Chapter 1: Virginity

33 1 0
                                    

Flashback Before Migs Came to Phils' House

Migs POV

Napagod ako sa pagbabasketbal buong hapon at bigla kong naalala na may project pala kaming Video sa Emp.Tech kaya pagkatapos ng alro ay dumiretso agad ako sa bahay nila Phil dahil alam ko kung paano magalit ang mokong na yun at baka masumbong pa ako kay mama.

Hindi ko namalayang basang basa ako ng pawis kaya hinubad ko nalang ito para di masyadong malagkit.

Uuwi sana ako pero alam kong may iniwan akong mga damit sa cabinet ni Phil at may extra namang tuwalya yun kaya ayos lang na dun ako maligo para na rin makapagsimula na kami.

Pagdating ko sa bahay nila ay agad akong pinagbuksan ni Tita Mayet at agad na nagmano

"Pumasok ka at kumain ka ng hapunan dahil tapos na si Phil kaya sabayan mo nalang ako"

Agad kaming nagtungo sa kusina ni Tita Mayet at the usual ay para talaga siyang si mama na pinaghahandaan ako sa lamesa.

Pinahiram muna ako ng damit ni Tita Mayet at nagpalit para makapagsimula na kaming kumain.

"Siya nga pala Migs. Huwag kayong magpapagabi masyado sa ginagawa niyo at huwag mag-ingay masyado dahil may seminar ako bukas biglaan kasi kaya ayun kailangan kong pumunta"

"Ah sige po tita. Magkasama po kayo ni mama?'' tanong ko

"Hindi iho, ibang seminar ang sasalihan ko dahil iyon ay tungkol sa mga bagong libro ng isang publication at baka gabi na ako maka-uwi"

Pagkatapos ng usapan namin ni Tita ay tumayo na ako at nakaisip ng ideya. Magtopless ako sa harap ni Phil para maglaway na naman siya at gustong gusto ko talagang makita ang reaksyon niya kapag nakikita ang hubad kong katawan.

Dati palang ay alam ko na kung ano si Phil at ayaw kong magbago ang tingin ko sa kanya dahil sa sekswalidad niya.

"Akala ko ba sa bahay niyo tayo gagawa" pagtatakang tanong nito

"Dito nalang sa inyo dahil miss ko na ang pa-almusal at pa meryenda ni Tita. May seminar kasi si Mama bukas kaya ayokong makaistorbo pa sa kanyang tulog dahil for sure magsusumbong ka na namang asungot ka" pagpapaliwanag ko pa

Nagbago ang ihip ng hangin at naramdaman ko ang galit ni Phil kaya para hindi na mas uminit pa ang ulo niya ay pumasok ako sa kwarto niya at agad na nagtungo sa Cr para makapagligo na rin.

Pagkatapos kong maligo ay nagtuwalya ako at medyo ibinaba ko ng bahagya ang towel upang makita ang emosyon ni Phil dahil for sure matutulala lamang ito. Di naman sa pagmamayabang ay medyo gifted tayo sa parteng iyon ng katawan.

At di nga ako nagkakamali at yun na nga. Nakita ko ang titig niya na para akong gustong lamunin niya ng buo at para magising sa realidad ang kaibigan kong ito ay bigla kong nasambit

"Huy! Phil ano bang tinitingnan mo?" sabay wave

Hindi siya umimik at binuksan ang cabinet at dali daling kinuha ang damit na gusto niyang ipasuot sa akin.

"Bilisan mo ngang magpalit at magsimula na tayo" usal niya at dahil na rin gusto ko ng magpahinga at matapos to ay sinunod ko na agad siya.

Naupo ako sa mesa niya at binuksan ang laptop niya at nagsimula na akong i-edit yung video namin. Medyo gamay ko na ang pag eedit ng mga video dahil ito talaga ang gusto ko pero ayun nga lang di namin afford.

Nakaupo lang si Phil sa tabi ko dahil wala naman siyang hilig sa mga editing stuff kaya ayun tinutulungan niya lang ako sa pagbibigay niya ng mga ideas sa mga transition and mga cinematography.

Midnight SecretsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon