"Okay, Sir Montemayor, I am your lawyer here so you need to be honest on me. Kung talagang inosente ka ay kailangan mong magtiwala sa akin." mataman kong sabi sa aking kliyente.
Sa loob ng limang taon na pagiging abogado ko ay ang kliyente ko ngayon na si Sir Montemayor na ata ang pinakamayaman sa kanila. He's a tycoon billionaire here in the Philippines. Madami syang business na pinapatakbo that's why he's one of the richest people here in our country.
Nasa presinto ako ngayon para hingin ang statement niya. Napagbintangan siyang nangrape at pumatay sa kanyang tauhan na si Miss Samonte. I know that he's innocent and i'll do my best para maipanalo ko ang kasong ito.
"Wow andito ka na naman Atty. Salcedo ah. Balita ko bigtime client mo ngayon ah. Naks, iba talaga pag the best lawyer in Manila." puri sakin ni Chief Ruiz.
Madalas ako dito sa Metro Manila city jail dahil dito nakukulong ang mga kliyente ko kaya medyo kaclose ko na din ang ibang mga pulis dito pati na din si Chief Ruiz. Lahat ng kliyente ko ay ang mga alam ko na hindi kayang lumabag sa batas. Hindi ako tumatanggap ng kliyente na alam kong gumagawa ng masama at gusto lang makalaya. Pantay pantay ang tingin ko sa lahat ng aking nagiging kliyente, mahirap man ito o mayaman.
"Hay nako Chief. Syempre matagal ko na kayang pinangarap to." sagot ko sa kanya.
"Kaya hindi nagkaka-asawa eh, puro career kasi ang inaatupag. Hay nako, di na ako magtataka kung tatanda kang dalaga." biro sa akin ni chief Ruiz.
Natulala ako sa sinabi ni Chief sa akin. Hindi na uli ako sumubok magmahal simula nung iwan ako ng taong minahal ko noon. May asawa na kaya sya ngayon? Yan ang laging tanong ko sa aking isipan.
Siguro ay masaya na siya sa buhay nya ngayon kasama ang pamilya niya sa ibang bansa. Samantalang ako nandito sa Pilipinas, may maganda ngang trabaho, pero nag-iisa lang naman sa buhay. Wala nang nagmamahal sakin bukod sa mga pamilya't kaibigan ko.
Sana dumating ang araw na magkita uli tayo at masabi ko ang mga hinanakit ko sayo.