Yow, By the way, I'm Maxzin Velasquez. I am rich and a pain in the ass. Yeah yeah...parents won't ever dream to have a daughter like me, but Nah, I don't care.
My parents didn't care for me even from the very start anyway so...yeah..I'm kinda used to it.
But sometimes, it really hurts. Pfftt...well...I'm just human...I get hurt But that's it.
"Max! Come on! Time to go!" Sigaw ni Aron na kasalukuyang nasa bubong ng Jeep at hinahampas ang bakal na tubong inuupuan nito gamit ang isang kahoy.
Pfftt...baliw na talaga ang isang toh.
"Andyan na!" Sigaw ko rin at dahil baliw rin ako, mabilis akong umakyat sa bubong at tumabi ng upo sa kanya.
Yeahhhh...this feels so right!!! Haha!!
"Di ka parin kumukupas, Parang unggoy kung umakyat. Pambihira." Natatawang sabi ni Aron habang iiling-iling.
"Hindi naman kasi ako kagaya mong gumugurang kaagad." Tudyo ko sa kanya na dahilan para pabiro niya akong hinampas sa braso.
"Aw.." kunwaring nasasaktan kong sabi sabay tawa ng malakas. Natawa nalang rin siya dahil sa lakas ng tawa ko.
"Manong!! Larga na! Puno na!" Sigaw ko kay Manong na siyang may-ari ng jeep.
Bahagya pa akong dumapa para silipin siya sa driver's seat.
Natatawa't iiling-iling lang si Manong habang nakatingin sa akin. Bahagya siyang tumango bilang pagsang-ayon at agad naman akong umayos ng upo.
"Wooohoooo!!!" Sigaw ko nang bumibilis na ang takbo ng jeep.
Nakataas ang dalawang kamay ko na agad namang naibaba dahil lumiko sa kanto ang jeep.
Tumatawa lang si Aron na nasa tabi ko. Nasa harap ang mga tingin niya at may malaking ngiti sa labi.
Malaki rin ang ngiti ko habang tinitingnan ang bawat bahay at mga vendors na nadadaanan namin.
This...This is what I love the most about my life. I am free... I get to see what I want to see...I get to do what I want to do... Say what I want to say. No one's stopping me.
Literally, No one can stop me...Haha...
"Manong!! Para!!" Natatawa kong sabi habang sinisilip si Manong sa Driver's seat nang makarating kami sa malaking Palengke ng Davao City.
Yeahhh....Haha...Here....I...Go..!!! Wohooo...
Mabilis akong tumalon mula sa bubong ng Jeep. Ganoon din si Aron na agad na sumunod sa akin.
"Salamat Manong!" Sigaw ko ulit kay manong habang kumakaway dahil papaalis na ulis ang Jeep.
Natatawa kong Nilingon si Aron na agad ring lumingon sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay na tinawanan lang niya.
"Lika na sa loob" Sabi ni Aron at nagsimula nang tumakbo papasok sa loob ng palenke.
Tumatawa akong agad na sumunod sa kanya.
"Magandang umaga Aling Nita!" Sigaw ko habang kumakaway at patuloy parin sa pagtakbo nang madaanan ko si Aling Nita na nagbabalat ng manggang hilaw.
"Magandang umaga din sayo, Max!" Natatawang kumaway si Aling Nita Pabalik.
"Mama!" Huminto kami ni Aron sa harap ng isang stall sa loob ng palengke na pag-aari ng mga magulang ni Aron.
Nagbebenta sila ng mga gulay at kung ano pa sa palengke.
"Oh, Aron, Max. Napadalaw kayo." Salubong sa amin ng Ina ni Aron.
"Magandang umaga, Tita." Nagmano muna ako kay Tita bago pumasok sa loob ng maliit na stall.
YOU ARE READING
Undeniably Painful
Romance"Once, I have everything....but then oneday...I was left...with...nothing."