Chapter 3~courting~

223 84 22
                                    

Simula nang sinabi niya na manliligaw muna siya ay hindi na talaga siya tumigil sa pangungulit sa akin araw-araw. Ginagawa niya ang lahat hangga't hindi pa ako pumapayag na maging girlfriend niya ako. Pinagtitinginan na kami ng mga estudyanteng palabas ng campus. Aeolus wearing his private school uniform kaya nakatuon sa kanya ang mga mata ng mangilan-ngilang malalanding estudyante sa school na pinapasukan ko. Hindi naman ako nagtataka dahil sa edad kung ito ay alam ko na medyo angat nga siya sa ibang estudyanteng lalaki na naroon. My Aeolus is cool and handsome.

"I told you, huwag mo ko sunduin dito sa school." Naiinis na sabi ko sa kanya habang nasa gilid kami ng kalsada. That was Friday afternoon, ewan ko ba kung bakit laging may conference ang mga teacher tuwing hapon ng friday kaya wala na naman kaming pasok. Naiwan na naman ang apat kong kaibigan sa loob ng campus na nagkukwentuhan pa.

"Bakit? May maghahatid ba sayong iba?." Curious siya na may bahid na konteng selos.

"Not that! Baka makita ako ni Arieth magsusumbong iyon kila mama. Tsismosa pa naman iyon." Lilingon-lingon pa ako sa mga estudyanteng palabas.

"I saw her with her friends at nauna nang lumabas ng gate." He surely said. "Okay.. So saan naman tayo ngayon?." Ako.

"Ako na bahala doon baby. Tara sakay na tayo sa trike." Napatanga ako sa sinabi niya. Is he calling me baby?! Bago siya sumunod sa akin ay sinabi niya sa driver ng trysikel kung saan kami ihahatid at hindi ko iyon narinig. Maya-maya pa lumiko na ang trike sa isang makipot na daan at huminto sa tapat ng malaking brown na gate.

"Nasaan ba tayo?." Tanong ko nang umalis na ang trysikel.

"Anong nasaan? Bahay namin ito. Sabihin mo nakauwi na tayo."  Sabay kuha niya ng susi sa bulsa ng pantalon niya at pangiti-ngiti pa.

"Hindi ko matandaan eh. Lagi naman kase tayong sa treehouse nagkikita at nakapunta ako dito noong 7th birthday mo na sinama ako ni manang. Malay ko ba sainyo ito." Nakangusong sinabi ko.

"Teka! Bakit mo ko dinala dito? May occassion ba? Party?." Excited na sabi ko.

"Wala. Safe dito. May ipapakita ako sayo. Tara na pasok na." At tuloy-tuloy kami sa malaking bahay na iyon na masyadong maganda para akin. Tatlong palapag ang bahay nila na halos mahilo ako sa laki ng pumasok kami sa sala. Hindi ko na lang pinansin ang sinabi niya na safe dito. Bakit, may gagawin ba siya sa akin na hindi pwedi makita ng iba? Nakakatakot pero excited naman and I trust him.

"Wait lang ha, punta lang akong kusina. Upo ka muna dito sa sala." Nagmamadali si Aeolus na pumunta sa kusina ngunit nakasalubong niya ang may edad na babae na nakauniporme.

"Aeolus, nakauwi kana pala. Nakapagluto na ako ng lunch."  "Ah opo.. pwedi po ba sa rooftop na lang kami kakain? May kasama po ako si Aurry..." Nilingon ako ni Aeolus at nakita ko naman na nginitian ako ng may edad na babae.

"Siya na ba?" Makahulugang ngiti ang ipinukol sa akin ng babae. Ngiti lang din ang iginanti ni Aeolus sa kanya. "Oh siya sige..hahatid na lang namin ang lunch ninyo." Sang-ayon nito na may malaking ngiti sa labi.

"Salamat po." Pagkasabi noon ay lumapit na sa akin si Aeolus at hatak-hatak ang kamay ko na umakyat kami sa second floor ng bahay nila. Ilang kwarto ang nilagpasan namin bago siya huminto sa pinakadulong pinto.

"Pasok ka muna."  Nanatili ako sa may pintuan habang sinisilip ang kwarto niya. Nahihiya akong pumasok kaya nilingon niya ulet ako. Sobrang laki ng kwarto na iyon. Mas malaki pa iyon sa kwarto ko. Aquamarine blue ang kulay ng wall niya at may mga laruan na nakadisplay sa malaking shelves at ang kalahati ay mga libro naman ang nakalagay. Dark blue naman ang kama niya.

"Pasok na." Pinukaw ako ng boses ni Aeolus at tuloy-tuloy na akong pumasok hinayaan ko lang na bukas ang pinto. "Bakit parang walang ibang tao sa bahay ninyo?." Nagtataka ako dahil sobrang tahimik ng buong kabahayan.

"Ah wala sila mama nasa trabaho pa iyon. Always busy. Yung dalawang kapatid ko naman mamaya pang hapon ang uwi no'n." Paliwanag niya habang kumukuha ng damit at shorts sa kabinet niya.

"Ah ganoon ba."  Sabi ko naman habang paupo ako sa upuan na nasa tabi ng study table niya. "Wait lang ha. Magbibihis lang ako sa banyo. Huwag kang susunod ." 

"Asa ka naman!." Sigaw ko sa kanya at pinadilatan ko siya habang mabilis na pumasok sa loob ng banyo. Sabay naman na may dumungaw sa pintuan ng kwarto niya.

"Aurry. Pakisabi kay Aeolus okay na ang lunch sa taas." Sabi nung nakausap niya kanina. "Ay opo. Salamat po."

"Enjoy your lunch iha." Sabi ng babae at tumalikod na paalis. Pagkalabas ni Aeolus mula sa banyo ay sinabi ko na nga sa kanya na inihatid na ang lunch sa taas. Dumaan kami sa likod ng kwarto niya at may hagdaan pataas.  Namangha ako sa ganda ng rooftop nila ng maabot na namin ang huling hagdan. There's a tiny pool near the edge and has an artificial trees then a wooden bench under the tree at napapalibutan ng iba't-ibang klase ng bulaklak. There's a chrysanthemums , daffodil , babys-breath at roses. The foods waiting us in the oak table inside the small kubo.

"Whhoooaah! This is cool Aeo..!"Hinawakan niya ang kamay ko ngunit bumitaw ako at tumakbo palapit sa punong kahoy na malapit sa pool. Sobrang ganda ng paligid at punong kahoy lang ang nakikita ko na nakapalibot sa mansion nila. It's refreshing. Okay, it's because I love nature.

"Lunch muna tayo." Lumingon ako sa kanya na nakasandig sa pintuan ng bahay-kubo. "Ito yung ipapakita mo sa'kin? huh? Bakit ngayon mo lang ako niyaya dito. Ang ganda dito.."

"Because I had reason kung bakit ngayon lang kita dinala dito."

"What is it ba? Tell me na.!." Pangungulit ko. "Later. Eat first." At sinunod ko naman ang sinabi niya sabay na kaming kumain at hindi namin maubos-ubos ang inihain na mga pagkain. Pagkatapos naming maglunch ay niyaya ako ni Aeolus na maupo sa bench sa ilalim ng puno.

"So, nagustuhan mo dito?." Tanong ni Aeolus. "Obvious ba? I love it.!"

"How about me? Do you love me?." Pumipiyok pang tanong ni Aeolus na ikinalingon ko naman kaya nahuli niya ang mata ko.

"W-what? Nagugulat naman ako sayo.!." Inirapan ko siya dahil akala ko nagbibiro siya pero hindi nagbago ang expression ng mukha niya. "Hey.. seryuso mo."  Inilayo ko ang tingin ko sa kanya pero biglang tumahip ang dibdib ko at feeling ko natutunaw ako dahil ramdam ko pa rin na nakatitig siya sa akin.

"Aurry?." He called me in softly tone. "Ohhh?." I answered yet I couldn't turn my head.

"I can't take this anymore." Sabi niya.
"Nang ano?." I innocently say.

"Be my girl.."  Nang-iinit ang mukha ko na para akong nakabilad sa araw at ramdam ko ang pagblush ng dalawang pisngi ko.

"I told you I'm a girl." I answered joke to calm my self. "I like you. I love you. Be my girlfriend.". Ilang segundo rin akong hindi umimik then..

"Uhmm--uhhh Yes. I will."  I slowly turn my head towards him to see his reaction pero nagulat ako ng bigla niya akong dampihan ng halik. It's a soft kiss at mas lalong ikinamula ng pisngi ko. Kaya napatingala na lang ako sa puno para hindi niya makita ang mukha ko. But he suddenly put his hand on my shoulder then hug me tight.

"I'll waited this moment to come baby. I wanted to hug you ever since. I promise to be a good boyfriend." He whispered at kinilig ako sa 'baby' na sinabi niya.

Z

My Lost Romance CS2 ( Self-Published Under F&L MediaHub)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon