" I love you mahal, I will always love you tandaan mo yan ha" sabi ni Mico sabay halik sa noo ko.-----------------------------------------------------------------------
Siguro isa ako sa mga maswerteng babaeng nabiyayaan ng jowa na mapagmahal, maalaga, mabait as in perfect guy na hinihiling ng isang babae. Almost 3 yrs na kami ni Mico.
I thought everything was perfect , I thought it would be us 'til the end. Akala lang pala lahat.
Nagising ako na puting kisame na ang aking natatanaw. Asan ako? Tanong ko sa sarili .
Bumangon ako at una kong nakita si Thalia na namamaga ang mata. Parang galing sa pagkakaiyak.
"Thal? Bat andito ako? Anyare sakin? Asan kasama ko?" tanong ko sa kanya.
" Si Mico ba Dette ? Sge wait tawagin ko" saad nya bago lumabas.
Tila naguguluhan ako kasi kilala nya si Mico. Nathalia is friend of mine na hindi kilala ni Mico though baka same circle of friends lang kaya isinawalang bahala ko nalang.
Pumasok si Mico na namamaga din ang mata. Anong ba talagang problema?
"Mahal, let's go" matamlay na saad ni Mico.
Nang nakalabas na kami ay tinanong ko sya.
"Bat andun ako sa clinic mahal? Dba lumilibot lang tayo dito sa mall kanina? Napano ako? May nangyari ba?"
"A-Ahhh wala wag mo nalang isipin,ang mahalaga okay ka na" sabi nya sakin sabay tingin sa may likod.
Napansin kong wala sa sarili si Mico dahil akala ko manonood pa kami ng sine ngunit sa parking lot ang punta namin.
Hinatid nya ako sa bahay ngunit tulala lang sya kaya lumabas nalang ako ng walang paalam , hindi ko alam kung bat nasasaktan ako eh wala namang ginawang mali yung tao. Inisip ko nalang na sguro madami lang syang iniisip.
Sunday came, as usual date namin yan nag text ako sa kanya na go ba kami sa date namin, ngunit nagreply sya na hindi.
From Mico : Mahal, pasensya di ako free ngayon kasi may pupuntahan akong importante, babawi ako ha. May pinadala akong flowers dyan iloveyou mahal.
Ouch akala ko pa naman matutuloy, for the first time lang kasi na hindi sya matutuloy sa date namin. Dahil nga nakapagbihis na ako pinili ko nalang magliwaliw at gumala by myself alone.Nang nasa mall na ako sa harap ng isang jewelry shop nakita ko si Thalia kaya pinuntahan ko sya at parang nabigla sya sa aking pagsulpot.
"D-Dette, A-Andito ka ata, sino kasama mo?" tanong ni Thalia na tila naiilang at may tinitingnan saking likuran.
"Ah ako lang eh, ikaw ba?" tanong ko nmn sa kanya.
"A-Ahhh e-ehhh pinsan ko nag cr lang saglit, maiwan na kita ha pupuntahan ko lng, ingat ka" sagot nya tsaka tumakbo tila nagmamadali.
Weird, pero keber baka nagmamadali lng talaga.
Pumunta akong starbucks at pagkapasok ko palang biglang may natanggap akong video clip from unknown number.
"Wth! This can't be happening. No ! hindi to magagawa ni Mico sakin" sabi ko saking sarili at doon na nagsimulang umagos ang aking mga luha.
The video clip shows how Mico and Thalia are kissing passionately.
Ang tagal nagprocess sa utak ko ang nangyari , oo masakit pero bakit nangyari yun? Akala ko ba busy sya, akala ko ba pinsan nya ang nasa CR.
Hindi ko namamalayan na nakauwi na ako saming bahay. Nakatanggap ulit ako ng message sa isang unknown number. Ito'y address ng " The Amidst Sunshine Hotel ". At may nakalagay na room#14. May message din na "Kung gusto mong malaman lahat, puntahan mo ito ngayon"
Matapos ang ilang minutong pagbyahe ay narating ko na ang hotel. Dali dali akong pumasok sa elevator. Hindi ko alam kung bakit ang bigat sa pakiramdam na parang anytime ay maiiyak ako.
Pinihit ko ang doorknob at una kong nasilayan si Mico at Thalia na hubot hubad.
Tila isang panaginip ang aking nasaksihan. Kung sana ay panaginip lamang ito, gisingin nyo nako.
Kusang tumulo at umagos ang aking luha.
"B-Bakit Mico? Bakit?" mangiyak ngiyak kong tanong sa kanya.
"Hindi ba ako naging sapat? May kulang pa ba?" dagdag ko .
"Sorry Dette pero mahal ko pa din si Thalia" sambit nya.
Mahal ko pa din? Pano? Naging sila ba noon? Naguguluhan na ako sa pinagsasabi nya.
"Naalala mo yung sinabi ko noon na may ex akong nagngangalang Nathalia? Yung nagwasak sakin, nang iwan at pinagpalit ako sa tropa ko? Nagkita kaming muli , yung time na nahimatay ka sa mall, yung dinala ka sa clinic. Dahil dun Dette nagkita ulit kami.
S-Sorry pero mahal ko padin sya " dagdag ni Mico."Mahal? Eh ako ba ano? Almost 3 yrs, ganon nalang ba kadaling tapusin dahil bumalik ang nakaraan mo Mico? Dba ako yung nasa tabi mo nung winasak ka nya? Dba ako ang nag-alaga at bumuo sayo? Kung kailan kita nabuo at bumalik ang nagwasak sayo iiwan mo nako? Ganon ba Mico?" sabi ko sa kanya.
Masakit isipin na ako yung andyan, ako yung naging sandalan mo , ako yung ginamit mo para mabuo mong muli ang sarili mo pero sa isang iglap iiwan mo nalang ako.
"I never love you Dette, sa tuwing naghahalikan tayo mukha ni Thalia ang nakikita ko, I'm s-sorry" sabi ni Mico sakin.
"I never love you Dette" tila nawasak ang puso ko sa sinambit nya.
Ganon ba talaga? Kung sino pa yung binuo mo, sya din pala ang wawasak sayo? Ni minsan ba naisip nya ang kapakanan ko?
Sana pala hindi nalang ako nahimatay, hindi sana sila magkikita. Hindi nya sana ako iiwan at hindi nya sana nawasak ang aking puso.
After nagsink in sakin ang nangyari isang pekeng ngiti lamang ang binigay ko sa kanila.
"You broke my heart beyond repairs but yours will be shattered to death that you can never love again then you’ll thirst for my love that you once threw away Mico, mark that. Sambit ko bago sila iniwan.
YOU ARE READING
ONE SHOT STORIES
Teen FictionThis is a compilation of my one shot stories, enjoy reading y'll !