Ubos na (one shot)

586 32 12
                                    

Sorry ang haba nito! Ngayon lang ulit nakagawa ng one shot kaya bumabawi. Sabaw pa rin kaya ewan ko na lang. Enjoy!

Sorry sa typos.
------------------------

February's  POV

"Ubos na!" Sigaw ko sa mga kaklase kong palaging nanghihingi ng papel. Kainis, bumili ako nito para sa sarili ko, di para sa inyo. Palagi na lang eh! Ginawa na ata akong supplier ng mga papel dito.

Try din kaya nilang bumili 'no?

"Damot mo Feb! Arte." Nakarinig pa ako ng nagreklamo.

Aba! So bakit parang kasalanan ko pa?

"Hala? Sorry ha? Kasalanan ko pa talaga na di kayo bumibili ng papel niyo." Inirapan ko sila at agad nagsulat ng pangalan. Bahala na nga sila, di ko na problema iyon. Estudyante sila tapos walang dala sa klase?

Yan tayo eh! Abuso sa mga supplier. Kalungkot ako pa ang supplier.

May kumulbit sa'kin habang gumagawa na ako ng activity. Kainis naman oh! Kung papel na naman ito talagang bibigwasan ko na ang taong--

"May papel ka pa ba?"

Napahinto ako sa pagsusulat dahil sa pamilyar na boses. Napaangat ako ng tingin sa kumulbit sa'kin. Sumalubong sa'kin ang malamig na titig ni August. Napaayos naman ako ng upo at umubo kunwari.

"M-Meron."

Nautal pa talaga ako! Ngumuso ko para pagtakpan ang kaba ko at tsaka para magpacute na rin.

"Pahingi." Tipid niyang sagot at titig na titig lang sakin. Nakikiliti ang mga uod sa katawan ko sa titig niya. Iyong tipong huhubaran ka? Masyadong baon sa buto ang malamig na tingin ng kanyang mata. Ramdam kong nasa North Pole ako sa lamig eh.

"Sure, ilan ba?" Ngumiti ako at kinuha sa bag ang isang pad. Ibigay ko kaya lahat ito? Hmm.

"Isa lang, baka maubusan ka pa."

Uminit ang pisngi ko dahil sa boses niya. Bakit lumambing bigla? Di kinaya ng mahalay kong isipan eh! Para bang binubulungan niya ako ng matatamis na salita. Mas lalo tuloy uminit ang pisngi ko pati katawan ko. Mygad!

"Naku okay lang!" Sabi ko sabay tawa ng malandi, "Madami pa naman akong papel."

Nakita ko pa ang mga pag-irap ng iilan sa sinabi ko. Aba aba! Ganda kayo? Tinaasan ko lang sila ng kilay. Maglaway kayo sa papel ko.

Kumuha ako ng dalawa at binigay kay August, "Dalawa iyan para extra baka magkamali ka." Oh diba advance akong mag-isip.

Tumango siya at tinanggap iyon, "Salamat." Tumalikod na siya at bumalik sa upuan sa may harapan.

At doon ko napagtanto na sana di ko nalang siya binigyan ng dalawa! Para naman kung magkamali nga siya, lalapit siya ulit para manghingi! Sayang iyong pagkakataon ko. Napapadyak ako ng paa at sinipa ang upuan sa harap.

"Problema mo, love?" Ngisi ni June sa'kin, siya iyong nakaupo sa harapan ko. Siya iyong matalik kong kaibigan na ubod ng kalandian sa katawan. Tawagin ba naman akong love. Kadiri. Love kasi nga February, buwan ng pag-ibig. Pauso.

"Love mo mukha mo! Wag mo ng akong kausapin! Naiinis ako." Sabi ko at nagpatuloy sa pagsagot.

"Love, pahingi nga ng papel." Sabi ni June habang patalikod na nakaupo sa kanyang upuan. Tinatanaw ako habang nagsasagot.

"Wala! Ubos na!" Kamot ko sa ulo kasi ang hirap ng activity. Naman oh.

"Ito naman ang damot! Binigyan mo nga si August eh, dalawa pa." Sabi niya na parang nagtatampo. Kala mo naman ang cute.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 08, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Ubos Na (one shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon