Chapter 1

45 3 3
                                    

Eclair PoV

This day is a busy day. Lahat ng mga nilalang dito ay naghahanda para sa nalalapit na kompetisyon na magaganap sa susunod na buwan, ang Grand Magic Battle. Isa itong tradisyon kung saan sinusukat kung gaano na kataas ang narating mo. Dito mo malalaman kung ano ang ranggo mo sa buong kaharian, malalaman mo dito kung sino-sino ang mga sikat at mga pinakamagagaling na echanters. Isa na ako doon. Ako nga pala si Eclair Neekis na nagmula sa angkan ng mga Neekis.

Hindi naman sa pagmamayabang ngunit, isa ako sa mga pinakamatataas na posisyon pagdating sa mga labanan at kilala ang aking angkan sa buong kaharian, ang kaharian ng Kingdom of Agartha Nysa na pinamumunuan nina haring Damien Eisen at reyna Safiya Eisen. Napakaraming magical creatures dito at bawat nilalang dito ay may mga magical powers. Ang kapangyarihan ko ay tinatawag na Elements of Neekis's na nagmula sa aking mga kanuno-nunuan kabilang sa aking kapangyarihan ay ang mga elemento ng apoy, tubig, hangin, lupa, nyebe at ang bagong tuklas kong kapangyarihan ng kidlat. Maigi kong pinag-aaralan ang paggamit nito ng sabay-sabay dahil kapag nagawa ko iyon ay maaring ako na ang pinakamalakas sa lahat. Ang kapangyarihan ko ay naayon sa kalikasan kung kayat napakalakas nito. Masasabi kong napakalakas nito dahil maraming beses ko na itong napatunayan. Ang paggamit nito laban sa mga pinakamalalakas sa kaharian na siyang nagpatumba sakanila maliban nalang sa hari at ang iba pang mga guro ng mahika sa kaharian.

Nageensayo ako ngayon sa isang silid dito sa paaralan namin. Mayroon kaming paaralan na kung tawagin ay Casters Academy, ang school kung saan nag-aaral ang mga studyante ng iba't ibang spells and so on. Dito din nila hinahasa ang kanya-kanya nilang kapangyarihan para din sa Grand Magic Battle. Kasalukuyan kong pinag-aaralan ang pagsasabay ng aking mga kapangyarihan ngunit nabigo ako. Ikinumpas ko ang aking kanang kamay at lumitaw dito ang apoy, ikinumpas ko naman ang kaliwa kong kamay at lumabas dito ang hangin, visible ang hangin na ito. Kasabay noon ay ang pagchant ko sa isang spell kung saan maipapalabas ko ang nyebe at kidlat. Dumagundong naman ang paligid ng ilabas ko ang pwersa ng kapangyarihan kong lupa. Unti-unti na akong nawawalan ng lakas dahil dito, unti-unti rin silang bumubuo ng bilog kasabay noon ay ang pagpalibot ng maliliit na snow sa paligid nito. Hindi ko na kaya ngunit ipinagpapatuloy ko pa rin hanggang sa...

"Arrgh!" Napasigaw ako dahil sa frustration. Katulad ng dati ay unti-unting nawawala ang mga kapangyarihan ko kapag malapit ko ng mabuo ang Neekis's Legend. Ito ay kapag napagsama-sama ko lahat ng mga elemento ko. 

*Clap* *Clap*

Ibinaling ko ang tingin ko sa taong nasa likuran ko.

"Lolo" Sambit ko. Ngumiti siya saakin

"Magaling apo." Nakangiting sabi niya

"Lolo Raven naman! Ilang taon ko na tong pinag-aaralan ngunit hindi ko parin maperpekto"

"May mga bagay na nakatakdang mangyari. Hindi mo man iyon makuha ngayon, ngunit balang araw makukuha mo iyon sa hindi mo inaasahang paraan at panahon"

"Hindi ko pa rin matalo ang ibang mga guro at ang Hari maging kayo Lolo--"

*Craaassh*(Tunog ng nabasag iyan)

Mabilis pa sa kidlat na ikinumpas ni lolo ang kaniyang kamay kasabay noon ay ang mabilis na paparating na Vase saakin, naging alerto naman ako sa pag-atake niya kung kayat pagtingin ko dito ay bigla itong nabalutan ng yelo at nabasag.

"LOLO!!!" Tumawa lang siya

"Hahaha. Magaling. Ganyan nga apo. Mahalaga ang pagiging alerto sa lahat ng oras. Hindi mo alam kung ano ang naka-ambang panganib kung kaya't pag-igihan mo at sanayin mo ang iyong pandama. Pag-igihan mo hanggang sa dumating ang araw na iyon, maging handa ka" Hindi ko masyadong naintindihan ang ibig sabihin ni Lolo sa huli niyang sinabi ngunit nakaramdam ako ng biglang takot. Bakit?

"Ano pong ibig niyong sabihin Lo?" Tanong ko. Sumeryoso siya bigla ngunit napawi din iyon ng isang ngiti. 

"Halika na't makipag ensayo ka sa mga kaibigan mo"

"Ayoko!" Gusto kong magfocus sa Neekis's Legend at....

"OO NA LOLO, IBABA NIYO NA AKO!" Pinalutang ako ni Lolo na parang lumilipad. Eh kaya ko namang lumipad gamit ng elemento kong hangin -__- Kaso hindi ako makagalaw dito sa magic ni Lolo.

*BLAG*

"Aww! Lolo naman eh!" Mangiyak-ngiyak ako sa sakit dahil bigla bigla akong ibinagsak ni Lolo at sa napakatigas na sahig pa nito. Masakit kaya sa likod! Papunta kami ngayon sa isang Arena para sa Class B+ kung saan ako nakalagay, dapat Class A+ eh -_-

"Watch out, Eclair!" Hindi pa man nakakadapo ang Flaming Metal ball ni Grim ay..

"Melting Icy Fires!" Nabalutan na ito ng pinagsamang Ice at apoy at unti-unting natunay ang Metal ball na iyon. Ang then I smirk

"Aizen, your shield!" Sigaw ko kay Aizen, dali-dali naman siyang nag-chant at nabalutan na ng kulay Pink ang paligid, na nagsilbing panangga namin dahil pagkatapos ng pagkatunay ng Metal ball ay bigla itong sumabog. Naging gas ito na maaring makasunog sa makikinis naming mga balat.

"You really are sadist Eclair. You should have use your Ground Strike and throw that on this Place's core!"

"I won't cast my simpliest magic unless you can beat me, Grim Richter!" Then I smirk. Ramdam ko na ang pagkatalo sa kanyang mga mata

"Wait till I kick your ass Eclair Neekis!"

"I'm always waiting Grim Richter!"

EnchantersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon