Part 2

7 0 0
                                    

Kakatapos ko lang mag shower. Nagsuot agad ako ng pajama at sando agad akong nahiga sa kama even my hair is still wet. I want to rest. I want to sleep without bothering. Agad akong pumikit upang maiwasan ko na ang pag-iisip sa kung anu-ano.

Ngunit sampung segundo pa lamang akong nakapikit ay nakarinig agad ako ng pagbukas ng pinto, Alam kong siya Yun kaya't nagpanggap akong tulog.

"Hey, are you still awake? You're not eating yet. I'm so sorry for what happened earlier, my mom invited them for our anniversary" pagkatapos niyang sabihin yun ay narinig ko siyang bumuntong hininga.

"And you have period right, bakit ka naligo? Diba masama yan?" dagdag niya pa.

Hindi ako sumagot dahil naiirita lang ako sa pinagsasabi niya. Narinig ko na siyang papalapit at agad na humiga sa tabi ko.

"Alam mo bang, nagmamakaawa ang mommy mo kanina dahil gustong gusto ka na daw niyang makausap pero sinabi ko na pagod ka dahil maraming kang ginawang project. " paliwanag niya.

Nararamdaman niya sigurong gising pa ako kaya't patuloy parin siyang nagkukuwento. Hindi pa rin ako sumagot dahil ayoko na talagang mag-usap. Ngunit itong kumag na itoy patuloy parin sa pagsasalita. Kaya't bumangon ako at napaupo sa kama. Agad na napatingin siya sa akin.

"Please, tigilan mo na ang pagkwekwento about sa kanila naririndi na ako at sa Kung ano ano pa, kung ayaw mo pang matulog lumabas ka na lang" galit kong sabi at bumalik sa pagkakahiga.

"I'm sorry, gusto lang sana kitang kausapin pero ok, goodnight babe sana bukas ayos kana" malungkot niyang tugon. Narinig kong nahiga na rin siya at pinatay ang lamp na katabi niya.

Agad na nakaramdam ako ng lungkot habang nakapikit dahil inalala ko simula nang nagsama kami ay wala man lang kaming masasayang moment dahil laging mainit ang ulo ko tuwing nakikita ko siya, ayokong mapalapit sa kanya dahil hindi niya ako deserving, nahihiya ako sa ginagawa ng pamilya ko sa kanila at higit sa lahat hindi siya ang lalaking nakikita kong magkakaroon ako ng masayang pamilya. Agad na napaluha ulit ako dahil gulong gulong na ako.

Sa tagal na naming nagsasama ngunit ni isa ay walang nakakaalam na mag-asawa kami kundi ang pamilya lang namin. Kapag nasa school, kami ang laging usapan dahil sa lagi daw kaming magkasama yung iba sinasabing mag kapatid kami dahil parehas kami ng surname, Yung iba naman sinasabing baka mag-asawa or what. Basta wala akong pakialam. Kaya't lagi ko siyang iniiwasan at nilalayuan dahil ayokong magkaissue siya sa akin lalo't siya ang may-ari ng school na iisa naming pinapasukan.

Sa patuloy ko pa ring pag-iisip ay nakatulugan kona habang may luha pa rin sa aking mga mata.

Nagising ako sa tama ng araw sa aking mukha. Parang kumikirot ang aking perlas at ulo. Tumingin ako sa gilid at wala na siya baka nag ayos na para pumasok kaya't tumingin agad ako sa orasan at quarter to 7 na. Kaya't dali dali akong bumangon para mag prepare.
Para pumasok.

Bubuksan ko na sana ang pinto ng cr ngunit narinig ko ang pag bukas kaya't napatigil ako.
Nandito pa siya? Agad siyang lumabas na nakatapis nang tuwalya at tulo tulo pa ang buhok. Napatitig ako sa kanya alam ko nang gwapo siya ngunit ngayon ko lang siya Mas natitigan dahil sa tagal na naming nagsasama hindi ko pa siya nakikitang ganyan. Ano ba yan baka sabihin pinagnanasahan ko siya. Agad na nabalik ako sa katotohanan nang siya ay magsalita.

"Ayos kana ba? tanong niya."Sa-saan?" utal kong tanong. Bat ba ako nauutal putek. Angel umayos ka. "For what happened yesterday?" tanong niya uli. Kaya't agad na nagkaroon ako ng kaba at tumingin sa aking sarili. Goshhh, hindi kaya....

Kinuha, ko ang unan at agad na pinaghahampas sa kanya. "Aray ko, ano ba Aray! Ahh! Ano ba" sigaw niya. "Walang hiya, ka pinagsamantalahan mo ako" galit kong sabi at patuloy sa paghampas sa kanya. "A-anong pinagsasabi mo? Aray! kinakamusta Kita kong maayos kana about sa parents mo? Aray ko!" paliwanag niya.

Natigil ako at agad na hinagis ang unan sa kanya. Na tawang tawang pa dahil sa pagkapahiya ko. Nagtungo agad ako sa banyo. Bwiset, bakit ko ba naiisip Yun. Kadiri!

Narinig ko siyang kumatok. Kaya't nilock ko nang maigi. May dalaw nga pala ako Kaya sumasakit. Naman, bat ngayon ko lang naisip yun.

"Babe, sorry hindi ko Alam na iba na pala iniisip mo sa sinabi ko. By the way, bilisan mo aalis tayo at Happy 3rd Anniversary narin" tawa-tawa niyang sabi.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 08, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Myself With A Stranger Where stories live. Discover now