Chapter 5

33 5 0
                                    

A/N: MORE THAN A MONTH WITHOUT AN UPDATE🥺

||CHAPTER 5||

(๑•﹏•)

"... I like you" That's the last thing i heard before everything went black.

...

I woke up na nasa clinic ako? Wait uh, oh yeah i fainted. Not because umamin siya...

(•ө•)♡

Is it true? He likess meee???? Kiester Jace Silvero likessss me? Yung School Crush? Yung top notcher? Yung may cold personality pero sweet? Omoooooo

Kalma self napaghahalataang stalker ka. Hoy, hindi kaya. Sadyang alam ko lang, malamang sikat sa school eh. Pero baka naman mali narinig ko? But I'm pretty suree ayun yun! Binanggit pa nga niya buong name ko eh, Omooooo ano sasabihin ko mamaya? Will i act like nothing happened? Or tanungin ko siya kung anong nangyare?

...

"Hoy, namumula ka diyan? Ayos ka na ba?"

" Ay palaka! Ano ba! Bat di mo sinabi andiyan kaaa?" Gulat na tanong ko kay Xyrianne.

" Baliw, kanina pa ako nandito duh! Ako naiwan dito nung dinala ka ni Kie kasi nga You Fainted! Sabi ni Dra. Geraldine you're okay lang daw, you're just too stressed and exhausted. So pahinga ka daw hah! Tinatakot mo ko para kang tangang namumula diyan pagkagising eh" tawa tawang banggit niya.

" Where's Kie? Anong oras na ba? Uwi na tayo" tatayo na sana ako ng pigilan niya ako.

" Wow naman Threa, Kaibigan mo ba ako?" Dramang tugon niya.

" Ako kasama mo pero Si Kie nanaman hinahanap mo, Wala man lang thank you?" Kunyareng nagpupunas na luha ang gaga.

"Kung sapakin kaya kita? Bakit kita hahanapin kung nandiyan ka na? Tapos gusto ko lang... Naman uh mag thank you kay Kie tapos magsorry, siya pa nagdala sakin kanina..." Sabi ko

" Oo na, pabalik na sila. Bumili lang sila ng pagkain para daw kakain na tayo before umuwi since dinner time nadin. Pinaalam na kita kila tita, sinabi ko nangyari, nagaalala sayo. Tawagan mo daw." Banggit niya bago lumabas clinic.
Bago ko pa man tawagan si mama ay nagring na phone ko.

Mama calling...

Sinagot ko na lang.

"Threa? Hello? You okay? Ayos ka na ba?" Nagaalalang tanong ni mama.

" Ma, kalma HAHAHAH ayos na ako, pagod lang siguro kanina. Kasama ko naman sila Xyrianne, antayin lang namin sila Kie tapos uuwi na agad kami." Sagot ko

" 'Nak naman, di mo maaalis yang pagaalala saamin, Natatakot ako, kami na baka bumalik yung d-dat~"

" Ma, Don't worry hindi na babalik. Ayos na ako, The doctor said maliit na ang tyansang babalik diba? Strong ako anak mo ako eh" pagputol ko kay mama.

" Ingatan mo sarili mo nak hah, kain na kayo, Iloveyou"

" Iloveyou more!" Bago ko pinatay ang tawag.

Sakto namang dumating na sila Ice, kasama niya si K-kie...

"Hey, Gising ka na pala Threa? Kumusta pakiramdam mo?" Bati ni Ice habang inaayos Nila ang pagkaing dala.

"Uh hey, ayos naman na. Thanks pala sainyo! Nakakahiya at kayo pa nagdala sakin Dito tas nagstay pa kayo, hindi ba kayo hinahanap?"
Hiyang sabi ko.

" Ayaw ka iwan ni Ki~"

" It's okay, nagpaalam naman kami kila mommy, tapos ayos lang daw nagaalala nga sila para sayo, lika na kain na tayo para makauwi ka na din at nagaalala si Tita sayo." putol Niya kay Isaiah.

