Chapter 01

0 0 0
                                    

Gigi's POV:

"Haaay, ang sariwa talaga ng hangin dito sa Cebu mga anak." sabi sa amin ni Papa.

"Oo nga Papa, mukang magiging payapa ang buhay natin dito ah." sagot ko sa kanya.

"Masarap talagang mamuhay dito sa Cebu mga anak. Minsan na kaming nanirahan ni Papa mo dito. Dito din kami nagkakilala ng papa niyo." kwento sa amin ni mama.

Bagong lipat kami dito sa Cebu. Sa Maynila kami dati nakatira ngunit lumayas kami sa mansyon ng aming Lolo.

Oo tama, marangya ang buhay na iniwan namin sa Maynila. Pero hindi naging maganda ang trato sa amin ng aming mga tita. Mga nakakatandang kapatid ni Papa. Nainggit sila kay Papa dahil sa kanya pinamana ni Lolo ang karamihang mga ari-arian nito sa Maynila. Hindi na natiis ni Papa na pati kaming mga anak niya ay dinadamay nina tita sa kanilang galit at inggit. Kaya napagdesisyunan ni Papa na dito na kami manirahan sa Cebu.

"Papa, ito na ba yung bahay natin? Ang liit naman pala. Mukang di tayo kasya diyan ah." reklamo ni George. Tatlo kaming magkakapatid. Ako ang panganay, si George ang pangalawa at si Gianna naman ang bunso.

"Nako George, wag kana magreklamo. At tsaka anong sinasabi mong maliit ang bahay natin. Nasanay ka lang talaga na sa mansyon nakatira kaya naliliitan ka dito. Ang laki kaya ng bahay natin. Diba Gianna? baling ko sa bunso kong kapatid.

"Opo nga ate. Ang arte mo naman kuya!" sagot naman ni Gianna.

"Hay nako mga anak, tamana muna ang daldalan at ayusin niyo na ang mga gamit nyo sa mga kwarto nyo." utos sa amin ni Mama

Inayos na namin ang aming mga gamit. Medyo dumidilim na kaya tinulungan ko na si Mama na magluto ng aming hapunan. Pagkatapos naming makaluto ni Mama ay sabay sabay na kaming kumain ng buong pamilya sa hapag.

"Tao po!"

"Nak, may kumakatok. Pagbuksan mo muna." utos sa akin ni Papa.

Agad akong tumayo at binuksan ang pinto. Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang ginang na siguro ay kaedad ni Mama. Bigla naman sumulpot mula sa likod niya ang binatang lalaki na parang kasing edad ko lang din.

"Magandang gabi sa inyo. Pasensya na s istorbo ha. Ako nga pala si Jennifer. Kapitbahay niyo nga pala ako. Dito lang sa kabila yung bahay namin. At ito nga pala ang anak ko na si Marco." pakilala niya sa amin.

"Hi po, ako po si Marco. Welcome sa Cebu."

"Hello sa inyong mag-ina. Ako nga pala si Gina, ito naman si Melvin asawa ko. At ito naman ang tatlo naming anak. Yan si Gigi yang nagbukas sa inyo ng pinto. Siya nga panganay ko. Ito naman si George at Gianna pangalawang anak at bunso namin. Halina kayo, sabayan nyo na kami sa hapunan namin." anyaya ni Mama sa kanila.

"Ay nako hindi na. Sumaglit lang talaga kami dito ng anak ko. Uuwi na din kasi maya-maya yung asawa ko eh. Baka hanapin kami." sambit ni Aling Jennifer.

"Ah ganon ba. Sige, salamat nga pala sa pagbisita niyong mag-ina sa amin." sabi naman ni Papa.

"Dalaw po ulit kayo sa susunod." sabi ko sa kanila bago sila umalis.

"Sige, sabi mo eh" masiglang sagot ni Marco sa akin.

Pagkatapos naming kumain ay hinugasan ko na ang aming pinagkainan at si George naman ang nagpupunas ng lamesa.

Pagkatapos nun ay dumiretso na kaming lahat sa aming salas. Alas siyete pa lang naman ng gabi kaya nanood muna kami ng paborito naming panoorin.

Habang nanonood kami ay parang may naririnig akong nagtatalo sa kabilang bahay.

"Ma, pakihinaan nyo nga po muna saglit yung volume ng tv." pakiusap ko kay Mama.

Pagkatapos hinaan ni Mama ang volume ng tv ay mas lalo naming  narinig ang nagsisigawan sa kabilang bahay.

"Ano ba naman yan Jennifer! Lagi na lang tayong walang ulam. Araw-araw na lang ganto! Wala ka talagang kwentang asawa!" sigaw nung lalaki sa kabila na mukang asawa ni ate Jennifer na kapitbahay namin.

"Pasensya kana mahal, kinuha mo kasi yung kinita namin ni Marco kanina sa palengke eh. Wala ka pa ding inaabot na pera sakin kaya hindi ako nakabili ng ulam natin. Hayaan mo bukas na bukas bibili agad ako." dinig kong sabi ni ate Jennifer.

"Wala akong pakialam. Bumili kana ngayon ng ulam dahil nagugutom na ako!"

"Tay! Mahiya naman kayo sa bgong kapitbahay natin! Lagi na lang kayong umuuwing lasing tapos nagrereklamo p akayong walang ulam! Eh kami nga ni Nanay ang nagpapakahirap magtinda sa palengke para may maipang-ulam tayo tapos ganyan pa kayo pag-uwi." pagsingit ni Marco sa usapan.

"Papa, sila ate Jennifer at Marco yun ah. Nakakaawa naman sila. Eh kung puntahan na po kaya natin." suhestiyon ko kay Papa.

"Sige mga anak, pupuntahan ko sila. Dito lang kayo ng mama at mga kapatid mo ha." bilin niya sa akin.

Inabot ng sampung minuto at di oa din nakakabalik si Papa. Nag-aalala na ako sa kanya. Alam kong nagbilin siya na dito lang kami sw bahay pero mukang dapat ko na syang sundan don.

~chinchin:)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 10, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

All i can do for youWhere stories live. Discover now