LAUREN
"Who'll fetch me today?" tanong ko sa kanila habang nakatingin sa salamin at nagsusuklay.
"I'll fetch you." dinig kong sabi ni Jordan. Tumingin ako sa tablet at napailing na lang ng makitang wala pa sa ulirat sila Adrian at Kenji.
"Okay. Adios!"
Ini-off ko na ang video call namin at nagpatuloy na sa ginagawa. Knowing Jordan, he hate waiting.
Those three guys are my childhood bestfriends. Jordan, Kenji, Adrian and I are inseparable. Mabuti nga at hindi kami sabay sabay na ipinanganak eh. Jordan is two years older than me, while Adrian and Kenji are both seven months younger than me. Our parents are bestfriends since their high school days kaya naman kapag may mga gatherings ay kami palagi ang magkakasama.
Pagbaba ko sa aming sala ay nandoon na si Jordan. Agad siyang tumayo noong makita ako.
"You're two minutes late." sabi niya na ikinairap ko na lang.
"Let's go na." sabi ko at nauna ng lumabas ng bahay.
Napataas ang aking kilay ng makita ang bagong sasakyan niya.
"It's new again? Kabibili mo lang last week, right? Nasaan na yung old car mo?" tanong ko at sumakay na din noong buksan na niya ang pintuan ng kaniyang new ferrari car.
"Nasukahan ni Penelope kaya bumili ako ng bago."
Napatango na lang ako at hindi na din nagsalita pa. Knowing him, sobrang arte. Dinaig pa nga ako minsan eh. By the way, Penelope is his cat.
It's my first day as a college student kaya naman sobrang excited na ako. I heard maraming boys na gwapo sa college building ng school namin.
Jordan is already in his third year. He's taking engineering. Adrian's course is medicine, Kenji's course is culinary while mine is business administration.
Nang makarating sa parking lot ng school ay agad kong napansin ang tinginan sa amin ng mga estudyante. Paniguradong ginagawan na naman nila kami ng issue. Ever since ay palagi na lang napagkakamalan na boyfriend ko si Jordan. He's very sweet to me. Unlike, Adrian and Kenji na ang hilig akong asarin.
Humawak ako sa braso ni Jordan habang naglalakad papunta sa building ko para inggitin ang mga babaeng nagkakagusto sa kaniya.
By the way, ang school na ito ay pagmamay ari nila Jordan. May shares naman ang parents namin nila Adrian at Kenji pero ang mga Ramirez talaga ang may ari nito. More on hotels kasi ang business nila Daddy at Mommy. Sila Adrian naman ay hospitals samantalang sila Kenji ay restaurants.
"It's your first day as a college student. Umayos ka." napairap na lang ako sa sinabi ni Jordan. Yan na naman siya, umaaktong Kuya ko. Tinignan niya ako at sinamaan ng tingin. "I'm serious. Wag kang gumawa ng gulo."
"Fine Kuya." sarkastikong sagot ko at bumitaw na sa kaniya ng makarating sa aking building. "Bye!"
Naglakad na ako papunta sa aking classroom. Lahat ay napapatingin sa akin. Sanay naman na ako sa atensyong ibinibigay nila sa akin. I was born with it. Ganoon nga siguro kapag parte ka ng mayamang pamilya.
I don't have friends bukod doon sa tatlo. Sila lang talaga ang kaibigan ko dahil alam kong hindi nila habol ang kasikatan at kayamanan ko. Tinignan ko ang bawat estudyanteng nadadaanan ko. Gusto nilang mapalapit sa akin para makilala din sila, para mabahagian ng kung anong mayroon ko and I hate that.
Unti unting bumagal ang aking paghakbang ng may makitang bukod tanging estudyante na wala sa akin ang atensyon.
Who is he? Ngayon ko lang siya nakita sa school na ito. Is he a transferee?
Napaangat ang aking kilay ng sa wakas ay tumingin na siya sa aking gawi pero sa gulat ko ay tuluyan na akong napahinto sa paglalakad. Wow! Parang hangin lang ako na nilampasan niya. Didn't he know who I am? Bukod kina Jordan ay wala pa ni isang sumubok na sabayan ako sa paglalakad pero siya ay nagawa pa akong lampasan? Who does he think he is? Napabuga ako ng hangin at napairap na lang. May araw din siya sa akin.