Nag-aalmusal kami ni Mama nang biglang kumatok at tumawag si Tita Lea, kaibigan ni Mama. Wala na si Papa dahil pumasok na siya sa trabaho. Si Kuya Jared naman ay pumasok na sa school. 'Di man lang ako hinintay.
Tumingin sa akin si Mama at ngumiti bago buksan ang pinto para lumabas at papasukin sila Tita Lea. Nakita ko si Louise sa tabi ni Tita Lea. Nag-mano ako kay Tita Lea at nginitian si Louise. Louise just stared at me and nod.
Louise is already wearing our uniform, papasok na siguro siya. Our uniform is brown pants, white polo with the school logo on the pouch.
"Upo muna kayo, kumain na ba kayo?" Tanong ni Mama. Pumunta si Mama sa kusina at hindi na hinintay ang sagot ni Tita Lea. Tumingin ako sa kanya at nginitian niya ako.
Ngumiti din ako at binuksan ang television para makapanood kami. Louise was just minding his own business.
Nag-hain na ng pagkain si mama para kila Tita Lea at Louise. I'm preparing for school dahil late ako nagising. Napuyat ako dahil may tinapos pa akong project.
"Mare, puwede bang dito muna si Louise? May lalakarin muna kasi ako sa Pangasinan, eh busy si Mama kaya hindi mababantayan si Louise," sabi ni Tita Lea.
"Oo naman, mare, welcome sa amin si Louise," Mom looked at Louise and smiled at him.
Nag-usap muna sila Tita Lea at Mama sa may garden area. Naiwan kami ni Louise dito sa loob ng bahay. I awkwardly looked at him and smile.
"Papasok ka na? Hintayin mo na ako, sandal lang ako," I said while eating.
"K," tipid niyang sagot.
I quickly finished my breakfast and took a bath. I don't want to keep him waiting dahil baka parehas kaming ma-late. Nagmadali na akong maligo at nagbihis. Bumaba na ako para magpaalam kay Mama. Nagulat ako nang wala na sa salas si Louise.
"Ma, alis na po ako," I kissed my mom on her cheek and left.
Umalis na si Tita Lea papuntang bus terminal. Si Mama ngayon ay naghuhugas ng pinggan dahil wala si Ate Irma, kasama naming dito sa bahay.
"Tara na," I startled when Louise talked.
"Huh? Akala ko umallis ka na," I chuckled. He walked away as if he didn't hear me.
Hinabol ko siya at sumakay na kami sa jeep papuntang school. Ngayon ko lang napansin na ang tangkad niya pala sa akin.
"Bayad po," inabot na niya ang kaniyang bayad.
"Dalawa po kami sa bayad na 'yan," he said to the driver without looking at me. I looked at him with my eyes wide open.
Kinalabit ko ang tuhod niya para tumingin siya sa 'kin. Tumingin siya at tinaasan ako ng kilay.
YOU ARE READING
Living our Lives
Teen FictionJayden Garcia is an Accountant student who dreamed of being a CEO just like his father. Jayden fell in love with his best friend, Louise Sarmiento, an Engineering student.