JEALOUS

10 3 0
                                        


Nasa loob ako ng room habang kachat ko sya since wala namang teacher at malapit na kami umuwi, bigla ako kinausap ng kaklase ko.

"Hoy, kayo ni sean diba? Bakit nililigawan nya yung kaibigan ko sa may kabilang section?"

"Weh?" 

Hindi ko alam kung ano magiging reaksyon ko pero bago ako mainis tinanong ko sya kung totoo ba talaga

"Totoo ba?"

"'Di ba si sean 'yon? oh edi sya yung nanliligaw sa kaibigan ko" 

"Hindi ka nagsisinungaling?"

"Kakausapin ba kita kung hindi? tsaka hindi ako magsasayang ng oras para lang lokohin ka ano ba"

May point sya pero bakit?bakit sya magloloko? Hindi ko magets.

Isa lang nararamdaman ko, Naiinis ako.

Bago kami mag uwian I texted him muna kasi supposedly sabay kami uuwi.

["Uuwi na ako, galingan mo manligaw."]

After ko ichat 'yon  lumabas na agad ako sa room at nagmadali palabas ng school mga ilang segundo pa lang vibrate na ng vibrate yung phone ko, siguro nabasa nya na.
Nang makalabas ako sa school binagalan ko na lang yung lakad ko since uwian naman na at madami na akong kasabay na estudyante.

Maya maya..

"HOY TEKA LANG!" 

Boses pa lang nya kilala ko na kaya medyo nagmadali ako maglakad pero naabutan nya ako

"Ano ba problema mo? wala naman akong nililigawan" Sabi nya habang hinaharang ako 

Gusto ko na umalis.

"Sino ba nagsabi sayo nyan?"

Mahalaga ba 'yon?

"Waala ngang iba"

"Gusto ko na umuwi."

Ayoko na muna pag-usapan to kasi naiinis lang ako, hindi ako makapag-isip ng maayos.

"Hindi kita  papauwiin hanggat hindi naayos 'to"

Bumuntong hininga na lang ako para kahit papaano mawala yung inis.

"Bakit? bakit may nililigawan ka? ano 'to? ano tayo? ganto lang? basta naging tayo lang? gano'n?"

"Wala nga akong iba, wala akong nililigawan, just because I already earned your trust that does not mean I'm going to be a stupid person, okay? Girlfriend kita bakit manliligaw pa ako ng iba? bakit kasi naniniwala ka sa mga gano'n? I'm not blaming you but if you really trust me hindi ka magkakaganyan, sa akin ka lang maniwala."

He explained without any hesitations, para akong tanga na biglang nainis kasi naniwala ako sa sinabi ng kaklase ko. Putangina no'n yari 'yon sakin bukas.

Tumango ako bilang tugon sa sinabi nya

"I love you, okay?"

I nodded and rolled my eyes to him, I still have doubts but I love him.

After that sabay na kami umuwi dahil halos lagi naman namin ginagawa 'yon


Never in a single thought that jealousy would be true, you lied to me.



WHO'S THAT SOULWhere stories live. Discover now