PROLOGUE

47 4 4
                                    

It's a beautiful morning when we arrived at our house.

 Kakarating palang namin galing France at dito agad kami dumiretso dahil may mahalaga daw na sasabihin si Daddy saamin, saakin to be exact. Pagbaba ko palang sa sasakyan bumungad na agad saakin ang nakangiting si Mommy.

"My Baby" Mahigpit na yakap agad ang ginawad niya saakin. 

"Mom hindi na ako makahinga" nahihirapang sabi ko dahil sa higpit ng yakap niya . 

Ang over naman kase nito kung makayakap. Parang hindi lang kakagaling last month sa France para bisitahin kami.

" Sorry baby I really miss you. So kumusta ang flight niyo?''

" Okay naman Mom nakakapagod lang sa haba ng byahe"

" Asan na siya? Namiss ko na rin yung batang yun" nakangiting tanong ni Mommy na halatang excited ng makita ang bata

Napatingin tuloy ako  sa kakapasok lang na si Ian na buhat buhat ang tulog na tulog na bata.

"Ah lapag ko lang sa kwarto mo, halat pagod na pagod sa byahe" sabi ni Ian

Pagtingin ko kay Mommy ay nagkipit balikat nalang siya at pumunta na sa kusina. Sumunod naman ako sakanya dahil naamoy kuna ang mga ulam na niluluto niya. 

"Nga pala Mom nasan si Dad?" Tanong kay Mommy pero agad namang bumukas ang pinto ng kusina na at iniluwa si Daddy.

"I'm here, why?" Nakita kuna agad ang galit sa mata ng aking Daddy

"Hi Dad, how are you?" lalapit na sana ako para yumakap pero umiwas siya at pumunta kay Mommy at isa isang tiningnan ang niluluto nito.

My tears suddenly fell but I wiped it immediately. I know until now Dad is still mad at me. kasalanan ko naman pero hindi ko yun pinagsisihan. 

" Dad I'm so-" hindi  pinatapos ni Dad ang sasabihin ko

" Let's eat lalamig ang pagkain, tawagin muna Alliana si Ian" 

" Ako nalang ang tatawag kay Ian" pagbboluntatyo ni Mommy

" Ako na po"Nakita ko ang lungkot sa mata ni Mommy kaya nginitian ko siya upang ipakita na ayos lang ako.

Dahan dahan ako naglakad papuntang kwarto ko sa taas. Nakita kung papalabas na din si Ian saaking kwarto .

"Tara na kain na daw" aya ko dito 

"finally, finally,finally magkakalaman na itong tyan ko" may patalon talon pang nalalaman. Ngumiti nalang ako at inakbayan na siya pababa.

Umupo na agad kami ni Ian at nagsimulang kumain. Nagluto si Mommy ng tinapa, longganisa at garlic rice. 

Halos patapos na kaming kumain ng magsalita si Daddy.

"I'm planning to build a hospital in Sipocot" sabay tingin niya saakin na ikinagulat ko

" Really Dad" Masayang sabi ko. Tumango siya bago pinagpatuloy ang pagsasalita 

" I already talk the Architect and Engineers, the construction will start next week " nalaglag ang panga ko dahil sa sinasabi niya.

" I want you Alliana to check  time to time the progress of that project" seryosong sabi ni Dad

" I will Dad, I promise. By the way who's  the Architect and Engineer for this project" curious na tanong ko 

" Arch. Perez and Engr. Gomez" 

What did heard it right Engr. Gomez?  

"Engr. Gomez?" patanong ko sabi 

"Yes, the owner of L Gomez Group of Campanies" 

Napainom ako ng tubig dahil sa sinabi ni Dad. Nakita kung nailuwa ni Ian ang kinakain niya sabay napatingin saakin siya saakin na naglalakihan ang mata at parang may gustong sabihin.

" Alliana aasahan ko ang ipinangako mo, be professional" Pagkatapos sabihin ni Dad yun ay humalik muna siya kay Mommy bago umalis.

Hindi na ako nakasagot sa sinabi niya.

What the hell!

Ang daming Engineers sa mundo bat siya pa!



Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2022 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Eyes of SceneryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon