Chapter 1:Sammy's Birthday (Part 1)

0 0 0
                                    

Samantha's POV

April 13

I am 18 now. At dahil 18 na ako ay pinaghandaan talaga ni Mama ang araw na ito. Sa bawat designs, venue, food  caterings, invitations, etc. Lahat. As in lahat inasikaso nya. 1 week syang nag leave sa trabaho para paghandaan ito. Well, 3months palang bago ang birthday ko ay iniisip nya na ito.

Kasama nya si Tita Ailyn sa pag paplano nito. Umaga palang ay busy na sya makipag usap sa organizer ng Birthday Party ko.
18 years old na 'ko. It means, it's my Debut.

Ayoko pa sanang mag 18 roses 18 roses na yan. Kaso Hindi ako tinigilan nila Tita at Mama kaya napilitan ako. Nilagay ko lahat ng friends ko. 18 gifts, 18 candles, 18 wine, 18 treasure, at syempre 18 roses. Pumayag na rin ako sa ganyang bagay kasi gusto ko ding maranasan ang mga ganyan. Isang beses lang ako mag e-18 kaya why not? Mwahahahaha.

Red and sky blue 'yong motif ng party ko. It's my favorite color. Actually 'yong red ang favorite ko and 'yong sa sky blue, favorite 'yon ng magaling Kong bestfriend. Ilang beses nya ako kinulit para d'on. Sabi nya hindi daw sya aattend pag walang sky blue. Mwahahahaha. Isip bata lang 'no?

Gusto ko nand'on sya sa Birthday ko. Syempre childhood best friend ko sya. And sya ni Tita Ailyn. Malamang kasama talaga sya. Subukan lang nya hindi umattend, susumbong ko sya kay Tita.

Sila Tita at Mama parin syempre ang nagplano ng isusuot ko. Red Gown na may beads sa bewang hanggang baba. Ang ganda nito. Sakto lang sakin. Palobo ito sa bewang hanggang sa paa ko.
Red off-shoulder Gown ito.
Ah basta kayo na mag imagine.

Samahan mo pa ito ng red higheels mga 5 inches ang taas.
Nagkikintaban din ang suot kong kwintas,bracelet, at hikaw.
Maganda din ang pagkakatali sa aking buhok. Bagay na bagay sakin.

At higit sa lahat, ang make up ko. Yung pag ayos nila sa mukha 'ko.
Pagkakita ko palang sa salamin nang matapos akong ayusan ay literal na nagulat ako. Pati sarili ko ay hindi ko na makilala. Para akong nakakita ng buhay na barbie doll. I swear, ang ganda ng pag kakaayos. Maliit ang mukha ko, matangos ang ilong, magagandang mga mata na kulay brown, at manipis na labi. Base yan sa nagsasabi at pumupuri sakin. Hehehe..

Kaya naman sabi ng mga nag ayos sakin ay hindi sila nahirapan na ayusan ako dahil maganda na daw ako. Hahahaha.

Hindi naman sa pagmamayabang pero nagmana kaya ako kay Mama.

Maganda si Mama. Halos na parehas na parehas kami ng mata. Mas matangos ang ilong nya saakin. Manipis din ang labi nya at pinkish. Maliit din ang mukha nya. Hindi mo aakalaing 39 years old na sya kasi muka lang syang 25 years old.

Kasalukuyan akong nasa harap nang mga bisita namin. Friends, classmate,relatives, at mga ka-trabaho ni Mama at Tita Ailyn.
Maya-maya lang ay mag sisimula na ang party. Ngunit wala parin ang magaling kong best friend.

Saan naman kaya nagsuot 'yon? Sabi ni Tita Ailyn e susunod sya dito. Nauna na kasi si Tita Ailyn dito sa bahay dahil nga tinulungan nya si Mama sa pag aayos at pagpaplano ng party ko.

Matagal nang magbestfriend sila Mama at Tita Ailyn. Sabi ni Mama pinagbubuntis palang daw ni Tita si Lynmuel ang best friend ko ay mag kasama na sila.
Tumira daw si Tita Ailyn sa Condo ni Mama noon dahil wala nang ibang mapuntahan si Tita Ailyn nang panahon na 'yon. College palang daw noon sila. Pinalayas si Tita Ailyn sa bahay nila kaya wala na syang ibang mapuntahan. Pinatuloy naman sya ni Mama sa condo nya noon at the same time tinulungan nya ito sa pagbubuntis nya hanggang sa manganak si Tita. Wala namang problema kila Lolo at Lola (Mama at Papa ni Mama) dahil mayroon namang savings si Tita Ailyn noon at hindi na problema ang gastos.

Ilang months palang daw nang manganak si Tita Ailyn ay nabuntis daw si Mama at ako 'yong pinagbubuntis nya. Katulad daw ni Tita Ailyn ay hindi din daw sya pinanindigan ng Papa ko. May kasintahan din daw si Papa noon ay nabuntis si Mama. Mas pinili ni Papa na sumama sa kasintahan nya kaysa Kay mama.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When You're Gone Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon