Simula

5 4 3
                                    

Shin Christoper Lobron

"So if you---"natigil sa pagsosolve si Mrs.Sania ng may kumatok sa pinto. Lumapit siya rito para buksan at makita kung sino yon.

"Yes?"Mrs. Sania

"Amm... Pinapatawag po si Shin ng principal" sagot ng estudyanteng kausap ni Mrs. Sania.


Hindi na ako nagulat ng mabanggit ang pangalan ko.Lagi akong pinapatawag ni Mrs. Principal dahil marami ang nag aalok sa akin ng scholarship dahil matalino ako.


Hindi ko tinatanggap dahil ayaw ni mama, ang dahilan niya kaya niya naman daw bayaran ang tuition fee dito.Hindi ko pinipilit sila mama dahil kapag sinabi nilang kaya nila kaya nila.


Napabuntong hininga ako ng tumingin sa akin si Mrs. Sania.Alam ko namang madalas ako ipatawag pero ngayon ay bigla akong kinabahan sa di ko malamang dahilan.


"Shin pwede ka ng lumabas,dalin mo na din ang gamit mo dahil malapit ng mag lunch break"sabi ni Mrs. Sania

"Ok Mrs. Thank you" sagot ko

Tulad ng sinabi ni Mrs. Sania kinuha ko ang gamit ko bago lumabas ng room at pumunta ng P.O.


Hindi pa rin nawawala ang kaba ko.Parang may mangyayaring ikabibigla ko talaga ngayong araw.Habang naglalakad ako sa hallway papuntang Office ay binabati ko ang mga teacher na nadadaanan ko.Ganito lagi ang eksena ko tuwing ipinapatawag ako.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ay bumuntong hininga muna ako bago kumatok.

"Pasok!" sigaw ni Mrs. Principal.Kaya naman pumasok na ako.

Pagkasara ko ng pinto ay naramdaman ko ulit ang kabang naramdaman ko kanina.Unang tumama ang paningin ko sa dalawang taong naka upo sa sofa sa bandang kanan ng table ni Mrs. Principal.Nakasuot sila ng business suit kaya sa palagay ko sila ang kameeting namin ngayon.

Nakangiti si Mrs. Principal nung pumasok ako.Pero hindi ko maiwasang hindi magtaka dahil iba ang ngiti nya ngayon sa ngiting ibinibigay niya sa akin tuwing may ganitong meeting. Lalo tuloy akong kinabahan.

"Upo ka"sabi niya na itunuro pa ang lugar kung saan dapat ako umupo.

Umupo ako tulad ng sabi niya at muling tumingin sa mga taong kaharap ko na ngayon.

"Pinatawag nyo daw po ako"sabi ko habang nakatingin na ngayon kay Mrs. Principal.

"Oo"sagot niya na nakangiti pa rin.

"Shin alam kong pinapatawag lang kita dito tuwing may mag ooffer sayo ng scholarship"dagdag niya.

"Opo pero alam nyo naman pong tinatanggihan ko lahat"sagot ko.

"Pero ngayon iba na" nakangiting sabi niya na tumingin pa sa dalawang kasama namin.


Nagtaka ako ng sabihin niya iyon.Eh bakit niya pa ako pinatawag kung ganun? Syaka hindi ko rin naman tatanggapin kung ano mang iaalok nila sa akin dahil ayos naman ako dito bakit kailangan ko pang lumipat diba? Maayos naman ang pakikitungo sa akin ng mga estudyante dito.Hindi nila ako binubully, tinuturuan ko pa nga yung mga estudyanteng hirap sa subject nila eh.

"Po?"tanong ko.

"Kailangan mong lumipat ng school"Paunang sabi nya.

"Pagsinabi kong kailangan ibig sabihin hindi ka pwedeng tumanggi o gumawa ng dahilan para hindi ka lumipat"Mrs. Principal

Nangunot ang noo ko dahil bakit hindi ako pwedeng tumanggi? At bakit kailangan? May nagawa ba akong hindi maganda? Pero wala akong maalala na gumawa ako ng kalokohan.Masyado na ba syang napeperwisyo dahil halos linggo linggo ay may nagpupunta dito para sa scholarship?.Kung ganun hindi ko naman sya masisisi dahil kahit ako ay ganun din ang nararamdaman.Pero hindi ko parin maiwasan ang magtaka dahil wala talaga akong ginawang kahit na anong kalokohan dahil baka mapagalitan ako ni papa.

Romisdel Academy (ON GOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon