June 20. 6:00. 1 hour and 30 minutes before school.
The morning blissfuly. No alarm clocks, no noisy phone calls. The window was open, and the sea brezze flows in. The sun streams in, thankfully not hitting my eyes, created a soft glow around the beautifully furnished room. I propped my elbows against the white matress and looked to my right. A man was cuddling with the pillows. I looked closer. The man had a straight nose, a strong jaw. He had long lashes and soft hair. To top it off, he had a cupid bow lips. He is a man born from above but spent time in hell. I lean closer and kissed the tip of hisnose. He fluttered his eyelids and slowly opened them to soulful brown eyes. The eyees who belonged to the boy I'd give the rest of my life to. Marcus Smith.
"Hey love." He said turning his body to me. I moved on top of him. This was our usual morning routine. A goodmorning kiss. Sometimes I even brush my teeth in the middle of the night to make sure I have fresh breath in the morning.
I moved downward, ready to meet his li-
-"Hoy gumising ka na! Malalate ka na sa klase mo!" Marshmallow cakes naman oh! Ang ganda ganda na ng panaginip ko! Sayang magkikiss na sana kami ng aking mahal. Umupo ako sa kama at nakasimangot. Magkatabi pa kami matulog! Sayang na sayang talaga.
Bumukas ang pintuan at pumasok si Mama sa kwarto."Dalian mo na! First day na first day mo, malalate ka! Kailangan mo ng good impression sa mga professors mo!" Nasisiyahan na sinabi ni Mama. Noong nakita niyang hindi pa ako gumagalaw, lumapit siya saakin at napansin niyang hindi ako masaya. "O, anak bakit? Nanenerbyos ka ba? Ok lang yan, anak. Pero sabi nga ng Tatay mo diba, face your fears. Naalala ko ganyan din ako dati, natatakot pumasok dahil wa-"
"Mama, hindi yan ang dahilan kung bakit nakasimangot ako." Pero oo. Nanenerbyos ako sa bago kong paaralan. Halos lahat sila, alam na ang isa't isa.
"Dahil itnigil ko yang pantasya mo dyan sa artista mo 'no?" Sabi ni Mama habang itinuturo yung poster ni Marcus na nilagay ko sa may cabinet ko.
"Isang malaking check, mama." Sabi ko habang tumatayo papunta sa bathroom. Isinara ko na ang pintuan at simulang maligo.
"I'M GONNA SWING FROM THE CHANDELIER!" Basag na kinakanta ko habang hawak ang tabo at binubuhos ang tubig.
Pagkatapos noon, lumabas ako at sinuot ang nakalagay na damit sa kama ko na kulay blue na t-shirt at jeans. Kinuha ko na ang mga gamit ko at dumiretso sa kusina. Umupo ako at inilapag na ni mama yung pagkain. "Goodmorning papa." Sabay kiss sa cheek. Pinasalamatan namin ang Panginoon at kumain. Noong natapos na kami, binigyan ako ni papa ng limang daan.
"Para saan to papa? Hindi ko naman kailangan ng ganito kalaki. Wala namang kailangang bayaran doon." Pagrarason ko. Hindi sa ayaw ko tanggapin yung pera, pero medyo nag iipon kami ngayon dahil wala pang trabaho si papa. Si mama alang ang kinukunan namin ng pangkain.
"Unang araw mo sa magarang eskwelahan anak. Ito ang regalo namin saiyo dahil nakapasok ka doon." Sabi ni papa.
"Salamat pa. Magtitira po ako para mayroon akong maiipon." Pagsasalamat ko. Hinalikan niya ako sa ulo at hinug. Pumiglas ako sa yakap ni papa dahil nakita ko ang oras. Pumiglas ako sa pag yakap niya saakin at binuksan ang pinto.
"Bye papa! Bye mama!" sabi ko.
"Bye anak! Ingat sa paguwi!" Sigaw din nila.
Isinara ko na ang front door at naklakad papunta sa highway. Doon ako nagabang ng tricycle. Malapit lang yung school kaya pwede ko naman lakarin. Kaso lang, wala ng oras kaya sasakay na lang ako. may lumapit na isa saakin at tinatong kung saan ako papunta.
"Sa Asean University po." Nag-nod si kuya at sumakay ako. Hindi na siya kumuha ng iba pang pasahero. Noong umikot na siya sa rotonda ng school, biglang sumalita sa kuya.
"Ineng, paano mo nakuha yung trabaho mo dyan?" Nagulat ako. Tapos nagalit. Nakakahiya. Mukha akong trabahador kesa estudyante. Wala nalang akong sinabi at bumaba sa tric at bumayad. Pagkatapos ko gawin yon, umalis na si kuya. Humarap ako at namangha sa itsura ng paaralan. Ang laki. Parang kakasiya ang barangay namin sa laki.
Dahan dahan akong lumakad papunta sa nakabukas na higanteng pintuan ng eskwelahan. Mas namangha ako sa loob. Mayroong nakasabit na chandelier sa ceiling at marble tiles. Malinis at maputi ang mga dingding. Mataas ang bubong at maaliwalas. Mayroong apat na hallway kung saan lumalabas-pasok ang mga tao, kahit kakaunti lamang, nakakagaw atensyon parin. Syempre, sa aga ko panaman dumating dito. Halatang desiner brands ang suot nila.
"Hello and goodmorning Ms. Caira Rodriguez." Nakakagulat naman. Hindi ko napansin ito ah. Pero naalala ko pa to. Ito yung automated machine nila bumibigay ng direksyon kung saan gusto mo pumunta. De-type siya at madaling gamitin. Nilabas ko ang schedule ko na ibinigay na nila noong entrance exam. Hinanap ko ang una kong subject. Hmm intresting. Not. Dahil maths ang una. Ayaw ko panaman yun. Bale na. Andito ako para magaral, hindi mag reklamo.
Ibinigay ng machine and direksyon at ginawa ko ito. Kahhit na alam ko kung saan,nawawala parin ako sa sobrang laki.
Nakita ko na ang room na nagsasabing 'Maths 3'. Dito ako nilagay at hindi sa 'Maths 1' dahil mas advanced ako kesa sa mga ka-batch ko. Binuksan ko ang pinto at pumasok. Nagulat ako dahil may mga tao na pero kakaunti palang. Pumili ako ng upuan at umupo. Wala pa ang professor kaya napagisipan kong magreview muna. Yung mga tao din kasi dito, nagrereview din o natutulog. Kinuha ko ang book kong wala pang sulat at nagreview. Patagal ng patagal, dumadami na ang mga tao. Kasama na doon ang prof. Hmm. Gwapo. Pero hindi kasing gwapo ng Marcus ko!
"Take out your notebooks and copy this." Sabi ng prof.
Nasa gitna na siya ng pagsusulat niya noong biglang bumukas ang pinto.
"Sorry i'm late sir." A deep and sexy voice said. Mabilis kasing magsulat si sir kaya habol ako ng habol at hindi ko tinignan ang mayari ng boses.
"Mr. Smith, first day of class and your late. Unbeliveable." At the last name, my head looked at the direction of the door.
Starstruck. That's what I feel.
------------END OF CH1-------------
BINABASA MO ANG
Fangirl
ChickLit'Maybe it's time to meet him in a proper light.' -Flipped (Wendelin Van Draanen) --------------------------------------- Mahirap maging isang dedicated na fangirl. Kailangan alam mo ang mga ginagawa ng hinahangaan mo. Lahat ng kinanta niya, alam mo...