Reign's POVNagising ako na maliwanag sa labas pero nakita ko si saimon at kuiro na tulog pa
Pero paano kami nag kasya dito? Hays bahala nalang
Kaya naman dahan dahan akong bumangon at nag lakad palabas ng kwarto
Nag kukusot ako ng mata ako ng may marinig akong kumakalampag sa hindi ko alm kung saan galing ang tunog
Saan galing yun? May ..may multo nakaya rito dahil sa dami ng napatay ni kuiro?
Anong meron ..
Hindi ako gumalaw o gumawa ng kung anong ingay para mas marinig kopa ang ingay
Dahan dahan akong lumingon sa pinang gagalingan ng tunog at pinag masdan kong maigi ang direksyon non
"Doon?"
Wala sa sariling nag lakad ako at oo hindi ako maaring mag kamali dahil nang gagaling yon sa laboratoryo ni saimon
May ginawa kaya syang halimaw don? Ano ba tlagang ginagawa ni saimon sa loob non?
'Reign! Kung gusto mo malaman tumuloy ka '
Wala sa sariling napa hawak ako pisnge ko dahil kung ano ano nanamang tumatakbo sa utak ko
Ano nanaman ba to? Nag o over think ako at oo kapag nag oover think ako may tendency na himatayin ako
Ewan koba kung saan ko namana yun pero hindi tlaga pwedeng mag overthink ako
Dahan dahan kong idinikit ang tenga ko sa pinto para mas marinig pa ang ingay
May kumakalangpag tlaga sa loob nito kaya naman nag dadalawang isip ako kung bubuksan koba ang pinto o hahayaan konalang
Pero pano kung kailangan ng tulong nung nasa loob?
Dahan dahan kong pinihit ang seradura ng pinto at humakbang papaloob non
Maliwag ang loob dahil may trauma ngapala si saimon sa dilim ,inilibot ko ang paningin ko
Tumigil ang ingay pero agad din akong napahawak sa dibdib ko dahil sa gulat dahil muling may kumalampag
"PALABASIN NYO NAKO! "
Babae?
Teka ?.. bkt may babae dito ? Anong ibig sabihin nito?
Sinundan kong muli ang ingay na nililikha ng pag kalampag ng babae at heto dinala ako ng mga paa ko sa isang pinto
Pintong nasa sahig
Pintong nasa sahig? ..teka i mean underground kelan pa nag ka underground dito?
"PALABASIN NYO NAKO! SAIMON KUIRO! "
Para akong tangang hindi maka galaw dahil sa sobrang pamilyar ng boses na naririnig ko
Kaya hindi nako nag dalawang isip pa na lumapit sa pinto at buksan yon
Agad na nginig ang mga tuhod ko ng masilayan ko ang babaeng nasa loob non ..
Sinampal ko ang sarili ko at ilang beses kumurap para malinawan ako dahil hindi ako nag kakamali
Si trisha .. si trisha ang nasa harapan ko agad na nubig ang mga mata ko dahil sa sobrang galak at gulat
Pano? Pano pero nakita ko syang namatay at nag ka gutay gutay sa harapan ko
"T-trisha .. ikaw batalaga yan? O n-nanaginip nanaman ako "
Mabilis pa sa alas kwatrong hinigit ko sya palabas ng pintong yon at niyakap ng sobrang higpit