" Oh uh okayyyy" medyo hiyang sabi ko. It's awkward of course... Umamin siya kanina for pete's sake. Bakit Parang wala sakanya.

(ᗒᗩᗕ)

"Kiester, Ice, Xy, thank you sainyo hah? Sa paghatid ng prinsesa namin. Sorry sa abala" banggit ni papa.

" Wala po yun tito" sagot ng tatlo, sabay sabay pa na siyang ikinatawa naming lahat.

" Bunso, San sa dalawang yan yung gusto mo? Mas gwapo naman ako ah" pagsingit ni kuya na kakauwi lang galing practice.

"Kuyaaaaa!" Sigaw ko sakanya
"Sabi ko nga tatahimik na" tawa tawang sabi niya habang nagmamano kila pala bago tumaas papuntang kwarto Niya, para siguro magbihis at magpahinga.

"Uh sorry, wag niyo na isipin sinabi ni Kuya. Nangiinis lang yun kaya kung ano ano sinasabi" hiyang sabi ko sakanila na tumatawa lang.

"Talaga ba 'nak? Rinig ko may gusto ka daw, sino nga ba?" Inis ni papa

" Papa naman! Balakayojan nangiinis lang kayo eh" banggit ko.

" Oh sya titigil na, hatid mo muna sila sa Labas Ellyse at magpahinga ka na din" sabi ni mama.

" Tita wag na po, kaya naman na namin, ihahatid nadin namin si Xyrianne, salamat po ulit! Pahinga ka Elly." K-kie...

" Oh sige sige, ingat kayo sa pagmamaneho hah? Salamat"

(๑•﹏•)

After umalis Nila Xy, naligo na din ako para magpahinga. Inaayos ko kama ko ng may kumatok.

"Threa? 'nak?" Katok ni papa.

"Po?" Bago ko buksan ang pinto.

" Pwedi ko bang makausap ang prinsesa ko? Hmm?"

" Si papa may nakain yata at nagiging sweet" tawa ko na sinabayan ni papa.

Umupo ako sa kama habang sa Upuan naman ng study table ko si papa.

"Okay ka na ba 'nak? " Tanong ni papa

"Oo namn po, Malakas ata prinsesa niyo HAHAH"

" Oo naman malakas mana sa papa eh, pero nak uso ang pahinga hah, hindi kailangan laging malakas ka, hindi ka robot. Kailangan mo din ng pahinga. Si superman nga na napakalakas may kahinaan din eh, ikaw pa kaya? Kaya pahinga ka hah ng mas lumakas ka" paalala ni papa

" I will, pa. Alam ko namang andiyan kayo para saakin eh. And I'm so lucky to have you, mama and kuya as my family" naiiyak na sabi ko

" Halika nga dito nak, payakap si papa" naiiyak na din si papa

" Si papa umiiyak HAHAHAH" Inis ko kay papa

"Hindi kaya, ikaw nga tong umiiyak eh HAHAHAH"

" Guide your heart Nak hah? Ayaw ko ng makitang umiiyak kang nasasaktan, tama na yung dati, ayaw ko na maulit. Alam kong may gusto ka kay Kiester. Kiester is a good kid pero still. You know your limits and what to do. Loveyou 'nak"

" Yes pa, Iloveyou moreee"

" Ano, hindi kayo magsasama? Magaantay ba kami ni Mama dito?" Kunyareng tampo ni kuya na kasama si mamang umiiyak na sa may pinto.

"Lapit kasi kayo HAHAH"

And my day was complete. We stayed hugging each other for a minute before sila lumabas ng kwarto para makapagpahinga na din.

Gumugulo padin sa isip ko.

"Is it true? He likes me?"...

¯\_(ツ)_/¯


Nagbabalik◉‿◉
~Thiana(khiatot)





Its Our, Fulfilled Dreams (On-Going)Where stories live. Discover now