Ikatlong Kabanata

15 2 8
                                    

Good afternoon, cosmos!

Pasensya na kung natagalan. Here's a new chapter for you. Enjoy and let me know what you think!

- COSMIC

--

Pabalik-balik ako sa loob ng kwarto habang nakaharap sa salamin. I haven't tried on that much of long gowns in my life. Ngayon lang din kasi ako nakaattend sa isang event ng school that would require me to buy clothes.

Sa totoo lang, nahirapan pa kaming maghanap ni Justin kahapon noong nagpunta kami sa mall. Paano ba naman, kada suot ko ng damit, lahat sasabihin niya bagay sa akin. Ano na lang ang pipiliin ko kung ganon ang mga comment niya?

I tried sending picture to my friend Missy. Alam kong mas mahilig siya na magtry ng maraming klase ng fashion dahil mahilig siyang mag-OOTD. At ngayon na suot ko ito, hindi ko alam kung komportable ba ako o sadyang umiikot lang ang tiyan ko.

My long gown is something that I actually love. Iniisip ko lang siguro kung bagay ba sa akin o kung anong iisipin ng iba. Alam naman nilang hindi ako pala attend ng mga ganito. Isang long gown na parang nilagyan ng kapirasong parte ng kalawakan. Galaxy-inspired at nangingibabaw ang kulay ng lila, bughaw at mga pakintab na animo'y mga nakinang na bituwin sa kalangitan.

Naalala ko pa ang istura ni Jah pagkakita niya sa akin na suot ko ito. Kita ko kung paano bahagyang napanganga ang kanyang labi at ang kaunting pagdailat ngkanyang mga mata. Parang hindi niya inaasahan ang paglabas ko. Sa huli, napagdesisyunan naming ito na ang piliin dahil ito rin naman talaga ang gusto dahil na rin sa kahiligan ko sa mga disenyong may kahit anong kinalaman sa kalawakan o sa kalangitan.

"Ella, tapos ka na ba?" Tawag sa akin ni Mama pagkatapos ng isang marahang katok sa pinto ng kwarto ko.

Pagkatapos ng isang tingin sa salamin, kinuha ko na ang clutch bag na nabili ko para kapartner ng gown at ang phone ko bago naglakad papunta sa pintuan.

Pagkabukas ko, tumambad sa akin si Mama na nakaabang sa magiging itsura ng suot ko. Napasinghap siya at agad na tinawag si Papa, "Anak, you look beautiful! Bagay sa'yo ang suot mo. Papa, tingnan mo si Ella!" Pagtawa pa nito sa Papa niya na agad namang tumungo sa labas ng kwarto niya.

"Bagay sa'yo anak! Sigurado akong matutuwa si Justin kapag nakita ka niya. Nasa baba na siya sa may sala. Nakasuot din ng tuxedo." Pagbabalita pa nito.

Tila ba nakaramdam na bahagyang kaba si Ella. Alam niyang nakita na siya ni Justin noong sinamahan siya nito para magsulat, pero iba pa rin ngayon na pati ang binata ay nakaayos na rin kasama niya. Marahan siyang naglakad pababa ng hagdan, takot na baka biglang magkamali ng hakbang at matalisod pababa. Ayaw niyang may maging kahihiyan o may mangyaring katawa-tawa sa raw na ito.

Pagkadating sa may sala, agad niyang nakita si Justin na nakasuot ng kulay asul na tuxedo, medyo matingkad na asul na halos kakulay ng langit. Mukha tuloy silang dalawa na galing sa kalawakan or sa kalangitan. Bagay sa kanya ang damit at mas lalong naging kapansin-pansin ang kagwapuhan nito. Bukod sa matangos niyang ilong na agad mong makikita, maayos ding nakasuklay ang buhay nito kaya kita ang maaliwalas nitong mukha.

"Ella," Mahinang tawag nito sa kanya. Dahan-dahang tumayo mula sa pagkakaupo at nakatitig lamang sa mukha niya.

"Jah, anong istura ko?" Tanong niya dito, umaasang hindi naman gaanong nakakapanibago.

"Hay nako, Justin. Ewan ko ba dyan kay Ella. Ayaw maniwalang maganda siya. Ikaw na lang magsabi." Sagot naman ng Mama niya an agad niyang sinaway.

"Ma, naman nakakahiya ka." Tahimik niya sagot at naiilang na nilagay ang isang nawala sa ayos na buhok na sa likod ng tenga.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Soul to Take (SB19 FanFiction)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon