I

74 6 3
                                    

It was only 4:00 pm when I decided to get drunk. I am so fuck up right now. I am a mess and I feel so worthless.

Ganito pala kasakit maiwan? Tangina!

Kinuha ko ang pang apat na bote ng beer na nabuksan ko. Oo, naka apat na ako. Akala ko nga kapag nakarami na ako mamamanhid na ako, pero bakit masakit parin?

Mag isa lang akong umiinom ngayon, at dito lang din naman ako sa bahay umiinom.

Umiikot na ang paligid ko, pero hindi parin ako tumitigil. Tumatagay parin ako dahil alam ko, makakatulong to para mawala ang sakit na nararamdaman ko kahit saglit lang.

"Alam ko naman na masakit maiwan, pero hindi ako aware na ganito pala kasakit yon? HAHAHA" Kausap ko sa mga beer na nakatumba na sa lamesa.

Para na akong tanga dito. Tumatawa habang umiiyak dahil sa katangahang ginagawa ko.

"Two years! Two years mo akong ginawang tanga! TanginAAA!" Umiiyak na talaga ako ngayon.

Hindi ko na kaya, ang sakit sakit parin kasi talaga eh.

Flashback

Joshua Bermudez. Active now

8:00 AM

"I'm sorry Mika, pero ayaw ko na. Tigilan na natin to."

"Ano bang pinagsasabi mo dyan, babe?"

"Pagod na ako Mika, maghiwalay na tayo."

"Pagod ka na? Ako pagod na rin ako pero hindi ko naisip na hiwalayan ka!"

"Pagod ka nga lang ba talaga o baka may iba ka na?"

"Akala ko ba Mahal mo ako? Ang babaw naman pala ng pagmamahal mo sa akin!"

"Oh baka hindi mo naman talaga ako minahal?"

"Sorry, Mika."

"Baka hindi lang talaga ako ang tamang tao para sa'yo."

"Tangina naman eh! Ano ba kasing problema? Okay naman tayo kanina ah?!"

"Yong ex mo parin ba? Ha? Nagkaayos na ba kayo ulit kaya ayaw mo na sa akin?"

You can't reply to this conversation. Learn more.

"Tangina! Ako pa talaga yong binlock nya! Ang kapal ng mukhaaa!" Binlock ako ni Joshua sa messenger kaya kaagad kong tinignan ang Facebook account n'ya gamit ang dummy account ko.

At sana pala hindi ko na lang ginawa 'yon. Kaagad kong pinagsisihan ang ginawa kong pagsilip sa Facebook account n'ya.

Nakita ko lang naman kasi na naka-in a relationship na pala sila kaagad nung ex n'ya. Ang sakit lang, kasi two years na kami pero never s'yang nag tag ng relationship status sa akin sa social media.

Unti unting tumulo na yong mga luha ko, kasi unti unti na ring nah sisink in sa akin ang lahat.

Wala na talaga, wala na kami.

Wala na yong happiness ko.

Wala na yong taong mahal ko.

Akala ko noon sa akin na talaga s'ya. Akala makakalimutan na n'ya yong ex nya. Pero, shettt! Bakit parang ginamit n'ya lang ako?

Ano ako fallback? Panakip butas? Fuck! Kahit ako hindi ko na alam kung anong ililabel ko sa sarili ko.

Para akong tangang paikot ikot dito sa loob ng kwarto ko. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko.

Bakit ba ako nagpauto sa gagong yon? Kung alam ko lang na ganito lang pala ang mangyayari sa amin, sana pala hindi ko na lang sya pinapasok sa buhay ko!

Ang tanga ko! Bakit ko ba kasi sya pinayagang siraan ang buhay ko?

"Ano bang pagkukulang ko? Bakit hindi parin ako naging sapat?" Ito yong tinatanong ko ng paulit ulit sa sarili ko.

Pinapatay ako ng sarili kong pag iisip. Tama nga sila, overthinking can kill.

Tanghali na nung lumabas ako ng kwarto ko. Sumakay ako ng kotse at nagdrive papunta sa kung saan.

Magpapahangin muna ako, kailangan kong ikalma ang sarili ko.

Napansin ko na lang na hininto ko na pala ang sasakyan ko sa isang tabing dagat na hindi matao.

Kaagad akong bumaba para makalanghap ng sariwang hangin, feeling ko kasi nasusuffocate na ako.

Hinubad ko ang sapatos na suot ko bago naglakad sa buhanginan na naabot ng maliliit na alon.

Sobrang nakakakalma ang tunog ng hampas ng mga alon. Ang malagkit na ihip ng hangin. Ang init na nanggagaling sa sikat ng araw.

Ang ganda ng paligid, kulay asul na dagat at asul na kalangitan.

May mangilan-ngilan na taong naglalakad lakad din dito, may mga magjowa din na naghahabulan dito. Ang saya nilang tignan, pero ang sakit sa puso.

Kaagad akong tumalikod pagkakita ko sa kanila. Kahihiwalay lang natin pero nagsasaya ka na. Parang wala lang sa'yo ang lahat.

"Ganon ba ako ka walang halaga?"

Natawa ako ng mapakla sa sarili ko.

Akala ko mababawasan yong bigat na nararamdaman ko pag pumunta ako dito.

Akala ko magiging maayos na yong pakiramdam ko, pero TanginAAA! Pati ba naman dito makikita ko kayong dalawa? At ang saya n'yo na talaga? Parang wala kang nasaktan na iba?

Patakbo akong bumalik sa sasakyan ko dahil nag uunahan na sa pagbaksak ang mga luhang atat na atat kumawala sa aking mga mata.

Di ko na kaya, sobrang sakit na talaga.









Drunk CallTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon