Side A: Chapter 1

11 2 0
                                    

Tahimik at tanging bulong ng hangin lamang ang aking naririnig. Nakatayo ako sa ilalim ng isang punong, tila mga dahon ay nalalagas na. Ang kalangitan ay nababalot ng maitim
na ulap, parang uulan pero malakas ang kutob ko na dadaan lang ito. Hawak-hawak ko ang isang Mp3 player at nakasaksak sa kaliwang tenga ko yung isang earphone, samantala yung isa naman ay hindi. Hindi ako familiar sa tumutugtog na kanta pero nararamdaman ko na parang papatak na ang luha sa aking mga mata. Sobrang lungkot ng aking nararamdaman, ngunit di ko rin lubos maipaliwanag kung bakit ganito yung laman ng puso at isip ko. Everything seems familiar. Pilit kong inaalala kung saan at kelan 'tong scene na ito, pero parang may nakaharang sa aking memorya para aalahanin ang lahat.

"Theo!" May biglang sumigaw sa likod ko. Lumingon ako pero di ko makita kung saan nanggagaling yung boses.

"Theo!" Sumigaw ito ulit. Biglang lumakas yung tibok ng puso ko. Familiar yung boses pero di ko alam kung sino.

"Theooooo! Kanina pa kita tinatawag! Nandito ako!" Hinanap ko ang boses sa paligid pero di ko mahanap. Tinanggal ko yung earphones sa kaliwa kong tenga para mas marinig ko ng maayos yung boses na tumatawag sakin.

"Theo!" Nagulat ako nang nasa likod ko na yung tumatawag sakin. Bigla akong naiyak, pero di pa ako lumingon. Lalo akong naguluhan kung bakit nararamdaman ko ito. Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko pero walang mga sagot.

"Theo, are you okay?" Di na ako nagdalawang isip at bigla akong lumingon.

"Theo!!" Sigaw ni Pear. Bigla akong nagising sa mahimbing kong pagkakatulog.

"Ano na? Tapos ka na bang mag brainstorm para sa next story na ipupublish mo? Malapit na yung deadline. Palagi ka na lang natutulog!" Dagdag nito. Kinuha nito ang nakasaksak na earphones sa tenga ko.

"Sorry." Sabi ko. Nagulat ako nang biglang may pumatak na luha sa kaliwa kong mata. Agad ko naman itong pinunasan.

"Oh? Anong meron?" Tanong ni Pear.

"Wala 'to. Alam mo namang sa panaginip ako kumukuha ng ideas for my stories." Sabi ko.

Kilala ako bilang isang writer sa isang sikat na website. What makes my stories unique kasi  napapanaginipan ko lahat ng kwento and mas interesting pa kasi everyday nacocontinue yung napanaginipan ko, then agad ko naman itong sinusulat. Hindi ko alam kung bakit ganito yung nangyayari, pero I just considered it as a gift.

Sabi nila may meaning daw ang bawat panaginip. Pero ako, until now wala pa rin akong naiintindihan na 'meaning' sa mga naging panaginip ko. Kahit na basahin ko pa ulit yung mga sinulat ko, parang normal lang din naman na kwento para sakin.

"Pear, akyat muna ako sa rooftop. I don't feel like attending the next class." Agad kong kinuha yung bag ko and umalis.

"Hoy! Ano ba naman 'to! Di ka nanaman papasok?" Sigaw ni Pear. Pero di na ako lumingon and patuloy lang sa paglalakad.

Actually, recently nawalan talaga ako ng gana sa lahat ng bagay. Pero I really can't explain it. Yung feeling na nabubuhay ka para sa wala. Something's missing.

Or baka dahil di ko alam yung feeling kung paano ma-inlove?

Ang babaw.

I went to our building's rooftop. Dito ako tumatambay palagi kapag gusto kong mag release ng stress and cool-off sa mga problema. I just love the scenery. Overlooking sa dagat kasi yung school namin plus the beautiful sunset every 5PM. I just love the feeling everytime the warmth of the sun touches my skin. I feel light.

Hidden TrackTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon