11-16
Fourplay 🤪
4:47 PM
Drexler:
Ayaw kong mag-isip ng iba mga ssob.
Pero, hahaha
Amputa hindi naman kami saka nanliligaw pa lang ako pero bakit ganito
Tripp:
Sabi na tsismis eh
Share naman ng buo pre
Alonzo:
What happened?
Sabi mo pupuntahan mo si Zay dahil wala naman tayong practice?
Janus:
Sana all.
Tripp:
Oho?
Janus:
Walang practice gago.
Ma-issue ka.
*po
Tripp:
Pota hahahaha
Drexler:
Time ko 'to diba 😡
Tripp:
Kuwento na kasi pre!
Drexler:
Isu-soup price ko sana si Zay 😔
Kaso ako na-soup price 😔
Doon ako sana mga ssob maghihintay sa cafe malapit sa univ niya kaso
Nakita ko sila ni Winston 😔
Seen by all
Pota wala man lang bang reaction dyan?!
Tripp:
Ay 'yon na?
Gago naghihintay kami ng kasunod parang tanga 'to
Janus:
Anong reaction ba gusto mo?
Tatlong clap?
👏🏻👏🏻👏🏻
Alonzo:
Hahaha
Ang gago niyo.
Drexler:
AWONZOOOO
ANO GAGAWIN KO 😭
Gago nakakatakot pota
Paano kapag nagbalikan?
Tangina alam ko naman n'ong sumubok ako na walang kasiguraduhan na magugustuhan ako pabalik
Pero masakit pa rin pala mga ssob 😔
Alonzo:
Nag-usap lang naman sila. Anong masama d'on?
Drexler:
Ewan hindi pa ako nagkaka-ex na gago eh 😔
Tripp:
Gago HAHAHHA
Pero depende naman kasi 'yan pre.
Saka, real talk, hindi kami ang dapat mong tanungin.
Drexler:
Alam ko.
Dapat si Zay.
Pero ito kasi 'yong tanong na natatakot akong marinig 'yong sagot.
Janus:
Edi magmukmok ka na lang kung ayaw mong marinig sagot.
Tripp:
Gago Janus HAHAHHAAH
Alonzo:
Hahaha!
But he has a point, Drex.
Ask yourself.
Ano ba ang gusto mo?
Drexler:
Gusto ko pang sumugal.
Kasi, iba 'to, Lonzo, eh.
Sobrang iba.
'Yong tipong ang daming tanong, walang kasiguraduhan, sobrang labo ng kahahantungan.
Pero si Zay 'to, eh.
Na para bang kahit gaano kadilim, kahit gaano kalabo, kahit nakakatakot, basta siya 'yong huling pupuntahan, ayos lang.
Na mas hindi ko makakaya kapag huminto na lang ako.
Na mas gusto kong masaktan nang paulit-ulit kasi alam kong si Zay 'yong nasa dulo ng nilalakad kong daan.
Alonzo:
That's your answer.
You can do it, Drex.
Drexler:
Ikaw lang talaga may sense dito, Lonzo 🥺
Tripp:
Excuse me?!
Janus:
Excuse me?!
Drexler:
Excusedn't.
Tripp:
Ampota hahahahaha
BINABASA MO ANG
Relentless (Bump, Set, Spike #2) (To be Published)
Teen FictionPa-like po ng status, miss maam. An epistolary.