Hindi naman ako masamang tao ah. Pero bakit maraming may ayaw saakin? Bakit lahat nalang ng taong dinadaanan ko dito sa school lahat nakatingin saakin na para bang nandidiri? Normal naman akong tao. Katulad nila, may puso rin akong nasasaktan. Pero sanay na ako.
Mula kinder hanggang grade one, lahat ng mga classmates ko iniiwasan ako. Hindi ko alam kung bakit. Wala naman akong sakit. Ewan ko sakanila. Hanggang ngayon na nakatuntong na akong 4thyear high school, ganun pa rin ang tingin ng lahat saakin.
"Ampangit nga talaga niya. Lalo na yong buhok niyang nakalugay sa mukha niya. Haayy.. kawawang nilalang. Umalis na nga tayo rito. Mahawaan pa tayo ey." Ang sabi ni Lara sa mga kasamaha niya.
Siya si Lara Wilson, ang pinakamaganda at pinakakontrabida sa buhay ko. Ewan ko sakanya kung bakit masyado siyang kontra saakin. Wala naman akong alam na ginawang masama sakanya.
[TO BE CONTINUED, I HOPE MAY MAGBASA KAHIT 5 READERS LANG]
BINABASA MO ANG
Love at the Window (Short story)
Teen FictionPaano nga ba ang mainlove? Paano ko nga ba sasabihin sakanya ang tunay kong nararamdaman? Paano ko nga ba siya inibig? Paano ba kami nagmahalan? at.... higit sa lahat... Paano nga ba kami magpapaalam sa isa't isa? Kakalimutan na lang ba ang lahat? ...