ONE SHOT

2 0 0
                                    

"Ninang can u kwento me why you're single until now? look you're 33 but no boyfriend or even manliligaw ata wala" sabi ng inaanak ko tsaka sumipsip sa juice na binili namin pag labas sa sinehan, sobrang spoiled ng batang ito sakin. sobra.

"sige ikekwento ko" pumasok na kami sa favorite coffee shop nya at sya na ang umorder.

"Nina ng kwento mo na sakin"

umayos ako nang upo

"year 2017 pumasok ako sa rpw noon, fake world kung tawagin may na kilala akong lalake sa comment section noon sa isang thread minention sya ng kaibigan nya"

"ATHENA AND ANNE" tawag saamin tumayo na si Athena para kunin yung dalawang in order nya tsaka kami pumasok sa kotse at nag drive papunta sa tagaytay.

"ninang tuloy mo na"

"na kilala ko si Cole doon sya yung pinaka minahal ko buong buhay ko" tumingin ako sa mata ni Athena

"si Cole? sobrang bait nya, mapag mahal sa pamilya, nag a aral mabuti at inaalagaan ako, yung alagang lahat ipapaalala nya sakin kaya na alagaan ko rin sarili ko noon. Lubog na lubog ako nung na kilala ko sya pero unti unting nawala yung sakit at bigat ng dinadala ko, minahal ko sya kahit di ko sya kilala sa totoong mundo. ang tanga man pakinggan pero oo minahal ko sya. alam mo bang grade 8 lang ako noon at gr12 sya? tinutulungan nya ako sa mga activities namin noon na di ko kayang sagutin nirereview nya din ako pag may exam kami. ipapaalala nya sakin kung gaano ako sa especial, ka mahal mahal at importante kaso kapatid lang turing nya sakin. Ilang beses na akong umamin noon pero kapatid lang talaga. " uminom ako sa drink na inorder nya kanina tsaka kumuha ng chips para mapahinga bunganga ko sa pagsasalita, pakiramdam ko kasi tutulo na luha ko.

"ninang bakit hindi mo sya hinanap?" tanong nya

"ayaw nya magpakita" ngumiti ako

"hindi naging kayo?" tanong nya sabay abot ng tissue

"hindi" ngumiti ako sakanya

"nangako ako sakanya na hihintayin ko sya kahit ilang taon pa, imposible man pakinggan pero 10 years ko syang hinintay" hindi ko na kinaya at naiyak na ko

"yung unang limang taon sa rp nag o online online pa sya kahit tatlong beses man lang sa isang taon pero okay lang sakin sobrang okay lang"

"ano nangyare nung pang 10 years na ninang?" tinignan ko sya sa mata, kamata nya talaga ama nya.

"nasa canada ako nagtatrabaho bilang health worker, naging pasyente sya sa ospital na pinagtatrabahuhan ko. nakalimutan ko atang banggitin sayo kanina na kilala nya ko pero hindi ko sya kilala, creepy diba? hahahaha" natawa pa ko

"break namin noon sa duty lumapit sya sakin nagtataka pa ko bakit nya ko nilapitan noon hanggang sa binanggit nya rp name ko, si Athena" nagulat pa si Athena dahil sa sinabi ko.

"tas yun nagpa kilala sya na sya si cole nanghingi sya ng tawad na bigla syang nawala tas inaya nya ko lumabas dun nya kinwento sakin na nakabuntis sya" hindi ko na kinaya at sunod sunod na pagpatak ng mga luha ko

"3 months pregnant yung babae nung sinabi nya sakin yon, at alam mo bang hinanap nya rin daw ako sa manila noon para ligawan? kaso aksidente daw yung pagkabuntis ng babae. nilasing daw sya nito at yung babae ang gumawa kasi gustong gusto sya non---" napatigil ako sa pagkwento nang tumawag si Azi sakanya.

"dad? yes hello i'm with ninang Anne we're here in tagaytay, yes maybe late na ko makauwi or tomorrow don't worry i'm with ninang anne naman i'm safe" binaba nya na ang tawag "ninang continue na, where he is ba?"

"daddy mo sya" ngumiti ako at niyakap sya habang sabay kaming umiiyak.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 04, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

God Mother (one shot)Where stories live. Discover now