chapter 4

8 1 0
                                    

Ang pinnagmulan ng dalawang bida,,
noong panahon ng gera,may dalawang magkasintahan na pilit tinututulan ng kanilang mga lahing pinagmulan,,
ito ay sina Heneral Heroshi Otaide at Klara Mangaso,
Noong unay balak sakupin ni Hen.Otaide ang bayan na pinamumunuan ng haring si Doro Mangaso, balak nilang kamkamin ang mga kayamanang nakatago sa banal na kweba na pinangangalagaan ng ama ni Klara,
Ngunit ng lulusubin na nila ang bayan ng haring si Mangaso ay napagpaliban ito,sapagkat noong akmang lulusubin na nila ang kweba kung saan nakatago ang kayamanan, nakita ng heneral na naliligo si klara sa ilog malapit sa kweba,pinaatras nya ang kanyang mga kawal at pinagmasdan mula sa di kalayuan si Klara,,mula noon ay parati nang pumupunta ang heneral sa ilog kung saan parati nyang nakikita ang dalaga, ninais din niya na makipagkilala sa dalaga at ligawan ito,,
wlang inaksayang panahon ang heneral agad syang nakipagkaibigan sa dalaga,panandalian nyang nakalimutan ang kanyang misyon sa lugar na iyon,
kalaunan ay naging malapit ang heneral at si Klara, na di nagtagal ay napaibig sila sa isat isa,,
dahil sa tiwala ng dalaga sa heneral ay pinakita ni Klara ang banal na kweba,,
wla itong laman kundi ang nag iisang gintong anito, na diyos diyosan ng lahi ni Klara, para sa knilang lahat isa itong mahalagang kayamanan,,
Umabot sa hari ang pkikipag mabutihan ni Klara sa Heneral na si Heroshi,
Ganoon din ang mas nakakataas na Heneral kay Heroshi,, pilit syang pinaamin kung saan nakatago ang kayamanan,,ngunit nagmatigas si Heroshi,pinahirapan sya ng mga ibang sundalo sa utos ng bagong talagang heneral,, ngunit di umamin si Heroshi
kayat naisip ng bagung heneral na dukutin ang kasintahan ni Heroshi na si Klara,nang madukot nila ang dalagay ihinarap nila ito kay Heroshi,binantaan nila si Heroshi na papatayin ang dalaga kung di nito ipagtatapat kung nasaan ang kayamanan, pero nagmakaawa ang dalaga na wag ipagsabi ang kinalalagyan ng kayamanan, pagkat isang malaking delubyo ang magaganap sa oras na kunin nila ang gintong anito,
dahil sa kagustuhan ni Heroshi na maligtas ang dalagaya nakipagkasundo syang dadalhin sa gintong anito,kapalit ng kalayaan nila,,
naalala ni Heroshi na may mga patibong na nakahanda sa kung sino man ang mangangahas na mag alis ng anito,,
dinala nila Klara at heroshi sa kweba ang heneral at mga kawal nito sa kinalalagyan anito,,
sa sobrang kasabikan dali daling pinuntahan ng heneral ang anito at inialis ang anito sa kinalalagyan nito,,agad na naglaho ang heneral,,kasunod nito ang pagyanig ng kweba,,
wlang inaksaya ang lahat maging ang magkasintahan,, agad na pinuntahan ni Heroshi si Klara para iligtas,,at dahil kabisado ng dalaga ang mabilis na labasan sa kweba kung saan wlang nka abang na patibong maliban sa kanilang dalawa ay wala nang nakaligtas,,ngunit,,
nang papalabas na sila nang kweba ay agad na dinakip ng mga mandirigma ng haring si Mangaso si Heroshi,,at pinatawan ng kamatayan,, hindi nakayanan ni Klara ang sakit ng pagkawala ng nobyo, kaht anong gawin ng ama ay di ito kumakain,, sa katagalan ay nagkasakit ito at tuluyang namatay,, Magmula noon namuhi na ang buong lahi ni haring mangaso sa mga hapon,magpasahanggang ngaun,,

------
paalala,,ito po ay kathang isip lang..... :)
,

heroTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon