Kabanata 4: Earpiece
“...and then, they live happily ever after.” pagbabasa ko sa Cinderella book version.
“Ediwow sila na ang masaya!”
Padabog kong inilagay sa cabinet ko ang libro saka padaog ring isinara ito.
Sa loob ng mga araw na pamamalagi ko dito sa apartment ko ay wala akong ibang ginawa kundi ang humilata lang sa kama ko habang nagbabasa ng mga fairytale love stories.
Nagtataka nga ako kung bakit ba kadalasan sa mga kwentong nababasa ko ay nagkakatuluyan ang mga bida. Like duh? Wala man lang mamamatay? Wala bang thrill? Tsk ang boring.
Ang boring talaga ng buhay ko pag hindi ako pumapasok sa trabaho.
Ngayon alam ko na, mas gusto ko nalang na tumanggap ng mga misyon kesa sa humiga lang dito sa loob ng apartment ko. Mabuti sana kung may pagkain akong pamulutan habang nagbabasa kaso wala. Wala akong perang pambili. Naubusan e.
*dingdong*
Tumayo ako mula sa pagkakahiga sa kama ko nang may nag-doorbell.
Naka-apartment nga lang ako pero ibahin niyo dito dahil may doorbell. Sosyalin. Sosyalin din ang renta. Jusko! Twenty thousand lang naman po per month tapos iba pa ang bayarin sa kuryente at tubig tapos sa pagkain pa tapos ang mga damit ko pa.
Habang papalapit ako sa pintuan ay hindi ko mapigilan ang pagkunot ng noo ko.
Sino naman kaya ang pupunta dito? Ketanghali-tanghali tapos may pupunta? Hindi naman siguro si Manang Beday?
Si Manang Beday ang may-ari ng apartment na nirerentahan ko. Nakakainis nga minsan yang Manang na yan e kasi hindi pa nga bayaran ay dinadalaw na ako para makapag-advance payment nalang daw.
Pero kahit na ganun ay love ko parin yang Manang Beday na yan kasi binibigyan nya ako minsan ng mga prutas at pananim niyang mga gulay para daw tumaba naman ako.
Kesyo daw ang payat-payat ko. Excuse me lang a? Iba ang payat sa sexy at nabibilang ako sa pangalawa.
“Sandali lang!” sigaw ko nang nag-dingdong na naman ang kung sino mang bisita ko.
“Good afternoon po, ma'am!”
Hindi ko makita ang mukha ng nagsalita dahil sa mga dala niyang lumagpas na sa mukha niya dahil sa taas nito.
“Kuya, wrong room po yata kayo.” sabi ko.
“Ay! Hindi po, ma'am. Kayo si Ms. Heizeah Aleonda hindi ba? Para sa inyo po 'to. Ipapasok ko na po, a?”
Hindi na ako hinintay pang makasagot ni kuyang delivery boy at dire-diretso na nyang inilagay ang sampung boxes ng pizza at isang bouquet ng bulaklak sa sofa ko.
“Teka, sigurado po akong hindi ako nagpa-deliver e.” ano naman ang ibabayad ko diba? Wala na nga akong makain tapos mag-o-order pa ako ng maraming pagkain? Tsaka bulaklak?
Kinuha ni kuyang delivery boy ang ballpen nya sa bulsa saka ito ibinigay sa akin kasama ng isang papel.
“Hindi po pwedeng sabihin e. Pakipirmahan nalang po.”
YOU ARE READING
The Emperor's Empress (LA VENGANZA SERIE #1) (on-hold)
ActionAn agent who works in a secret agency will receive a difficult mission. That difficult mission is to catch and defeat the leader of the most powerful syndicate in the whole world. Will she fulfill her mission when she'll know who the leader is? Or s...