Part 1

9 3 0
                                    

Habang papasok na sana ako ng gate nang school, ng biglang may bumusinang kotse, at nakapagpabalik sa reyalidad ko na nasa gitna na pala akong naglalakad, nakatulala sa kawalan.

Dali dali akong umisod ng kaunti at bilang pag-sorry, nagbow ako ng paulit-ulit hanggang sa mangalay ang batok ko  niyang ibinaba Ang bintana at isang lalaki Ang  dumungaw, nakasalamin na black, sumblero na black at face mask black. Ngunit hindi ko na ito pinansin at nagtuloy tuloy sa paglalakad.

Ngunit patuloy parin siyang nakasunod sakin. Kaya't tumigil ako at nakita kong tumigil din siya.

Ano bang kailangan ng hinayupak na ito. Tumabi na nga ako sa daan.

Naramdaman kong lumingon, siya kaya't agad din ko ding nilingunan.

"Okay sorry" sinabi ko na parang nauubusan na ng pasensiya at sinenyasan ko siyang umalis na. Ngumnit nginitian lang ako nito ng may bahid ng yabang. At Agad din siyang nagpaharurot sa harapan ko. Hmmmpp, napakayabang akala mo Kung sino, sayang dapat pala pinagsisipa ko na yung kotse nang matauhan sa kayabangan.

Napabuntong hininga na lamang ako at nag tuloy na papasok sa classroom. Naabutan kong wala pa ang aming guro. Kayat nagtuloy agad ako. Habang, nakaupo di parin mawala sa utak ko ang mayabang na lalaki na Yun, maya maya pa ay naisipan ko munang matulog dahil wala pa naman prof namin. Nagising na lang ako sa narinig kong napaka lakas na pito agad akong nag-angat ng tingin. "Ano Ms. Vidal napasarap ba ang daydream at nakalimutan mong may klase tayo" pamamahiyang wika ng guro ko. "sorry ma'am hindi na po mauulit" pilit na pagpapaunmanhing sabi ko. Lumingon ako dahil narinig ko Ang mga nag-iimpitang tawa ng mga kaklase ko.

Tumunog na ang bell at agad na nag paalam ang boring kong professor. Kinuha ko ang bag ko at agad na nagtungo sa canteen. Bumili ako nang paborito kong galunggong, tortang talong at sinangag. Habang nasa kalagitnaan na ako ng kasarapan sa pagkain, biglang may umupo sa harapan ko at nakangisi pa ang itsura. "Babe nagsosolo ka hindi mo man lang ako hinintay?" nakapout niyang sabi. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy pa rin ako sa pagkain. Ngunit sa huling subo ko'y inagaw niya ang kutsara agad na isinubo sa malaki niyang bunganga. Agad na nag init ang ulo ko "ano ba! Lumayas ka nga sa harapan ko baka hindi Kita matansiya tumalsik ka sa kinauupuan mo!" kantyaw ko sa kanya. "babe easy ka lang bat ba ang init nang ulo mo, ang lamig lamig ng panahon eii" pagmamakaawa niyang sabi.

Sa halip na, marinig ko pa Ang mga putak niya. Agad kong Kinuha ang bag ko at dali daling umalis sa harapan ng impaktong yun. Hindi ko kayang tagalan ang pagmumukang iyon lalo't may dalaw ako ngayon. Gawd! nakakairita. Habang tuloy tuloy ako sa paglalakad biglang may humigit sa braso ko. "ano na naman ba!" irita kong sabi dahil eto na naman siya sa pangungulit ayaw na ayaw ko talaga siyang ganyan. "babe, sorry na hindi ko sinasadya na businahan ka sa daan alam kong puyat ka, at naiirita ka kapag ganun, gusto lang Kitang asarin. Alam kong may dalaw karin Kaya sorry na" pagpapaumanhin niya. Agad niya akong hinila papuntang comfort room. "ano na naman ba?" galit kong tanong. "may tagos ka babe magpalit ka eto oh napkin, nakita ko pagtalikod mo kanina Kaya bumili agad ako sa canteen bilisan mo jan malapit na next subject mo" paliwanag niya. "Tnx, pwede kanang umalis" saad ko. Nakarinig ako ng yabag palabas at agad din akong natapos. Sa pagmamadali ko pala kanina nalimutan kong mag dala ng extra.

Hayssttt kabwiset na araw!!

Bumalik na ako sa classroom. Matapos ang maghapong klase. Dumaretso na ako pauwe dahil wala naman akong pupuntahan dahil naninibago pa ako sa lugar. Pagbukas ko sa pinto agad na bumungad sakin sila mommy at daddy na kausap sila Mrs. Vidal. Ngunit nag daretso lang ako patungong hagdan "magpapahinga na po ako excuse me" nakatalikod kong sabi at nag daretso na sa kwarto. Pagkasara ko nang pinto. Agad na nag silabasan ang mga luha ko.

Bigla ko inalala ang lahat kung bakit ganito na lang ako kung masaktan.

13 taon gulang ako at nasa Grade 7 nang panahon na iyon. Gumagawa ako ng homework, nang marinig ko sila mommy at daddy na nagtatalo. "Gab naman masyado pang bata ang anak mo para sa ganyan" galit na tugon ni mommy.
"wala na akong magagawa dahil malulugi na ang kumpanya natin sa ayaw at sa gusto mo ipapakasal natin siya" galit na saad ni daddy. Dahil sa narinig kong yun, agad akong lumabas nang pinto at humagulgol sa harapan Nila. Agad akong inalo ni mommy "wala ka ba talagang konsensiya Gab plsss naman napakabata pa ni Ysha" umiiyak na tugon ni mommy.

Agad na lumapit sakin si daddy. Hinawakan niya ako sa ulo habang nakayakap parin ako Kay mommy "anak, Im sorry ginawa ni daddy ang Lahat pero wala ng paraan, para din naman sayo ito, para sa future mo" tugon ni daddy.

Masyado pang bata ang isip ko para makaintindi nang ganyan, dahil sa mga palabas lang ako nakakakita ng ganon eksena. Hindi ko Alam na nag-eexist din pala siya in reality at sa buhay ko pa talaga kaya labis labis ang galit ko sa kanila nang ipagkasundo nila ako sa anak ng friend ni daddy. At Naging kasosyo niya na sa kumpanya at patuloy na lumalago dahil sa akin. Hindi ko Alam kong mapapatawad ko pa sila dahil tuwing kaharap ko sila naaalala ko lang Kung paanong iniwan nila ako sa hindi ko kilala. Parang ipinagtabuyan na walang kwenta anak.

Habang patuloy parin ako sa pagiyak. Narinig ko ang yabag ng isang papasok. Agad na pinunasan ko ang aking luha. "You want hug?" Tanong niya. Agad akong umiling at dumiretso sa shower room upang mahulasan sa pagdradrama ko kanina. Habang patuloy na pumapatak ang tubig mula sa aking katawan, sinasabayan Naman siya ng aking luha.

"Ysha, this is Sebastian my son and Sebastian this is Ysha your bride" tugon ng daddy ni Sebastian.

Myself With A Stranger Where stories live. Discover now