One shot

9 1 0
                                    

"Julianne"tawag sa akin ni Carlos

"baket?"tanong ko naman

"ahm ano kase ahm"hindi niya matuloy ang sasabihin niya

"ano ba sasabihin mo?"malumay na tanong ko

"ahm...........Mahal kita" sabi niya.Nabigla man ako ay hindi nagpahalata

'Mahal din kita Carlos'sabi ko sa isip ko hindi pa kasi ako handa para mag amin ng nararamdaman ko

"Okay lang kung hindi ka mag salita ang mahalaga ay nasabi ko ang nararamdaman ko para sayo"mahabang sabi niya.Mabait si Carlos,Gwapo,Mayaman.Hindi lang talaga ako handa magsabi ng nararamdaman ko

"Ah!sorry Carlos ha?kung wala pang respond galing sakin"sabi ko

"Ano kaba? okay lang Haha"sabi niya sabay tawa ng peke "ah Juls alis na ako ha?may pupuntahan pa kasi ako ehy!"dagdag niya

"Ah sige ingat"sabi ko

"Sige ingat din sayo bye"sabi niya.Tumango nalang ako at tumayo na.Andito kami ngayon sa labas ng Company namin dito rin ako nagtatrabaho.

Bago siya pumasok sa kotse niya nag wave pa siya sakin nag wave back naman ako sakanya at pumasok na siya sa kotse niya pinaandar niya ito at umalis na tinanaw ko pa siya palabas ng gate.

Bumaba na ako sa kotse ko at pumasok sa bahay at umakyat ng hagdan hindi pako nakakalahati sa pag akyat tinawag ako ni mommy

"Juls,anak maghapunan ka muna"sabi niya

"Magbibihis lang ako Mom"sabi ko

"Sige,bumaba ka kaagad ha?"-siya

"Opo"sabi ko at nagpatuloy sa pag akyat ng hagdan at pumasok sa kwarto.

Naligo muna ako bago nagbihis ng pantulog at bumaba para kumain pagdating ko sa Dining nakita ko kaagad sino Mommy't Daddy binati ko muna sila at umupo na sa upuan at kumain

"Kamusta work mo ija?"sabi ni Dad

"Ayun andami kong dapat tapusin dahil sa susunod na araw na ang deadline ng ibang books"sabi ko.Dami pa kaming pinag-usapang keneme na ganon.

Pagkatapos naming mag hapunan nag paalam nako at umakyat sa kwarto ko.Nagmunimuni muna ako,pumasok nanaman sa isip ko ang pag amin ni Carlos sakin inisip ko din kung pano ako mag coconfess ng feelings ko for him.Sa sobrang isip ko ata tinangay nako ng antok.

Pagkatapos naming mag usap ni Carlos nang araw nayon hindi na siya nagpakita sakin Baket? di ko rin alam.Nakaraan ang ilang araw nag migrate ako sa Canada dahil ako daw muna ang mag mamanage ng Kompanya namin duon.Marami akong nakilala at naging kaibigan duon masaya rin silang kasama pero hindi ko pa din nakalimutan si Carlos

2years later~

"Hello Philippines i'm back"sabi ko pagkababa ko sa private plane.

Pumasok nako sa airport at nakita ko duon ang sundo ko pero nagtaka ako dahil kasama niya yung ate ni Carlos pumunta nako sakanila kinuha naman ni manong yung dala ko

"Ate Christine, ba't sumama kapa kay manong sumundo sakin?pwede naman pong man antay ka nalang sa bahay"sabi ko sakanya

"Sumama talaga ako Juls,may sasabihin din kasi ako sayo"sabi niya

"ah!ok po"sabi ko pumasok muna kami sa kotse "manong diretso tayo sa bahay"sabi ko kay manong "Ate ano pong sasabihin mo?"tanong ko umuusad nadin yung kotse palabas ng airport

"Tungkol ito kay Carlos"unang sabi palang niya kinabahan nako

"Baket po?"tanong ko

"Juls w-wala n-nasi C-carlos"nag sisimula na siyang umiyak namumuo naman yung luha saking mata

"A-ate ano p-pong ibig m-mong sabihin?"utal sa tanong ko

"Juls p-patay na s-si C-Carlos"umiiyak na sabi niya,tuluyan ng bumagsak yung luha ko

"N-nung araw na nag c-confess siya sayo yun din yung a-araw na nalaman naming may s-sakit siya sa p-puso m-malala yung sakit niya kaya k-kinailangan na iconfine siya ang sabi niya pa p-pupunta muna siya sayo dahil may s-sasabihin siya hinayaan nalang namin siya k-kinabukasan naki usap siya sa d-doktor niya na kung pwede siyang lumabas p-pupuntahan kalang niya pinayagan siya ng doktor niya pero sinamahan siya ng isang N-nurse wala ka daw sa loob dahil may pinuntahan ka kaya b-bumalik nalang siya sa o-ospital araw araw niya yun ginagawa n-nagbabakasali na makita ka"huminto siya sandali bago nag salita ulit.

"Isang araw n-nabalitaan nalang niya na l-lilipad ka daw pupunta sa Canada b-buong araw siya u-umiyak nun.Araw araw k-kinakausap niya yung litrato mo m-minsan pinupuntahan din niya yung k-kompanya niyo n-nagbabakasakali na m-makita ka na,minsan p-pumupunta din siya sa bahay niyo t-tnatanong kung b-bumalik ka na ba pero s-sabi nila palagi wala ka l-last m-month b-bu-bumigay yung k-katawan ni Carlos wala k-kaming n-nagawa" humahagulgul na siya sa iyak niyakap ko narin siya ako naman ay pinipigilan na humagulgul na todo.

"P-pero bago siya b-bawian ng buhay nun k-kinausap niya ako p-pinapasabi na hanggang sa langit d-dadalhin niya yung a-alaala niyong d-dalawa at mahal na mahal ka daw n-niya at ang g-gusto niyang m-maghatid sakanya sa h-huling h-hantungan niya ay i-ikaw pero h-hindi ka d-dumating dahil h-hindi pa daw tapos y-yung ginagawa mo dun sa C-canada sabi ng D-daddy mo"-siya

"B-baket hindi po k-kayo t-tumawag o nag t-text sakin?m-maiintindihan ko naman p-po"sabi ko sakanya

"A-ayaw ka naming i-istorbohin sa t-trabaho mo kaya h-hindi ka n-nalang namin k-kinontak"-siya

"B-baket hindi po siya i-inoperahan o di kaya p-pinalitan yung p-puso niya?"tanong ko

"A-ayaw niyang mag p-papalit ng p-puso dahil sabi niya pag p-pinalitan daw yung puso niya baka daw hindi ka makilala ng pusong ipapalit sakanya kaya pinili niyang wag na daw.Ayaw niya ding magpa opera dahil pag inoperhan daw siya baka daw mas maaga siyang mawala naaalala ko pa nun nung sabihin niya na sana bumalik kana at sana manlang daw maging girlfriend ka niya o kung sakali man daw na hindi mangyari yun yung makita ka nalang daw niya sa huli niyang hininga pero hindi ka dumating nun"sabi niya patuloy lang kami sa pag iyak walang nag sasalita hanggang dumating kami sa bahay

"A-ate s-saan n-naka l-libing si Carlos?"sabi ko umiiyak pa din.
Sinabi niya naman yung adress

"ahm manong paki hatid po si Ate Christine sa bahay nila"sabi ko bago ako bumaba nag pasalamat muna ako kay ate at pumasok sa bahay dumiretso agad ako sa kwarto naligo at nagbihis nag ayos ng kaunti at lumabas nakasalubong ko si Mommy sa hagdan

"Anak aalis ka? e kadadating mo lang ah?"tanong sakin ni mommy

"ahm pupuntahan ko po yung puntod ni Carlos mom"sabi ko

"Ah sige mag ingat ka sa daan anak ah?"-mom

"opo mom bye"sabi ko sabay kiss sa cheeks niya.Lumabas nako ng bahay at sumakay sa kotse

Bago ako pumunta sa sementeryo bumili muna ako ng bulaklak at kandila
Pagdating ko hinanap ko yung puntod ni Carlos after 1,000 years nakita ko na din.Sinindihan ko muna yung kandila at linagay yung bulaklak sa gilid.

"Hi Carlos"panimula ko namuo nanaman yung luha sa mata ko "b-baket hindi mo s-sinabing may s-saket k-ka edi s-sana hindi n-nako p-pumunta sa C-canada edi sana n-nasamahan k-kitang l-lumalaban sa s-sakit mo"humagulgul nako sa iyak "e-edi s-sana k-kasama p-pa k-kita h-hanggang ngayon e-edi s-sana n-na s-sa-sabi k-ko y-yu-yung n-narar-ramdam-man k-ko par-para s-sayo. Carlos m-mahal na mahal k-kita m-mula noon hanggang n-ngayon oo C-carlos m-mahal k-kita noon pa h-hindi ko l-lang m-masabi d-dahil hindi pa ako h-handa"hindi na ako nakapag salita sa kakaiyak.

"Carlos hindi kita makakalimutan ikaw parin yung nag mamay ari ng puso ko walang papalit sayo dito may asawa man o wala ikaw pa rin.Carlos pasensiya kung hindi ko nasabi ng maaga yung nararamdaman ko para sayo pero ipapangako ko sayo ikaw at ikaw lang ang nag mamay ari nitong puso ko"huling sabi ko nagtagal pa ako bago ko mapagdesisyunang umalis.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Dec 11, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unsaid Feelings (One Shot Story)Where stories live. Discover now