2

19 1 6
                                    

"Ahhhhh!!"

"Ahhhhh!!"

Nag palitan kami ng sigaw dahil nakikisabay sya.. I think,

"Rapist ka ba?!" Ako

"Akyat bahay ka noh!?" Sya

"Hoy! Sino kaya sa atin ang sumusulpot na lang bigla bigla sa harap ng bintana ko! O sinong mas mukhang akyat bahay sa atin!"

"Ang gwapo ko rin kaya para maging rapist noh" pag mamayabang nya

"Teka nga! Nasan ba si Grace?" Tanong nya

Kapal, pag katapos bumungad sa harap ko

"Ah, ikaw pala yung childhood friend ng kaibigan ko!" Sabi ko pa

"You mean your Grace friend too?" Taming nya saka ako tumango

"At ikaw naman ang childhood friend" wika ko

"One and only" wink nya

Buti na lang gwapo dahil kung hindi baka kanina ko pa to penektusan

"Saka, nangangalay na ako dito sa labas.. Papasok ako ah"

"Di---"

"Wow, ang aliwalas ng kwarto mo ah, infairness" Puri nya

"Kapal mo din noh, sinabi ko bang pede kang pumasok?" Pag tataray ko

"Sus, ang taray taray mo naman, saka bat ka pala nandito? Asan din pala si Grace?" Tanong nya

"Okay, 1st nandito ako dahil aalis a dapat ako sa Pinas this Month pero dahil sa ECQ dito sa Manila stranded ako, 2nd yung kaibigan mo na kaibigan ko rin nasa Canada stranded din" explain ko

"Di nya naman nasabi sakin yun ah, kainis talga ko si Grasya" kamut nya sa ulo

Akmang uupo sya sa kama

"Hwag kang uupo, dahil di tayo close saka Isa pa, kala ko ba babae ang childhood friend nya! Ang Sabi nya Kasi sakin 'rona' ang pangalan mo" Sabi ko

"Suplada, kala mo Naman ang dumi dumi ko, Rona ang tawag sakin ni Grace dahil inaasar nya Kasi akong bakla noon.. Nga pala I'm Byron" pakilala nya na akmang nakikipag kamay

"Bawal ang shake hands, social distancing din baka mamaya may Virus ka pang dala" sungit ko

"Grave ka Naman.. Ang Sama mo" sambit nya

"Alexandra, Xandra for short" pakilala ko

Tumango tango pa sya... As if ampanget ng pangalan ko..

"Sige.. aalis na ako, saka wag kang mag suot ng masyadong manipis na daster, halata ang dibdib mo eh" bilin nya sabay talon sa bintana

0/////////0

"Shit!!!" Sabay hila ko sa kumot

"Bastos! Manyak! Mamboboso!" Sunod sunod kong sigaw sa kanya saka padabog na nilock ang bintana

LockED DownWhere stories live. Discover now