Taehyung P.O.V
Ramdam ko yung sakit ng ulo ko pagka mulat ko ng mga mata ko. Sinubukan kong bumangon pero nakirot talaga
Kaya humiga muna ako at kinapa ang bulsa ko para kunin ang cellphone ko pero wala dun
Huli na nung narealize kong magkatabi pala kaming dalawa ng fiance ko. Tinitigan ko ang mukha nya,napaka ganda nya
"Sana balang araw matutunan mo rin akong mahalin,kase kung hindi mababaliw ako" bulong ko habangg hinahawi ang mga buhok sa mukha nya
"Alam mo ba na ikaw lang ang babaeng nagpatibok ng puso ko JENNIE"
"Mahal na mahal kita kahit sinusungitan moko" nakangiting dagdag ko tyaka hinalikan sya sa noo
Kahit masakit ang ulo ko pinilit kong bumangon para tingnan ang mga kasama ko sa bahay at para din maayos ko na mga damit ko. Mamaya na kami lilipat ni Jen sa condo na binigay ni mommy
Gusto nilang humiwalay na kami para daw magka apo na pero di pa ako mahal ng mapapangasawa ko
Tsk nakakatawa mga pwesto nila HAHAHA lasing na lasing
Pagpasok ko sa kwarto nakita ko si Jin at Jisoo na tulog at magka yakap may mga damit naman sila kaya di ako nabahala
Sa bawat hakbang na ginagawa ko walang ingay na naririnig dahil ayokong magising sila. Napaka sweet nila sana ganyan din kami ni mareng JENNIE
Natapos kong inayos ang mga gamit ko kaya pinunta ko na sa labas ang maleta ko.
Pagbaba ko tulog parin silang lahat kaya may kalokohan nanamang pumasok sa isip ko
Kumuha ako ng takip ng kaldero at umakyat sa lababo
[PLANGGG~ PLANGGG~]
{PLANGGGGGGG~]
"ANO BA TAEHYUNG!!!" inis na sabi nilang lahat pwera kay Jin at jisoo
"Ano ba ang inga—teka bat nandito ako sa ilalim ng hagdan?" Nagtatakang tanong ni Jungkook
"Ako bat ako andito sa pintuan?'"
"BAT ANDITO AKO SA LAMESA?"
reklamo nila si Jennie hindi pa nagising psh tulog mantika
"Asan si Jin at Jisoo?" Tanong naman ni Rose
"Nasa kwarto" diretsong tugon ko nakita ko namang nanlaki ang mga mata nila
"HUWATTT?" sabay na tanong ni Rose at lisa
"Don't worry may mga damit sila" pilit ngiting sagot ko naramdaman ko namang nakahinga sila ng maluwag
"Magluluto na ako" sabi ni RM tyaka tumayo sa pagkakahiga ako naman bumaba na at pumunta sa sofa para gisingin si Wifey
{PLANGGGGGGG~ PLANGGGGGG~PLANGG~]
"ANO BA V?!" galit na sigaw nya hehe nag peace sign naman ako.
"Goodmorning wife" nakangiting bati ko sa kanya
"Goodmorning too" bati nya. Lumapit naman ako sa kanya at inayos ang buhok nya.
F
A
S
T
F
O
R
W
A
R
D
"I can't believe this,hihiwalay ka na sa amin Jennie" naiiyak na sabi ni Jisoo
"SIRA magkikita pa tayo sa school tyaka dadalaw naman kami sa inyo e" sabi ni Jen
"Talagang dadalaw kayo di pwedeng si V lang makasama mo baka mag sawa ka nyan" maarteng sabi ni lisa tyaka hinawi ang mahabang buhok
"Btw ano nga pala relationship status nyo ngayon?" Tanong ni Rose
Ako sana ang sasagot kaso naunahan nanaman ako ng fiance ko
"In a relationship" nakangiting tugon nya kaya para akong mahihimatay sa kilig
"Before that,let's go na" maarteng sabi ni pusa ket kailan talaga panira!!
"Sa kotse ko kami sasakay ng baby ko" proud at mayabang kong sabi andun na kase ang mga maleta namin at didiretso kami sa condo mamaya
Sumang ayon naman sila at sumakay na sa Van. Pinagbuksan ko naman ng pinto si Jen at inalalayan sa pagpasok
Sumakay narin ako sa kotse at nag drive na. Ang saya ko ngayong araw na to tapos 2 days pa kaming walang pasok next day ibubuhos ko lahat ng time ko sa kanya
Nakarating na kami sa school kaya nag park na ako ng kotse at pinagbuksan at inalalayan ko ulit si Jennie
SILA NA BA?
BAGAY NAMAN
MAS BAGAY KAMI
GOSH GIRL WALA KA PA SA TALAMPAKAN NUNG TRANSFEREE
Iilan lang yan sa naririnig kong usapan pero wala akong pake.