The Mafia King & Queen

668 18 3
                                    

Primrose's POV

"I need to get ready." Tumayo ito sa kama at naglakad papunta sa cr.

Napakagat ako sa labi nang makita ang pang-upo nito, wala talagang kahihiyan ang lalaking ito.

Tumayo narin ako at nagsuot ng bath robe. Umupo ako sa silya at kinuha ang suklay, sinuklay ko ang mahaba kong buhok habang nakatingin sa salamin.

"Hindi mo na kailangan tingnan ang sarili mo. You look beautiful as always." Kinuha niya ang suklay na hawak ko at tinapon sa kung saan. "I have a surprise for you." May kinuha siya sa bulsa ng pantalon niya.

"What is it?" Tanong ko.

"Here." Binuksan niya ang box na hawak niya, napanganga ako sa nakita, kwentas na may malaking diyamante. "Wear this necklace at the party."

Hindi ako nakapagsalita, nabighanin ako sa hawak niya. Humalik ito sa labi ko kaya napapikit ako.

"Another round?" Bulong niya.

"Nope. You need to get ready, i'll see you at the party."

"Okay pussy cat. I can't wait to see you there." Sabi niya pagkatapos sinuot ang coat niya. "Bye Prim."

"Bye Jar." Pagpapaalam ko.

Pagalis niya, napahilamos ako sa mukha at tiningnan ang kwentas. Hindi niya ako kailangan bigyan ng ganito, anong akala niya lalambot ang puso ko dahil sa walang kwentang kwentas na binigay niya.

----------

Nakarating ako sa party. Pagpasok ko palang toxic na ang mga tao, lahat nakangiti sa harapan ko na tila isang kagalang galang na mamamayan ng bansa.

Nakipagusap lang ako ng konti pagkatapos umakyat na sa 2nd floor para mapagisa. Ayoko nang makipag halubilo sa kanila, masyado silang plastic. Nasa lupa palang ang mga paa nila ngunit kung makapagsalita parang nakaapak na sa ulap.

Sa bagay ano nga bang maaasahan sa mga taong kinain na ng pera ang sistema.

"The car is ready queen." Napatingin ako sa lalaking nagsalita sa likuran ko.

"It's time."

Tumingin ako sa naguumpukan na tao sa baba, isa itong sikat na party na kung saan ginaganap tuwing ika-limang taon ng novembre.

"Ikaw na ang bahala dito." Sabi ko sa tauhan ko pagkatapos nilagok ang isang baso ng alak.

Makikita mo dito ang iba't ibang uri ng mayayamang tao. Political industries, mafia, assassins, business man and women who sells drugs, a slave, a whore at marami pang iba. Napakaganda nilang tingnan, napakagara ng kanilang mga suot. Ang linis tingnan ng panlabas ngunit puno ng dugo ang mga kamay.

Hindi natin alam kung ilan na ang pinatay ng mga taong ito, kung ilan na ang nagdusa, naghirap sa mga kamay nila. Kung ako nga hindi ko na mabilang sa kamay ang mga taong pinatay ko, sila pa kaya na walang pakialam sa mga taong matatapakan nila.

Ito narin ang oras para mabawasan ang masasamang tao sa mundo.

Ring ring ring

Lumapit ang isa sa tauhan ko at pinakita ang caller Id.

Ayoko na sana itong sagutin ngunit kailangan kong alamin kung nasaan siya."I can smell your perfume from here. I want to see you and take you over and over again. Where are you?" Boses ni Jarred halatang lasing na ito.

"You will never see me again"

"What are you talking about, you little pussy cat." Sarkastiko akong ngumiti at naglakad palabas ng party "Bakit hindi ka makapagsalita?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 18, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Mafia King & QueenWhere stories live. Discover now