DINUGUAN

2.1K 7 3
                                    

DINUGUAN

(One Shot. SPG kuno. XD)

Hindi ko alam kung ako yung may problema o nakakatamadlang talaga tong araw na to. Gusto kong magmall pero tinatamad ako. Gusto kong makipagkwentuhan pero tinatamad ako. Hindi ko nga nirereplyan mga katext ko kasi tinatamad ako. -.-

Paghinga na lang ata ang hindi ko kinatatamaran. Tatamarin na rin sana ako mag isip ng biglang magring ang phone ko.

Isang pindot lang Mia. Paalala ko sa sarili ko. Tinignan ko ang tumatawag. Si Storm lang pala.

Teka, "Si Storm!" napatayo ako mula sa pagkakahilata ko sa kama ko nang magsink in sa 'kin na ang ultimate crush ko lang naman ang tumatawag sa'kin.

Agad kong sinagot ang tawag niya. Matagal na kaming magkaibigan ni Storm. At hindi open samin na may lihim akong pagtingin sa kanya. Pag sinabi kong lihim, sa usapang crush, ang ibig sabihin nun ay, si Crush lang ang may hindi alam.

Iniisip ko kung anong sasabihin ko kay Storm pagkasagot ko. Sabihin ko ba dapat na 'Kamusta?' 'Bakit napatawag ka?' 'Namiss mo ba ko?' o yung mas makatotohanan na 'Uyy. Namiss kita!' pero sa dinami-dami ng nasa isip ko simpleng, "Hello?" lang ang nabanggit ko.

"Hi. Mia. Labas ka. Nasa tapat ako ng bahay niyo."

Yung boses nya! Ugh!!!!!


I was like.



KYAAAAAAAAAAAAAAAAAHHHHH!



Tinakpan ko ng unan ang bibig ko at kinagat yun para pigilan ang kilig na pagsigaw.

"Hello. Hello. Mia?" Sabi ni Storm sa kabilang line.

Inhale. Exhale. Inhale. Exha---

"Y-yes. Sure. Wait lang." Tsaka ko binaba ang phone.

Sumilip ako sa bintana ko mula sa kwarto ko. Nasa second floor ng bahay namin ang kwarto ko. At..


"Andyan nga syaaaaaa!!!!!!" masayang sigaw ko tsaka na ko nagtatakbo palabas.



Nang makarating na ko sa gate.

"Ah hi" bati niya habang nagkakamot ng ulo.

"Napadalaw ka? wala kang kasama?" Sinilip ko pa ang paligid. Ngayon lang kasi nangyaring pupunta dito mag-isa si Storm.

"Ah ako lang ang pumunta dito. Nakaabala ba ako?" Nakangiti niyang sabi

Ay naku! Araw araw pwede kang pumunta dito! Sabi ng malandi kong isip. Haha.

"Ay, naku hindi. Halika pasok ka."

Timing naman tong si Storm. Kung kailan ako lang talaga mag isa dito sa bahay saka pumunta. Wala si kuya ko. May gimik kasama ang barkada niya. Ang parents namin nasa Amerika. Nag wowork dun. Mga maids maya pang gabi ang balik. Kaya nga lock na lock ang bahay eh. Nakakatamad. Parang walang nakatira. Mabuti na lang dumalaw si Storm. Yeee. Kinikilig ako! Solo ko siya. Tetext ko sana si Kylee para ishare to. Kaya lang naiwan sa taas yung phone ko.

Kylee!!!!! Si Storm!!!!! Pagkilig ng utak ko. Haha

"Upo ka muna jan. Kuha lang akong makakain. Nag lunch ka na ba pagluto kita."

Sabi ko saka na ko pumunta ng kusina.

Napansin kong hindi siya umupo. At sumunod na lang sakin. Hinayaan ko na lang siya. Yeeee. Nakakakilig talaga to. Para kaming mag-asawa! ╮(╯▽╰)╭ yay! Asawa agad, Mia??!!! Hahahaha

DINUGUAN (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon