Chapter 12: A Painful Home

10 8 0
                                    

"Zerileinn?"

Napalingon ako sa likod ko at dun ko nakita ang isang napakaamong mukha ng isang lalaki. May puting kasuotan at pakpak. Gaya ng mga banal na taong hindi nakiiihalubilo sa mga ordinaryong tao.

"Seraphiel." pagtawag ko ng pangalan nya.

"Masaya ako na nakita kitang muli ngunit, anong dahilan naman ng biglaang pagparito mo?" tanong niya sa akin ng siya ay makalapit. Gaya ng dati, naamoy ko pa rin sa kaniya ang simoy ng isang umaga. May lamig at halong init.

"Tulad ng dati. Gusto ko lamang itong bisitahin." sagot ko naman kahit may iba pa talaga akong dahilan.

"Matagal na rin mula nung huli tayong magkita. Bihira ka lang kasing magtungo rito. Nakikita naman kita sa lawa ngunit hanggang duon na lamang iyon. Mahirap makahanap ng paraan para sa komunikasyon."

"Pumupunta ako rito isang beses sa kada pitong araw. Baka nag kakasalisihan tayo, kaya hindi mo ako makita."

"Maaari. Sige na, Zerileinn. Baka nakukuha ko na ang iyong mahahalagang oras." ngumiti siya sa akin bago umalis.

"Sige." pagngiti ko rin at tumalikod na ako bago nag patuloy sa pag lalakad at umalis na sa lugar na iyon.

May ilang pinto akong nilampasan bago tumigil sa tapat ng isa. Wala itong susi at hindi na iyon kailangan. Tanging kamay ko lamang ang makakapagbukas nito dahil sa mahikang aking inilagay.

Pumasok ako at isinara ang pinto. Maaliwalas ang paligid mula sa puting sahig, puting pader at puting kisame. Ang pagiging buhay ng mga naninirahan dito ang nag bibigay liwanag sa bawat ng sulok ng lugar.

Kaya kahit walang ilaw sa hallway na ito ay maliwanag pa rin. Pumasok ako sa nasa dulong pinto. Sinalubong ako ng mga maliliit at nag liliwanag na animoy alitaptap sa kaliitan.

Mukha itong mini garden. May halaman sa paligid at maberde ang mga damo. Maliwanag sa lugar dahil sa kristal na nasa taas. Ito ang nag sisilbing araw.

Ngunit hindi lamang para masdan ang lugar na ito ang pinunta ko. Kundi ang bagay na nasa gitna. Isang napakalaking Sphere. Animo ay isang bahay sa laki. Lumapit akong konti rito at tinitigang mabuti. Walang pagbabago. May mga laman pa rin ito sa loob. Well, delikado kung mawawala sila riyan ng walang pahintulot ko o delikado.

Mukha silang mga apoy o bilog na imahe ng kaluluwa. Ngunit gasing laki sila ng puso o maliit pa rito. Tila naghihintay na makalaya sila. Hinawakan ko ang sphere at ipinikit ang mga mata saka muling dumilat.

"Napakaswerte nyo, dahil kayo ang kailangan ng lahat para mabuhay sa katotohanan. Kailangan kayo ng lahat. Pero... pasensya na. Kukuhanin ko muna sandali ang inyong kalayaan. Pinapangako ko, makakabalik rin kayo sa tunay nyong tahanan."



••••♤️♤️♤️•••

Nanatili pa ako sandali ruon at kalaunay umalis na rin. Lumabas na ako sa pintong yun at sumunod naman sa huling pinto. Kasasara ko pa lamang nito ng may tumawag sa'kin.

"Zerileinn." Lumingon ako at tulad ng kanina ay isang napakaamong mukha muli ang bumungad sa akin.

"Ikaw pala, Rhaziel." pag tawag ko sa kanya at nakita ko naman ang pagliwanag ng kanyang mukha.

LIFELESS MISSION! [Under major editing With Missing Chapters]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon