Chapter:10 Getting Closer

12 10 0
                                    

Savien Lhocy Roosevelt 's POV

Wednesday.....


Nagising ako dahil sa init ng likod ko mula sa pagkakahiga. Umupo ako at tumingin sa bintana. Maaraw na at may klase pa ako mamayang alas-nwebe. Pagkatayo ko ay nag hikab muna ako saglit bago nag lakad palapit sa pinto ng balkonahe at lumabas. Humawak ako sa railings at tinanaw ang buong paligid.


Maaliwalas at magaan ang bawat dampi ng hangin sa balat ko. Pero hindi nun mapapawi ang katotohanang, dumaan muna ang gabi bago mag-umaga. Dumaan muna ang dilim bago mo masilayan muli ng malinaw ang mundo.


Tumalikod na ulit ako pa bumalik sa loob at isinara ang pinto. Lumapit ako sa walk in closet at binuksan yun. Sa kabila ay puro uniform ko habang ang nasa kabila naman ay ilang black at Maroon na dress maging white daster na pantulog na hanggang tuhod.

Kinuha ko ang mga dapat kong isuot. Inilagay ko yun lahat sa kama at nag tungo na sa banyo para maligo. Ilang minuto pa ang lumipas at natapos na rin akong maligo at inayos ko na ang sarili ko para pumasok.

••••♤️♤️♤️•••

Andito na ako sa Room namin. Kung hindi ako nagkakamali sa alaalang nahukay ko pa sa pinakailalim ng aking memorya ay ngayon araw susubukin ang aming mga mahika sa katawan. Tahimik ang lahat dahil nag papaliwanag si Matt.

“So class? Are you all ready? Kakaibang araw ang araw na ito. Hindi basta-basta ang makakalaban nyo? Kung gaano kayo kalakas, ganun din ito.” nag lalakad pa sya pabalik-balik sa unahan. “Huwag kayong mag pa easy-easy lang dahil kung paano kayo mag isip ay ganun din sila.” dag-dag pa niya.

“Is that our clones, sir?” tanong nang isa kong kaklaseng babae.

“Not really. So, shall we start?” tanong ni sir at nag palak-pakan naman ang lahat ng babae at ibang lalaki samantalang ang mga sumalo ng lahat ng kasiglahang ibinuhos sa sanlibutan ay sumigaw at sumipol. Naka ngiti lang ako na umilag sa pag-ulan ng kasiglahan na iyon.

“Okay. Get ready class.” pag kasabi niya nun ay nag mamadaling sumandal ang lahat sa upuan.

Pumikit sila at inamoy mapayapang natutulog at di na nagbabalak bumalik sa mundong ibabaw. Dahan-dahan kong ginawa ang ginawa nila. Ginaya ko ang ginawa nila at pumikit... at nginunguyaanggumsabibig.

Kadiliman. Puno ng kadiliman ang paligid. Walang kahit na ano ang makikita mo dito. Pero meron akong naririnig. Ang pag lapat ng chalk sa blackboard. Uminulat ko ang isa kong mata at sinilip ang gurong nasa unahan.

Nag susulat sya. ‘Emagination manifestation’. Yan siguro ang ginagawa namin---I mean ng iba ngayon. Nakaramdam ako ng pagkangaly sa leeg kaya naman nag iba ako ng pwesto.

Inilapat ang aking noo sa table at pumikit. Ang mga kamay ko ay hinayaan ko na lamang na naka baba. May bigla akong naalala. Isang lugar na gusto ko muling makita. Isang lugar na totoo ang lahat.

Ang lugar na ito ang nakasaksi sa ilang pangyayari ng buhay. Ilang mahahalagang pangyayari ng buhay ko. Ito ang secret keeper ko.

••••♤️♤️♤️•••

Natapos ang lahat ng nakakagutom at boring na oras pero still may hinihintay pa rin ako. Nag lalakad akong mag isa ngayon sa hallway ng second floor habang may nakapatong na bag ng yelo sa tuktok ng aking ulo kung nasaan ang aking bukol. Nakalagay ang isang braso sa likod habang nakahawak sa isa ko pang braso.

LIFELESS MISSION! [Under major editing With Missing Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon