay naging confident siya at nawala ang hiya at nararamdaman niyang kakaiba para sa Jake na iyon.

Ginala niya ang mga mata niya at hinanap ang Jake na iyon ngunit hindi niya ito makita, babalik na sana siya sa kanyang upuan ngunit talaga namang maswerte ang tadhana ay talagang nakabungguan niya pa si Jake nang siya'y pumihit.

"Pasensya na." Barito ang tinig ni Jake nang sabihin niyon at agad naman umusbong ang nararamdaman ni Mara para dito.

Nauutal man ay agad siyang sumagot. "O-okay lang."

Ngunit hindi pa siya nakakalakad para tumalikod ay agad siyang hinila ni Jake at niyayang sumayaw.

Sa isang malalim na gabi ay sumayaw sila nang marahan sa gitna ng nagkukumpulan na tao kahit na ang kanta ay hindi bagay sa kanilang pagsasayaw ng marahan.

Tinanong naman siya ni Jake kung anong pangalan niya at agad niya itong sinagot.

Ngunit sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam siya nang kakaiba. Kakaiba na hindi niya ma sambit kung anong pakiramdam iyon.

Ilang oras ay ganon pa din silang dalawa. Nagsasayaw nang marahan..

Ngunit bigla na lamang siyang hinigit ni Jake at sa isang gilid.

"Wag kang mabibigla, may sasabihin ako sa'yo."

Kinabahan man ay tumango siya.

Wala na sila sa kumpulan nang tao at natatakot siya baka may balak na masama ang Jake na ito.

Hinawakan ni Jake ang kanyang balikat at agad niya itong hinawi dahil sa kaba.

Tumawa naman si Jake saka ngumiti.

Hindi niya batid kung anong ngiti iyon. Ngiting nakakatakot ba o ngiting genuine.

"Mara.. kay tagal ka naming hinanap."

Agad kumunot ang noo ni Mara dahil doon. Hindi niya mawari kung ano ang sinasabi ni Jake pagkat ngayon lamang gabi sila magkakilala ay may nararamdaman siyang hindi magandang pakiramdam.

"Ano ang iyong ibig sabihin, Jake?" Kalmado niya itong sinabi ngunit pilit tinatago ni Mara ang kanyang kabang nararamdaman.

"Mara.. mayaman ka.. hindi ka kailangang maglandi."

Sa tono nito ay parang nangangaral ito sa kanya. Tumawa naman siya.

"Paano mo nasabi na ako'y mayaman, Jake? Isa lamang akong hamak na ulila." Mapait na sambit ni Mara.

"Isa ka sa mga na kidnap noon.. Mara."

Agad tumibok nang napakalas nang puso niya.

"Mara.. Ako ito ang pinsan mong si Jake."

AmbitiousTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon