Adelyn

23 3 0
                                    


Adelyn

Dise-sais na ako nitong taong ito at payapang nag-aaral ng ika-sampung baitang ng high school.
Mabait at may pagkamasunurin akong bata kaya't hindi ako napapalo o napagsasabihan ng aking mga magulang.

May dalawa akong kapatid na mas bata sa akin, ang una ay si Dennis na nasa sampong taong gulang at nasa ika-apat na baitang.
Sumunod ay ang kapatid kong babae na si Marie, apat na taong gulang pa lamang ito kaya't nasa bahay lang ito kasama nila itay at inay.

Tuwing walang pasok ay tumutulong ako sa gawain dito sa bukid.
Nagtatanim, nag-aani at minsan pa'y tumutulong rin ako kina aling Pidong sa pangangalakal ng mga bakal o lata na maaari naming ibenta sa junk shop, makatulong lang kina nanay at tatay sa mga gastuhin sa bahay.

Isang araw, Pauwi na ako galing sa school at dala-dala ko rin ang aking putol na payong upang huwag mabasa ng ulan.

Habang naglalakad, may napansin ako sa kalayuan. Isang lalaki.

matangkad, moreno, at may kagwapuhan rin ito. Nakita kong
nakamasid ito sa isang babaeng buntis na bumababa mula sa tricycle.

Naaninag ko ang buntis at nakilala ko ito bilang si Aling Teresa, isa sa mga kakilala ni inay.

Muli akong napatingin sa direksyon ng lalaki ngunit wala na ito sa kanyang pwesto.

Ipinagsawalang bahala ko na lamang iyon at saka umuwi.

Pagkadating ko sa bahay-kubo namin ay nakita ko ang aking bunsong kapatid na si marie habang nilalaro ang kanyang maliit na manikang regalo ko nung kaarawan nya.

nilapitan ko ito agad at tinanong

"Bunso asan sila inay at itay? pati si kuya Dennis mo?"- tanong ko sa aking munting kapatid.

Lumingon muna ito sa taas na parang nag-iisip bago ako sagutin.

"Di pa sila nabalek ate Adi"- ani nito at ipinagpatuloy muli ang paglalaro ng kanyang manika.

Tumango ako bago nagpuntang kwarto upang magpalit ng aking uniporme.

Habang nagbibihis ay parang pakiramdam ko na may nakamasid sa paligid.
Nagsitaasan ang mga balahibo ko sa katawan dulot ng malamig na simoy ng hangin na oumasok sa may siwang ng aking bintana.

Lumapit ako rito upang sana'y saraduhan ng biglang may isang kamay ang humawak sa akin!

Nagimbal ako at dali-daling humanap ng maaaring ipangdepensa,
Nadampot ko ang isang maliit na kutsilyo at agad ko iyong inihiwa sa kamay ng taong iyon na agad namang bumitaw sa pagkakahawak sakin

"S-sino ka?!"

Ngunit walang sumagot.

Nakita ko na lamang ang ilang patak ng dugo sa may bintana na galing sa taong yon.

~~~~~~~~~~~~~~~

kinaumagahan, Agad akong bumangon upang maghanda sa pagpunta sa bayan upang mamili.

Dahil ngayon ay sabado at walang pasok, nakagisnan ko ng mamili sa araw na ito.

Nakita ko sina inay at itay na nagkakape habang kumakain ng nilagang kamote.
Masaya nila akong binati na tinugunan ko naman.

Hindi nila alam ang nangyari kagabi at wala rin naman akong balak na sabihin sa kanila iyon sapagka't lalo lamang silang mag-aalala.
At isa pa, si itay ay isang taong matapang, bagama't mapagmahal ito sa amin na kanyang pamilya ay hindi nito pinatatawad ang kung sino mang manakit sa amin.

"Nay Tay, aalis na po ako."- paalam ko sa kanila na ikinalingon nilang pareho

"Oh, aalis ka na agad ng hindi nag-aagahan?? Kumain ka muna at baka mahilo ka sa daan"- ani ni Inay

Misteryosong Lalaki (ONE SHOT) 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon