Kbye

2 1 0
                                    

Masaya akong naglalakad papasok ng gate.Alas sais pa lang ng umaga pero
nandito na ako sa school.

Nakangiti akong sumilip sa gate at tinanaw ang oval.Mas lumawak pa ang aking ngiti nang makitang nagsisimula nang mag practice ang estudyante na nais maging bahagi ng CAT sa paaralan namin.

Diresto akong naglakad nang nakangiti at tinahak ang daan papunta sa classroom namin.Nasa mismong tapat ng classroom namin ang oval kaya mas kita ko dito ang mga CAT officers at ang mga trini-train nila.

I am Ayeza Lebris.16.Carefree?maybe.I
Am called pretty by everyone. Labeled
smart by many.Indeed,I am.

Hinawi ko ang may kahabaan,at itim kong buhok sa ma-arteng paraan.I let my hair dance with the wind.

Dahil ako ang taga dala ng susi ng classroom namin madali lang akong nakapasok.I placed my things on my chair and rush to the mirror.

I checked my face and stared at my pretty face.Thick eye brows, long eye lashes, creamy brown eyes,narrow nose, and well shaped lips.

"Now,i am pretty.So i am ready"i giggled.

Umupo ako sa may bintana at tinanaw ang isa sa mga CAT officers.

"Major Jones Cruz." Napahagikhik ako nang sambitin ko ang pangalan nya.

Seryuso ang kanyang mukha habang nag sasalita ng di ko maintindihan sa mga estudyante.Kahit naman yata maintindihan ko si Major pa din ang pipiliin kong intindihin.yiee.

He looked so manly in his CAT uniform. His tan skin shines with the sun.Minsan natatabunan sya ng ibang officers dahil sa maliit niyang height.

Hindi ko alam kung ano ang pinag-uusapan nila subalit labis na lang ang aking pagkamangha ng bigla syang ngumiti.May dimple sya!

"Oww em ji!"napatakip ako sa bibig ko at pinalo ang arm chair sa harap ko.

"HUHU.ang cute ng bibi ko"kinikilig kong usal.

Nag-eenjoy ako sa panunuod ng training nila ng bigla pumarada ang isang motor sa harap ng classroom. Si Sir Edwin! Patay!Dali-dali akong kumuha ng pangpunas at nagkukunwaring pinupunasan ang bintana.

"Good morning,Sir.Maaga po yata kayo ngayon?" May pagtatakang tanong ko.

"Morning.Ilalagay ko lang gamit ko at maylakad pa ako" masungit nyang sagot.
Inismiran ko sya ng palihim.

Halos lahat kami ng mga kaklase ko hate sya.why?

Simply, he's super masungit and maintain ang head and strict ng wala sa oras.Ewan ko ba kung bakit noong lumipat kami ng classroom eh,sumama sya sa amin sa paglipat.Hindi naman sya
ang adviser namin at lalong di namin sya subject teacher or what.

Ang sabi sa kanya daw yung dati naming
classroom,edi sana don na sya sa kanya naman pala eh.Napanguso ako.Eh sa ayaw namin sa kanya eh.

Halos araw-araw ganoon ang ginagawa ko.Gigising ang pupunta ng maaga sa school makita lang ang crush Kong Major. Nasa likod pa kasi na building ang classroom nila kaya tinatamad akong magpunta roon para lang makita siya.

Hanggang sa kinapalan ko na nang tudo ang mukha ko.I added him on his fb account and when he accepted it, dali-dali ko syang chi-nat.

"Hi crush"I chatted.

Labis ang kaba ko nang makitang typing na sya .

"Hello.Sanaol Crush" he replied with laughing emojis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 31, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

KbyeWhere stories live. Discover now