Pahinga

3.5K 80 15
                                    


Malalakas na hiyawan ang sumalubong sa akin pagkapasok ko ng gymnasium. Intramurals namin at may laro ang department namin ngayon kaya required na umattend kami. I'm Lizeah Sierra Bustamante and nag-aaral ako sa isang sikat na University sa Davao City, my parents have a business here at Davao.

Napatingin ako sa score board 30- 36, lamang ang kalaban namin. The game is Senior high school which is kami versus Department of Engineering. Kung titingnan naman kasi ang mga katawan nila pare-pareho lang pero mas matatangkad ang mga Engineering. When the Engineering team scores again, napatingin ako sa katabi ko nang sabay-sabay silang napatayo at nag-cheer. Napayuko ako pagkatapos makita ang banner nila, nandito pala ako sa bleachers ng Engineering. I am in the wrong group, my gosh Lizeah.

 I bit my lip dahil sa kahihiyan ng maramdaman ko ang pagtitig nila sa akin. Nasa babang bleachers kami at nasa unahan ako kaya kitang-kita talaga kung sino ang naiiba sa grupo.

Nang nagsiupuan na sila, napatingin muna ako sa magkabilang gilid ko I took a deep breath before I turned my attention to the court. I saw this boy with his white and orange jersey biting his lip na para bang pinipigilan ang pagtawa dahil sa nangyari sa akin.

TAN, 08.

Yan ang nakalagay sa likod niya after he turned his back para tumakbo para maagaw ang bola. He successfully snatched the ball from our player and shoots it.

"Three points for Taaaaan" sigaw ng referee, and the people around me cheers again. Pumalakpak na lang ako at nakisabay sa hiwayan ng mga tao, baka kasi mapansin pa ng ibang tao na sampid ako dito, which is true. 

Napatingin ulit yung Tan sa gawi ko nang marining niya ang malalakas na hiyawan. Napatingin din sa banda namin ang mga players ng Senior High School nakita ko si Paul at masama niya akong tiningnan, naibaba ko ang mga kamay at napayuko. Malalagot talaga ako neto sa kaniya, dapat sa SHS team ako magchecheer, beside sa fact na Senior High ako nandoon din si Paul.

Natapos ang game with a score 68-75, Department of Engineering wins. Bumaba agad ako at dumeretso sa kumpulan ng Senior High School Basketball Team.

"Hi Liz" bati sa akin ng mga Basketball players, kakilala ko sila kasi minsan na din silang pumupunta sa bahay.

Ngumiti ako at kumaway sa kanila, "congrats pala, bawi tayo next game?" Napatawa silang lahat sa akin.

"eh, sa kabilang grupo ka nag-cheer eh. Kaya natalo kami."

Napatingin ako kay Paul, "ang sabihin mo, di ka talaga magaling ngayon. Bakit ba di pumapasok lahat ng tira mo?" sinimangutan niya lang ako.

Napatingin ako sa palagid at di ko nakita ang kaibigang si Dani, alam ko na kung bakit medyo masama laro ni Paul ngayon. Siguro nag-away sila ni Dani.

"Nag-away kayo ni Dani?" si Dani ang girlfriend ng pinsan kong si Paul.

"We broke up yesterday." Gulat akong napatingin sa kaniya, magtatanong pa sana ako pero nararamdaman kong ayaw niyang pag-usapan kaya napatingin nalang ako sa kalsada at tsaka napayuko. Me and Paul shares everything since we were just a kid, kaya nabigla ako nang marinig kong break na sila ng girlfriend niya. Classmate ko si Dani and we became friend after naging sila ni Paul, so we don't share that much.

"Drive thru muna tayo. Libre kita." Tiningnan niya lang ako kaya naitaas ko ang kilay ko.

"Ayaw mo?" nginitian niya lang ako at he maneuvered his car going to the fast food chain.

I went to my room after Paul drop me at our house, we lived in the same village kaya minsan sinasabay niya ako papauwi at papuntang school. I just got here, my parents wants me to study Senior High School here kaysa daw sa Manila- di kasi sila laging umuuwi doon since our business' main branch is here.

PAHINGA [ONE-SHOT]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon