"Good morning everyone my name is Maria stella Velasquez"
Firstday of class ngayon at sobrang thankful ako sa teacher nato kasi pangalan mo lang sasabihin mo. Introduce your self kasi ang ginagawa namin ngayon at naiintindihan daw nya kung mahiyain ang karamihan.
Hulog ka ng may kapal sir!
"Hello everyone im Aliyah mae Marqueta"
"Hi im James Reyes"
"Nhicolas Santos but you guys can call me Nicole"
Omg this is gonna be my exciting school year!! May classmate akong gaylaluh at dinako mag dadalawang isip kaibiganin to!
Tulad ko ay nag pakilala nadin ang iba kong mga kaklase. Parehas kaming gr 9 ni ali at mag kaklase din kami. Di yata talaga kami mapag hiwalay nitong pinsan ko.
"Okay mga anak salamat sa inyong kooperasyon. Ngayon ako naman ang mag papakilala ako ay si Ginoong Juan Agustin. Ako ay inyong guro sa filipino at ako din ang inyong class adviser"
Sabay sabay kaming tumayo at binati ng magandang umaga si sir Agustin. Hindi ito kaputian pero hindi mo din pwedeng itanggi ang humihiyaw na kagwapuhan ni sir. Isama mo pa yung pagiging makata at makisig na tindig nito.
"Muli salamat sa inyo mga anak. Ako ay may isang patakaran lamang kapag ako ay nag simula na ng aking klase"
Habang nag sasalita nag lalakad lakad si sir Agustin. Tila inoobserbahan nya ang bawat kilos at kinakabisado nya ang muka ng kanyang mga istudyante.
"Ayon ay "KUNG AYAW MONG MAKINIG, MAARI KA NANG LUMABAS" wala sa bokabolaryo ko ang pumilit ng istudyanteng hindi naman interesado matuto. Kayo ay dapat ganon din! Wag nyong ugaliin ang mag habol sa taong hindi naman kayo gusto"
Ay may pa ganon? Hugotero?
Nag simula na ng klase si sir agustin. Walang palitan ng mga teachers ngayon kasi unang araw naman daw ng pasukan.
Madaming binilin si sir samin. Andyan ang sa susunod na linggo mag bobotohan na para sa mga roomofficers, groupings para sa mga cleaners, sitting arrangement at maging ang mga bayaran para mas mapaganda itong silid aralan.
Natapos ang unang araw ng pasukan namin ni ali bilang gr 9 student ng masaya at masasabi kong swerte dahil habang nag lalakad kami pauwi ay may napulot kaming 1000 pesos.
Hindi naman masyadong malayo itong school namin ni ali sa bahay, kaya mas pinili naming mag lakad nalang.
Nag katinginan kami ni ali. "Pag sinuswerte ka naman talaga oh"
"Hating mag pinsan" sagot ko.
"60/40"
"Haaaaaa! Anong 60/40? Ang duga mo!!" pakikipagtalo ko.
Kahit Kelan talaga to!
"Sino unang nakakita?"
"Ali... Mula bata hanggang ngayon lagi naman na tayo mag kasama. Sa pag ligo,pag tulog, pag kain, pag pasok, pag uwi at kahit san pa. Lagi natin sabay na sinusulusyunan ang isang problema lagi tayong naka agapay para sa isat is-"
"Tsh! No more dramas niloloko lang kita no. Ikaw naman kagat na kagat ka"
Nag hanap kami ng tindahan na pwedeng pag baryahan nitong isang libo. Na eexcite ako kanina kopa iniisip kung anong klaseng pag kain o kung anong pwedeng gawin ko dito.
"Oh ali 500 sayo at sakin den"
"Anong bibilin mo dyan?" nakucurious na tanong nya.
YOU ARE READING
ONLY WISH
Teen FictionMaria stella velasquez isang babaeng ni minsan hindi sinubukan humiling. Para sa kanya kung gusto mong matupad ang ninanais mo di mo na kailangan hilingin pa ito. Bakit kailangan pang hilingin kung kaya mo naman sa sarili mong matupad at maabot mo t...