ERORRS AHEAD!!
-----------------------KHALIL POV:
Nagising ako sa isang silid tinignan ko ang paligid nito puros puti may table sa tabi nang hinihigaan ko
Maraming prutas at pagkain ang nakalapag dito... Asan ako??
"Khalil! Thanks God you're awake" rinig kong sabi nang isang babae kaya tinignan ko ito
"Mama! Asan ako?" Sabi ko dito "Dinala ka ni Aziel dito sa hospital anak, nahimatay ka daw eh" tumango lang ako bilang ganti
Maya-maya pa ay dumating si Aziel agad ko itong tinignan at kita ko sa kanyang mga mata ang pagaalala sakin " Khalil! Mabuti at gising kana!" Sabi nito at sabay yakap saakin
"Thank you pala" magpapasalamat ko, bad "No worries basta ikaw" sabay ngiti pa nito
Tumayo ako nang bahagya ngunit biglang sumakit ulo ko at "Ahhh" daing ko sa sakit "Wag ka munang tatayo "alalang sabi ni Mama
" Nga pala asan si Nikos ma? Sina Janiel, Kurth at Hannah Az asan sila?" Tanong ko sa kanila
"Si Nikos umalis kanina pa, Sina Janiel naman wag kanang magalala sakanila alam nila nangyari sayo pumunta din namn sila dito kaso umalis agad" pagpapaliwanag ni Az sakin
Tumango nalang ako bilang ganti, ilang minuto pa ay may biglang pumasok "Doc!" Sabi ni mama sabay tayo "Well gising na pala ang pasyente, iho you're now recovering from your amnesia and makakaramdam ka nang pananakit nang ulo, at kung minsan ay hihimatayin ka, but here inumin mo ito sa tuwing sasakit ulo mo mababawasan nito ang sakit"
Mahabang paliwanag nang doctor Sabay abot kay mama nang gamot 'amnesia? Nagka amnesia ako?' sabi nang utak ko
"Excuse me, pwede na pala lumabas ang pasyente ngayun" sabi nang doctor at umalis nadin
" Anak narinig mo ba ang sabi nang doctor? You're now recovering from your amnesia anak! " Sabi ni mama sakin at sabay yakap
Tumulo nadin ang mga luha ko, napatingin ako kay Aziel at parang malungkot ito
"Alis na muna ako.. Aziel anak bantayan mo muna itong si Khalil ah kailangan ko na kasing bumalik sa trabaho" pagpapaalam ni Mama saamin " Ah sige po tita ako na bahal kay Khalil" at tuluyan nang umalis si mama
Umupo si Aziel sa isang bakanteng upuan katabi nitong hinihigaan ko "Mukhang malungkot ka ata?" Paguumpisa ko dito "Mahal mo?" Nagulat namn ako sa sinabi nito
"Ha? Ikaw? Oo bakit?" Litong sagot ko dito, tinignan ko namn ito nakita kong may luhang umaagos sa kanyang mga mata
"May problema ba?" Tanong ko dito "Oo, malaki" sabi nito at tinignan ako "Ano namn 'yon? Teka nga bat ka umiiyak?" Ngunit isang ngiti lang ang tinugon nito
" Mahal kita, Mahal na Mahal pero ayoko naman maging selfish" sabi nito at sabay alis
Naiwan naman akong lito, anong pinopoint mo Aziel?
AZIEL POV:
Pagkatapos kong sabihin ang mga katagang iyon kay Khalil ay agad akong umalis ayokong masabi sa kanya ang kototohanan kaya ko naman mag let go para sa taong mahal ko
Pero ang hindi ko kaya ay ang makitang nasasaktan ang munting Khalil ko, kahinaan ko yun sya na lamang ang kasama ko sa buhay sana pagkatapos nito ay maging mabuting magkaibigan padin kami
Flashback:
"Aziel? Maysasabihin sana ako sayo" sabi nito habang tinitignan si Khalil "Ano yun?" Tinignan ako nito kita ko sa kanyang mga mata ang takot at lungkot
Halong halo ang emosyun ang makikita mo sa kanyang mala anghel na mata "Matagal ko na dapat tong sasabihin sayo pero wala akong lakas nang loob ngayon ay meron na" paguumpisa nito
Nakinig lang ako dito habang nagsasalita " Unang kita ko palang kay Khalil ay tumibok agad yung puso ko..." Pagkasabi nito ay bigla akong kinabahan alam ko na ata ang pinipunto nito
" Mahal mo sya? " Pagputol ko dito, nabigla namn ito sa sinabi ko "Az..." Sabi nito ngunit biglang tumulo yung mga luha ko
"Halata namn Nikos eh, kaya ko nga nilalayo si Khalil sayo kasi natatakot ako baka makuha mo sya sakin, pero di ako papayag na makukuha mo sya Nikos" sabi ko dito
" Alam ko.. " at sabay ngiting pilit nito "Eh bat mo sinabi kung alam mo namn pala?" Yumuko ito nang bahagya at nagsalita "Gusto ko si Khalil hindi bilang step-brother lang kundi Higit pa doon... Gusto ko lang mapalayo sa kapahamakan si Khalil Az.." sabi nito
"Kapahamakan? Bakit? Mas safe sya kung nasa-akin si Khalil!" Pagsabat ko namn dito, tinignan ako nito "Hindi mo naiintindihan Az.... Si Kiana! Ex ko yun alam kong gagawin niya lahat maagaw lang niya ako pero si Khalil lamang ang makakapigil dun bago paman pumunta si Khalil sa States ay magkaibigan na sila ni Kiana, ginawa lahat ni kiana ang makakaya niya mahanap niya alng si Khalil ngunit bigo ito Nang nalaman niyang mag step-brother kami ay laking tuwa nito kasi makikita niya na si Khalil ngunit nawala lahat nang iyon nang di na makilala ni Khalil si Kiana dahil nga nagkaamnesia siya, nang malaman ni Kiana na maypagtingin ako kay Khalil ay nagalit ito hindi siya papayag na hindi niya ako makuha, Pero pagnalaman niyang kami na ni Khalil ay saka ito titigil dahil may kontrata kami nang kanyang papa sa company pagsisiraan pa niya si Khalil ay sisiguraduhin kong babagsak ang company nila"
Naintindihan ko na ang pinopunto Nikos gusto niya lang iligtas ang sarili niya ganun din si Khalil "Naiintindihan ko" tanging sabi ko dito, akmang aalis na sana ako nang magsalita pa ito " Sana kahit sa ganito nalng Az alam kong masakit pero sisiguraduhin kong iingatan ko si Khalil para sayo tatanawin ko ito na malaking utang sayo"
Tuluyan na akong umalis dun sa Hospital at umuwi nalng
End of flashback:
Buo na ang desisyon ko Mahal ko si Khalil at mas pipiliin ko ang kapahamakan nito kesa sa pagmamahal ko
Agad kong dinial ang number ni Nikos nakalimang ring ito bago ito sumagot "Pumapayag na'ko" sabi ko dito at agad na binaba ang linya
Di kona napigilan ang pagiyak ko "Ahhhhh" sabay hampas sa manibela puno na nang luha ang akin mga mata
Wala nakong makita kundi puros blurred nalang dahil sa mga luha, nabigla nalang ako nang may malakas na sumalpok sa sasakyan ko nagpagewang-gewang ang takbo nang sasakyan ko at tuluyan nang bumangga sa isang pader
Pinilit kong imulat ang aking mga mata puros dugo lamang ang aking nakita at tuluyan nang pumikit ang aking mga mata
KHALIL POV:
Andito sina Janiel, Kurth at Hannah sa hospital para bisitahin ako nagdala din sila nang makakain at inumin
"Hoy bakla ok kalang?" Alalang tanong ni Janiel saakin " Oo naman bakit?" Sabay tawa "oh eto juice" sabay abot sakin ni Hannah nang isang basong juice
Kinuha ko namn ito nang biglang dumulas sa kamay ko at nabasag "Hala" sigaw ko agad namn napatingin si Kurth sa gawi namin "Ako na maglilinis niyan lumayo nalng kayo diyan" sabi ni Kurth
Agad namn bumilis ang tibok nang puso ko "Hannah? Parang kinabahan ako" sabi ko dito "Ha? Bakit naman? " Pagusisa nito
" Basta kinabahan ako bigla" isinalawang bahala ko lang ito baka dahil sa pagbasag nang baso
Cringgg cringgg cringgg
Agad naman narinig namin ang pagtunog nang telepono ni Hannah "Hello?" Sagot nito "Opo" sino namn kaya tumawag dito "ANO?!!" sigaw nito
Agad namn ito tumingin saakin at sabay nun ang pagtulo nang luha niya "A-anong nang yari?" Paguusisa ko dito
"S-si A-aziel" utal-utal nitong sabi at naibagsak ang hinahawakan nitong cellphone
-----------------------GUYSSS I CHANGE MY MIND GUSTO KO PANG PAHABAIN ITONG STORY HAHAH SO HERE'S THE UPDATEEE I HOPE MAGUSTUHAN NYU ILOVEYOU MGA BBIS
BINABASA MO ANG
[DROPPED]MY POSSESSIVE STEP BROTHER [BXB]√
RomanceIF YOU'RE HOMOPHOBIE GET LOST! CHAR!✨ #20 tagalog love stories -11/13/20 #2 lust - 11/12/20 #48 gayxstraight - 11/10/20 #930 m2m - 11/10/20