Sa di kalayuang bayan ng San Madrigal, ay tahimik na naninirahan ang isang bayan kung saa'y ang pangunahing hanapbuhay ay ang pangingisda at pagsasaka. Kilala ang bayan na ito dahil sa magandang tanawin at malalawak na lupain.
Kilala ang pamilyang Rivera sa bayan na iyon. Marahil ay dahil abroad ang karamihan sa kanilang pamilya kung kaya't nakakaangat ang kanilang pamilya kahit papaano. Nakilala rin ang pamilyang ito dahil sa kwento ng kanilang buhay. Marahil ay dahil sa maliit lamang na bayan kung kaya't mabilis kumalat ang balita.
"Ke aga-aga ay sinisigawan na naman ni Theresa ang kanyang anak na si Shiela." kwento ni Aling Rowena, isa sa mga magsasakang babae isang araw.
"Nakakaawa naman ang batang iyon. Ni hindi na makuhang maglaro dahil sa nanay niyang ubod ng higpit." wika naman ni Aling Susan.
"Nako, kung ganiyan lang din naman pala ang turing nila sa bata ay sana hindi na nila ito inampon." sabat naman ng lalaking magsasaka na si Mang Ludio.
"Hay nako, Ludio! Si Nataniel lang naman kasi ang may gustong umampon sa bata kaya marahil ganiyan na lang kung ituring ni Theresa." anang Aling Susan.
"Nakakaawa naman pero ipagpasalamat na lang natin na may kumopkop sa batang iyan kaysa naman nagpalaboy laboy." kumento ni Mang Ludio.
Hindi lingid sa kaalaman ng buong baryo ang tungkol sa pagkataong iyon ni Shiela sapagkat dito mismo sa bayang ito siya natagpuang umaatungal sa gitna ng ulanan isang gabi.
FLASHBACK
"Nila! Nila! Diyos ko po! Nila!" sigaw ni Aling Rowena
"Rowena?! Ano bang isinisigaw mo diyan sa ganitong oras! Nakakabulabog ka! Natutulog na ang mga apo ko" anang Aling Nila.
"Nila! Kailangan si Nataniel doon sa may tulay! May iniwang bata roon at kailangang bigyan ng paunang lunas!" histerikal na sigaw ni Aling Rowena.
"Bakit hindi niyo dalhin na lamang sa ospital? Bakit anak ko agad ang ipinatatawag ninyo? May trabaho siya bukas at pagod siyang mag-alaga sa dalawa kong apo--!" natigil si Aling Nila sa pagsasalita.
"Alam nating lahat na malayo ang ospital dito Inay at may kamahalan din. Kung doon pa dadalhin ang bata ay sinong sasagot ng gastusin niya?" sabat ni Nataniel sa ina.
"Hindi mo na iyan obligasyon Nataniel. Nagtrabaho ako sa ibang bansa upang makapag-aral ka ng maayos at makapagtrabaho ng maayos! Hindi para sa ganito--!" natitigilan si Aling Nila nang halikan siya ng anak sa noo bilang paalam at walang ano-ano'y sumugod sa ulan.
Walang nagawa si Aling Nila at pailalim na lamang na tinanaw ang anak at ang kapitbahay na si Rowena na sumuong sa ulanan.
"May nakakita ho ba sainyo sa pagkakakilanlan ng nag-iwan ng sanggol na ito rito?" pormal na tanong ni Nataniel sa mga taong nagkukumpulan ngayon sa health center ng baranggay hall nila.
Wala na isang sumagot sakaniya at puros bulungan lamang ang kaniyang naririnig.
Hindi na siya muling nagtanong pa dahil mukhang planado ang pag-iwan sa sanggol kung ganoong walang nakakita maski na isa sa nangyari.
"Ngunit anong mangyayari sa batang iyan pagkatapos? Saan siya matutulog o titira? Walang nakakakilala sakanya sa atin." dinig niyang bulungan pa.
Napaisip si Nataniel at wala sa sariling nilingon ang sanggol. Napakagandang sanggol. Walang kamuwang-muwang na natutulog lamang na akala mo'y hindi umatungal ng pagkalakas lakas kanina lamang.
Napangiti siya sa naisip. Matagal nya ng pangarap ang magkaanak na babae, ngunit sa dalawang pagbubuntis ng kaniyang asawa ay hindi sila biniyayaan ng babaeng anak.
Wala sa sarili siyang napalingon muli sa batang bigla na lamang umatungal, marahil ay naingayan sa bulungan ng mga tao. At saka siya napangiti, si Daniel at Gabriel ang kaniyang mga anak, ay magkakaroon na ng panibagong kapatid.
END OF FLASHBACK
After 15 years.
"Shiela, ano ba't ang tagal mo! Sinabi ko na sayong huwag mo kong paghihintayin! Nasaan ka na!" sigaw ni Nanay sa akin isang umaga.
Nako! Napasarap ata ang tulog ko! Yari na naman ako nito!
"Nandiyan na po Nanay!" alisto kong sagot. "Good morning po hehe! Napasarap po ata ang tulog ko kaya hindi ko po namalayan ang oras hehe!" magiliw ko pang bati, umaasang baka magbago ang mood ni Nanay.
Hindi ko siya tunay na nanay. Napulot lang ako dati at itinira dito sa kanilang bahay. Wala naman akong issue doon. Laking pasasalamat ko pa nga dahil marahil ay nadeads na lang ako nung araw na iniwan ako ng tunay kong magulang.
"Nakauwi na ko't lahat galing sa bayan ay naabutan pa rin kitang nakahilata! Anong akala mo sa sarili mo prinsesa?! Alamin mo ang katayuan mo sa bahay na ito! Hindi na nga kita pinagbabayad sa mga ginagastos ng pamilya ko sayo! Bumawi ka man lang sa pagkilos dito sa bahay!" mukhang mainit talaga ang ulo ni Nanay Theresa.
"Opo, Nay. Pasensya na po. Hindi na po mauulit." nakanguso kong tugon. Nagpapacute baka sakaling effective.
"Lumuwas ka ng bayan upang bumili na ng mga gamit mo pang-eskwela! Tipirin mo na lamang ito dahil naubos ang budget para sa pangbili ng school supplies na ipinadala ng asawa ko!" abot niya sa 200 pesos.
Nalingunan ko ang kumpleto na marahil na gamit pang-eskwela ng dalawa kong kapatid. May kumurot na sakit sa aking dibdib at wala sa sariling ngumiti.
"Maraming salamat po Nanay. Kumusta na po pala si Itay? Namimiss ko na po siya." malungkot kong usal.
"Uuwi siya sa susunod na taon." tipid niyang sabi.
Hindi na magkamayaw ang panga at gilagid ko sa pagkakangiti ko. Na-excite bigla.
"Talaga po, Nay?! Hindi na po ako makapaghintay!" magiliw kong wika.
"Lumuwas ka na dahil marami pa akong iuutos sa iyo."
"Opo!" hindi panawan ng tuwa kong sabi.
Mabilis akong naligo at nag-ayos bago sumakay ng tricycle at dumiretso sa bayan upang mamili ng notebooks.
Labing-limang taong gulang na ako at papasok pa lamang sa first year college. Iskolar sa isang unibersidad at nagpasiyang kumuha ng Nursing bilang kurso. Idol ko kasi ang tatay kong Nurse sa ibang bansa. Noong una ay pinapagalitan pa ako ni Nanay dahil masiyadong magastos daw ang kursong napili ko. Hindi kako ako pwedeng kumuha niyon dahil katulad ko, ay nag-aaral din ng Engineering ang kapatid kong si Gabriel. Kasalukuyan siyang nasa third year kaya naman malaking gastos na talaga.
Ngunit hindi ako yung tipong susuko lamanh dahil sa pera. Kaya ay naghanap ako ng trabaho upang hindi na umasa pa ng gastusin sa aking pamilya. Nag-apply din ako ng scholarshio at sa awa ng Diyos ay natanggap. Hindi na pumalag si Nanay nang sabihin kong nakapasa ako sa scholarship at may nahanap na ring trabaho upang punan ang pangagailangan ko sa eskwela.
"Siguraduhin mo lamang na hindi mo ako bibigyan ng problema sa pera dahil diyan sa desisyon mo, lalo na ang ama mo!" sigaw ni Nanay. Salungat ang turing ni tatay sa akin. Suportado niya ako sa desisyon kong ito at siya lang talaga ang naniniwala sa kakayahan ko.

YOU ARE READING
When Love Moves
RomanceHow far can you go for love? Is it possible to give love when you can't even love yourself? For you, what is your purpose in life? Do you ever feel purposeless? What will you do if life and love hits you at the same time?