I looked up at the darkening sky. Mukhang uulan pa ata. Bakit ko ba kasi naiwan ang payong ko sa office? Argh!
"Engr! We'll go ahead." One of the architects they've worked with said. "I'll have Architect Castillo coordinate with you with the updates and changes we've talked about nalang. See you at the next meeting," he added.
"Sige po. Thank you, Architect Ramos," tanging sabi niya bago pumasok na ang architect sa kotse nito.
She, on the other hand, is still standing outside the restaurant kung saan sila nagmeeting together with Architect Castillo who is behind her. Yakap-yakap niya ang folders na bitbit niya kanina at ang bagong folder na galing sa mga architects na ka meeting niya.
"Engr. Maceda, I have to go as well. Sure ka ba na ayos ka lang?" Sabi ng isang architect na ka-meeting niya habang nakatingin sa mga dala niya.
She smiled at him with ease. "Ayos lang, papara lang ako ng taxi. Mukhang may dadaan naman ata dito." Pero sa totoo lang, sumasakit na talaga ang tiyan niya buhat ng dysmenorrhea niya at tinitiis niya lang ito kanina pa.
Hindi naman mabigat o marami ang dala niya. Kaya niya ngang magbuhat ng mas marami pa rito pero sa kondisyon niya ngayon, sana talaga ay nagsick leave nalang siya sa araw na ito. Pero dahil scheduled first meeting nila ng partnered architect for a project, she needs to push herself to present their plans.
"Sige, ako nalang ang tatawag." Before she can react, the rain started pouring and she didn't know which way to go.
So she left Architect Castillo there and ran back to the restaurant's entrance. Pagkasilong niya, nakita niyang tumatakbo na rin ito papalapit sa kanya. She looks at him apologetically.
"Sorry naiwan kita, I need to save these kasi. Nataranta ako," she said fast pero tinatawanan lang siya nito.
"Napansin ko nga ang mabilis mong takbo." He said with amusement kaya medyo nahiya siya sa kinilos niya. "Punuan rin ang taxi dito, baka matagalan ka. May payong ka ba?"
"Wala ih. Hihintayin ko nalang tumila ang ulan. Pauwi na rin kasi ako kaya okay lang." She reasoned. She saw him gazing towards the dark sky which is pouring rain heavily.
"Can I offer you a ride?" bulalas nito na siyang nagpatitig sa kanya dito. "Medyo matagal pa titila ang ulan sa kapal ng ulap sa langit. My conscience is restless kung iiwan kita rito, baka may mangyaring masama sa... sa mga files at papagalitan ako ni Boss," he said with a forced laugh at the end.
She's contemplating to accept the offer pero kasi mas lumalala ang sakit ng puson niya dahil sa lamig. And she'll be working with them for months or even a year, she doesn't want to reject help.
"Wala ata akong choice," she said in the end. "Uhm, saan ka pala nagpark? Matatakbo ba natin?" Sana naman malapit lang. Ang sakit na talagang gumalaw. Gusto ko nalang mahiga, ugh!
"Medyo malayo-layo, kunin ko nalang yung payong 'tas babalikan kita dito. Baka mabasa pa yung folders," he said before he dashed off.
Naisip niya kung talaga bang magagalit ang Boss nito kapag nabasa ang files. I mean, I'm sure they have soft copies of these. Pero baka nga hassle ang ilang ulit na prints.
She just shrugged her thoughts away and waited for him to come back.
Pagkapasok niya sa kotse nito, nalanghap niya agad ang panlalaking pabango nito. Not too manly, she thought. And the heater is already on kaya unti-unting nawala ang ginaw niya. Her muscles calm and the pain started to subside.
BINABASA MO ANG
Too Good At Goodbyes | OneShotStory
KurzgeschichtenA one-shot love story with 4k word count.