Saying Goodbye

4 6 4
                                    

I am now at the bar with my friends. We're celebrating the marriage proposal of Enzo and Zuri. I am now wearing my white broderie off shoulder top and a color white high waist ripped jeans. All white outfit.

"Para sa tagumpay!" natatawang sinabi ni Jay.

Sabay naming ininom ang tequila.

"Olivia and Ayesha. Basta kayo ang magiging ninang ah? Luis and Jay, kayo din ang ninong." sabay tawa ni Zuri.

"Yeah, promise." sabi ko sabay ngiti ng matamis.

"Buntis ka ba Zuri?" tanong ni Ayesha.

"Oo. Bakit?" umirap si Zuri. "Eh ikaw? Buntis ka ba?" pabalik na tanong ni Zuri.

Umalis muna si Enzo dahil may nakita siyang kakilalang kaibigan sa kabilang table.

Tumawa lang si Ayesha. "No! Of course.... Olivia?" tanong niya sa akin.

"Hmm? What is it?" tanong ko.

"How's your love life? Ikaw nalang ang walang jowa dito." pabirong sinabi niya.

"Ay naku, Yesh! Hindi pa nag mo-move on kay Sawyer." umirap ang bading kong kaibigan.

"Luis, you know that right? Even before? Just Sawyer really, nothing else." I said and drink tequila again.

Siya lang talaga.....

"Liv, bakit ba kasi pinagpilitan mo pa 'yong sarili mo sa kanya!" naiinis na sinabi sa 'kin ni Zuri. "Ikaw lang ang masasaktan." patuloy niya sabay inom din ng tequila.

"Dahil mahal ko siya. Ano pa bang magagawa ko? Nandito na eh..." tinuro ko ang aking dibdib. "Mahirap nang pakawalan to, bawat araw na makikita ko siya, mas lalong lumalaki 'yung pagmamahal ko sa kanya. Okay lang na masaktan ako, basta mahal ko siya." sabi ko.

Bumuntong hininga naman sila.

"Paano 'yan? May mahal siyang iba, Liv. Hindi ikaw ang mahal niya. Mahal mo nga siya, pero hindi ka niya mahal." may diin sa bawat salita ni Ayesha.

Ngumiti ako sa kanila ng mapait. "Basta ang alam ko, mahal na mahal ko siya."

"Bahala ka 'dyan. Ikaw lang ang masasaktan. Ikaw ang iiyak. Samantalang siya, magiging masaya." sabi ni Luis.

"Uy! Ang sama mo naman Luis." saway ni Zuri.

"Mas mabuting malaman mo ito, Liv. Hindi ko kayang makita kang umiiyak." sabi ni Jay.

"Kami din, Liv. Basta nandito lang kami para sa'yo. Mahal na mahal ka namin. Tandaan mo 'yan." nakangiting sabi ni Ayesha.

"Oo naman, alam ko 'yun. Mahal na mahal ko din kayo." sabi ko at ngumiti sa kanila.

"Mabuti 'din na hindi ka mahal ni Sawyer. He's a detective right? Siguro marami na ang nagtatangkang pumatay sa kanya or maraming nag se-send ng death treats. Baka madamay ka pa." sabi ni Luis sabay kibit balikat.

"Yeah. By the way, alam mo ba kung sino ang..... mahal ni Sawyer?" tanong sa akin ni Zuri.

Nagulat ako sa sinabi nya. Nag-init ang gilid ng aking mga mata. "I-it's my ex bestfriend." tuluyan nang pumatak ang mga luha ko.

Nalaglag ang kanilang panga.

"H-huh? What did you say?" tanong sa akin ni Zuri.

"It's my ex bestfriend." malinaw kong sinabi.

Saying Goodbye (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon