Part 8

8 0 0
                                    

Time check // 11:00pm

Taehyung's Pov :

pumasok na kami ngayon sa loob ng bahay masyado na kasing malamig sa labas at nag uumpisa na din umambon

sayang lang ang ganda pa sana ng laro eh 😑

sila jin at Jhope naman ay nakatulog na dahil sa kalasingan kaya Iilan nalang kaming mga gising

andito ko ngayon sa kitchen nag titimpla ng Kape pam pawala ng Lasing ko medyo tinamaan na din kasi ko ng alak dahil napadami ng inom

onti nalang din kasi ang natira naming soju na binili ko kanina nung nag grocery kami ni Y/n

"Tae tara movie marathon daw tayo" Tawag naman ni suga sabay lumapit sakin  at kinuha yung iinumin ko na sanang kape

"hoy akin yan eh" sabi ko dito habang tuloy tuloy parin sya sa pag lakad pabalik sa sala

"akin nalang hahaha thankyou, bilisan mo jan!" pasigaw na sabi nito kupal talaga

at dahil tinamad nako mag timpla sumunod nalang ako sa sala

nakita ko naman andon din sila Y/n,  Rm, jungkook pati si lea.

naupo ako sa tabi ni Y/n dahil sya lang ang nakaupo sa isang sofa sila Rm kasi at jungkook nasa lapag habang si Suga naman ang nag aayos ng papanoorin namin si lea nasa kabilang sofa din

"anong papanoorin nyo?" tanong ko naman

"Horror" sabay na sagot naman ni jungkook at Y/n

ilang saglit lang nag umpisa na ang palabas at pinatay na ni Suga ang ilaw at naupo sa tabi ni Lea

"nasan si jimin?" Mahinang tanong ko naman kay y/n na nasa tabi ko lang

"ayun nakatulog na din ata haha Lasing na lasing eh, andon na sa mga kwarto nila".
Napatingin naman ako kay Y/n at napansin ko sobrang singkit na ng mata nya at di ko makita masyado kung lasing na din ba talaga sya dahil medyo madilim.

nakita ko naman tumayo si Rm at umalis saglit kaya nag focus nalang kami sa panonood.

My mga scene na nakakagulat at nararamdaman ko minsan ang pag kagulat ni Y/n kaya natatawa nalang din ako Hahaha

napansin ko si Rm nakabalik na at my dala dalang pagkain

"oh foods" sabay bigay samin nito na nakalagay sa pinggan kinuha naman ni Y/n eto at kumain din ganon din sila Suga at Lea

ilang minuto lang ang nakalipas tumayo naman si Y/n

"san ka pupunta?" tanong ko dito

"iinom lang ako tubig" - Y/n

"Ako na kukuha" tatayo na sana ko kaso bigla uli nag salita si Y/n

"hindi sige ako na manood kana lang jan" at pumunta na sya sa kitchen

nagulat naman ako ng biglang sumigaw si Lea at Suga pati si Jk

" hoy ano ba sa inyo ko nagugulat eh" sigaw ko sa mga to at nag tawanan nalang sila

at nag focus uli sa panonood

ilang saglit lang
napalingon naman sakin si Lea at parang hinahanap si Y/n

"asan si bessy tae?" tanong nito

"andon sa kitchen, nainom tubig" nag madali naman etong pumunta don at natawa pa

My EuphoriaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon