Prologue: Ang Simula

43 0 0
                                    

Hi ako nga pala si Phil isang simpleng estudyanteng tanging pangarap ay maging isang guro tulad ni Mommy na pinaka idol ko sa lahat.

Ako ay patpatin na bata dahil na rin nagmana sa aking ama. Makinis at matangkad rin. Kung makakasalubong mo ako sa daan ay aakalain mo akong nasa elementary pa dahil sa cute naman talaga ako.

As of the moment ay isa akong Senior High School student at hanggang ngayon ay hindi pa rin nagkakajowa o nahalikan man lang.

Ako ay bakla ngunit mas gusto kong maging masculine dahil na rin takot akong mahusgahan ng ibang tao pero hindi ko tinago ang kasarian ko sa mga kaibigan ko at alam nilang lahat ito.

Sa tuwing pagdilat ng aking mata ay isang tao lang ang laging lumalabas sa aking isip at yun ay si Migs na kaklase ko simula nung Grade 1 hanggang ngayon. Noon ay wala lang sa akin si Migs pero nung nagkaedad at nagsimulang naghanap ng mga crush ay siya ang una at baka huli ko nang magiging crush.

Lahat ng iyon ay nagsimula nung Grade 8 palang kami dahil sa mga panahong iyon ay naging mas malapit kami sa isat-isa. Lumipat kasi kami ng pamilya ko sa village kung saan nakatira sina Migs dahil mas malapit ito sa school nina Mama at ng Mama din ni Migs kaya tuwing uwian ay madalas kaming magsabay.

Lumipas ang mga araw ng di ko namamalayang nahuhulog na ang puso ko sa kanya at sa kanya ko unang naramdaman ang mga paru-paru sa aking tiyan na para bang nagpapahiwatig ng bugso ng damdaming mahirap labanan.

Ngunit sa tuwing naiisip ko ang nararamdaman ko sa kanya ay pinipilit kong kalimutan na lamang ito dahil na rin sa ayaw kong mawalan ng kaibigan at syempre masaktan na rin.

Alam ko sa sarili ko na kailanman hindi ako magugustuhan ni Migs dahil he is into girls and alam na alam ko na straight siya.

Ngunit sa bawat oras na nakakasama ko siya ay ini-imagine ko na lang na para kaming magkadate at hinahayaan kong tumakbo ang oras sabay ng pagtibok ng aking puso.

Naghahanda na pala ako ngayon dahil gagawin na namin ang aming project at ang usual na partner ko ay si Migs. Kapag nagpipilian talaga ng partner ay palagi talaga niya akong pinipili dahil na rin ubod ng tamad ang kaibigan kong iyon at panay tulog lang alam pero may mga times naman na tumutulong ang mokong.

Nag-ayos na ako ng mga gagamitin namin at habang papalabas ako ng kwarto ay nabigla ako sa aking nakita.

Nasa harap ko si Migs na naka basketball shorts lang at walang pang-itaas na damit at pawis na pawis. Nakikita ko ang hubog ng kanyang braso kahit patpatin ito ay may hulma dahil na rin sa paglalaro ng basketball.

"Akala ko ba sa bahay niyo tayo gagawa"

"Dito nalang sa inyo dahil miss ko na ang pa-almusal at pa meryenda ni Tita. May seminar kasi si Mama bukas kaya ayokong makaistorbo pa sa kanyang tulog dahil for sure magsusumbong ka na namang asungot ka"

Nagbago ang aking emosyon at tumaas ang aking dugo sa inusal ng lalaking ito. Hindi na ako nakapagsalita dahil bigla nalang itong pumasok sa kwarto at dumiretso sa cr para maligo.

Naupo nalang ako at nilagay ang mga gamit ko sa side table at inayos ito upang pagkatapos maligo ni Migs ay masimulan na namin dahil pupunta kami sa Linggo sa lola ko upang i-celebrate ang bday niya kaya kailangang masimulan na ngayon at kinabukasan ay desenyo at ayos nalang ang kulang.

Makalipas ang ilang minuto.

Nung lumabas si Migs ay napansin ko ang bukol sa kanyang hinaharap at di ko maiwasang titigan ito.

"Huy! Phil ano bang tinitingnan mo?"

Hindi ako umimik at binuksan ang cabinet ko at kinuha ang underwear at mga damit niyang iniwan dito dahil sa katamaran niyang umuwi. Akala siguro niya ay isang milya ang layo nila sa bahay namin.

"Bilisan mo ngang magpalit at magsimula na tayo" usal ko at agad namang siyang sumunod

Hanga pa rin ako sa mokong na 'to ay parang mani lang sa kanya ang pag-edit ng mga video at yun na talaga ang hilig niya pero baka sa pasukan ay Education ang kukunin niyang kurso dahil mahal ang Multimedia Arts kaya ayun. Gusto ko siyang tulungan pero pareha lang kami ng sitwasyon madalas delayed ang sweldo ni mama at hirap itong ipagkasya kaya ayun tiis tiis muna.

Natapos ang gabi at nag-ayos na kami para makapaghanda na sa pagtulog. Masaya ako kapag nakakatulog siya dito sa amin dahil atleast nakakabawi ako sa kanya. Magulo kasi akong matulog at madalas mahulog sa kama at siya namang kung ano ang posisyon sa pagtulog ay ganun pa rin sa paggising kay madalas ay naiinis siya sa paggalaw ko.

"Subukan mo lang mang-inis at gumalaw na parang gulaman ngayong gabi Phil. Humanda ka talaga bukas"

Hindi ko siya pinansin at itinago ko nalang ang tawa ko dahil di naman iyon sinasadya. Ganun lang talaga ako matulog.

Bago kami matulog ay nagtext muna si Migs sa girlfriend niya na si Jerah. Si Jerah ay ang babaeng nanligaw kay Migs at ayun dahil maganda at sexy ito. Naging sila ni Migs pero alam kong maraming side chicks si Migs pero magaling magtago at hindi nahahalata ni Jerah.

Nagseselos ako tuwing naiisip ko na may Jerah na si Migs pero wala eh. Iba ako at hindi ko kayang ibigay ang gusto ni Migs na pamilya.
Kaya heto nasa tabi iniisip at naghihintay ng milagro.

-- End of Prologue --

AUTHORS NOTE:
I will be updating this story from time to time. May mga chapters na mahahaba at may chapters na maikli lang.

Please bear with me dahil pinag-aaralan ko pang magsulat ng mga rated 18 na mga istorya.

© markjadelol

Support my 2nd Rated 18 Novel which is an Awakening Book Titled "Thorn Between The Boys" at ihanda ang mga luha sa mga di inaasahang pangyayari.

Midnight SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon