Prologue

10 0 0
                                    

"Teka Rameses"! dahil sa pagkabigla ko napasigaw ako sa kanya kahit katabi ko lang siya, "akala ko ba hindi moko iiwan? Sabi mo sabay tayong tatanda hanggang sa magkaroon tayo ng asawa at anak," nangingilid na ang luha ko kasabay nito ang paglabo ng paningin ko.

Aalis na sila Rameses ngayon papuntang Thailand at doon na niya itutuloy ang pag tungtong ng High School hanggang sa mag college siya. In short doon na sila titira. Kasama ang buong pamilya niya. Hindi ko na nga ba siya talaga makikita? Ang taong kasama ko sa lahat ng kasiyahan at kakulitan simula ng magkakilala kami ay hindi na kami mapag hiwalay, Siya ang tagapag tanggol ko, at ako ang taga gawa ng assignment at schoolworks niya.

Ngunit ng dahil sa isang desisyon ay bigla nalang siyang mawawala. Ang taong kapartner ko sa lahat ng kalokohan ay aalis na, hindi ito dapat ang maramdaman ko dahil kaibigan lang siya pero bat ganito ang nararamdaman ko, nasasaktan ako. Naiiyak at gusto ko nang maglaho.

Lumipas ang ilang taon nakapag high school at nasa college na ako......

Andito na ako sa harap ng campus ng University of the Assumption isa sa pinaka prominihenteng paaralan aming lugar dito sa Pampanga. naglalakad ako dahil mag eenroll ako ngayon ay isa nakong ganap na first year college. Ito ang isa sa pinaka pangarap ko dahil sa sobrang payak ng aming pamumuhay ay napag desisyunan kong iahon ang pamilya ko sa kahirapan. Kaya sa tagal ng paghihirap ko at sa wakas ay malapit ko ng maabot ang pangarap ko. Ma, Pa, konting tiis nalang eto na ang future ko. Sa sobrang saya ko ay hindi ko na namalayan na nakikipag siksikan na pala ako sa pila para makakuha ng slot ng scholarship alam mona HAHA pang bawas sa gastusin sa pag aaral. Sa sobrang desidido ko ay nakakuha ako ng isang stub at pagkakuha ko nito ay pumunta nako para hanapin yung room kung saan kumukuha ng fifill upan na form para makapag apply ka ng scholar. Habang naglalakad at hinahanap yung room na yun napatigil akong bigla, naalala ko kung bakit ako nagkaroon ng stub e pagkarinig ko is ubos na daw. Nagtaka ako kaya pilit kong binabalikan ang nangyari kanina hanggang sa naalala ko na hinablot ko ito sa isang lalaki na nakatalikod at sabay takbo. Shi* bat ko ginawa yun. Subalit kahit nakonsensya ako ay biglang bumilis ang tibok ng dibdib ko, kinakabahan ako at tila naiiyak na din ako. Nakita ko yung lalaking kinuhanan ko ng stub pero sa halip na mahiya ay iba ang naramdaman ko, yung konting konti nalang tutulo na ang luha ko na nasa gilid na ng mata ko. "KILALA KO SIYA" hindi ako pwedeng magkamali, agad kong ibinaba ang tingin galing sa mukha niya papunta kanyang kanang kamay at..............



Dito na ba ulit ang simula?
Magsisimula na nga ba kami ulit?
Eto na ba ang tadhana o sakit nanaman ang kapalit?


Author's note:

Sorry po medyo magulo pa yung prologue dahil sobrang tagal ko ng gustong gumawa ng kwento at ngayon lang nagka lakas ng loob. Sana po subaybayan nyo pa ang aking kwento.
Salamat po......

Childhood buddyWhere stories live. Discover now